Ang iringan sa social media ng mga beteranang aktres na sina Vivian Velez at Isabel Rivas ay nauwi sa pagpapa-drug test ng huli.
Ito ay upang pasinungalingan ang pahaging ni Velez na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Rivas at humiling pa na sana ay ma-tokhang diumano ito.
Nag-ugat ang lahat sa series of Facebook post ng dating sexy-drama actress na si Vivian Velez last July 10 matapos nitong ikatuwa ang pagbasura ng kongreso sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.
Pinapurihan din ng actress-entrepreneur ang mga mambabatas na bumoto upang i-deny ang hiling na franchise ng media giant.
Dito naglabas ng himutok si Isabel at tinawag na "walang kwentang tao," "no brains," "walang kahihiyan," at "ingrata" si Vivian sa kanyang Facebook post last July 11.
Ang punto n'ya, bakit umano masaya si Vivian ngayong tuluyan na ngang hindi makakapag-air ang ABS-CBN sa channel 2 at marami ang mawawalan ng trabaho na taga-entertainment industry kung saan din umano ito nagmula.
Bagamat hindi pinangalanan si Isabel sumagot ng bira si Vivian. Aniya sa kanyang Facebook post noon ding July 11: “Dating ‘inggiterang’ actress friend, putak ng putak at minumura ako dahil DDS daw ako. Tumitira ka pa rin ba palaka? #maTOKHANGkaSANA.”
Sa kanya namang komento sa sariling Facebook post, kinuwestyon ni Isabel ang kagaspangan ng ugali ni Vivian na itinalaga pa mandin bilang director general ng Film Academy of the Philippines.
Dapat daw sana ay mas maunawaan nito ang hinaing ng mga TV at film workers na nasa floating status ngayon kasunod nga ng pagkabigo ng Kapamilya network na makakuha ng panibagong prangkisa sa kongreso.
At ngayong hapon, July 13, muling binasag ni Isabel ang kanyang pananahimik at nag-post sa Facebook ng photo ng resulta ng kanyang drug test.
Negative ang resulta ng drug test ng actress na isinagawa ngayong araw mismo.
Aniya, ginawa niya ito para patunayan sa lahat na siya’y drug-free na taliwas sa pasaring ni Vivian.
"I went to a reputable drug testing center this morning to do my test for everyone to know im drug free," panimulang pahayag ni Isabel, who is Marilou Gumabao in real life, sa kanyang FB post. “Accusers doers Vivian Velez.. Here it shows how unreliable a person you really are for accusing me w/o proof. Your angry bcuz I called you out on your calloused heart when you posted hurtful congratulatory to the failure of ABS's non renewal of theyr contract [sic].”
Nilinaw din ng 61-year-old actress na hindi n'ya tinututulan ang naging desisyon ng karama sa kapalaran ng ABS-CBN. Bagkus, ang pangko-call out umano niya kay Vivian ay dahil sa tila kawalang-puso nito sa kapwa taga-industriya ng entertianment na nawalan ng ikabubuhay.
"I do not have problem about your issues of ABS-s non renewal," pahayag pa ng dati ring sexy-drama actress nung kanyang kapanahunan.
“Maybe they have committed mistakes, so we made congress decide. I don't question the team of the government who made a decision on it bcuz I don't know any better, I was not even following the hearnings.
"My issue is the callouness of your persons heart for people in distress & your friends & colleagues.”
Mahaba ang post ni Isabel at marami umanong humihikayat sa kanya na wag na umanong patulan si Vivian dahil umano tila nakikipagtalo lamang siya sa “ask g kanal.”
Pero ani Isabel, kailangan lang niya ipaalam sa tao ang kanyang drug test result at buong saloobin and what she stands for— which are fairness, empathy at EQ (emotional quotient).
Sa bandang huli, pinasalamatan ni Isabel ang mga sumusuporta at nagmamahal sa kanya ka ilang ang mga nagbasa ng kanyang mahabang post.
Nagbigay-mensahe din siya na naea’y mas maging in tune sa kindness at goodness ang mga tao lalo na panagong ito ng pandemya.
.
"Life is short so keep your heads high but keep your hearts in place where empathy & love resides. God bless," pagtatapos ni Isabel
Dear family, friends & readers I went to a reputable drug testing center this morning to do my test for everyone to...
Posted by Isabel Rivas on Monday, July 13, 2020