"Introvert" PBB housemate KD Estrada, naging feeling pabigat sa pamilya dahil sa biglaang pagbitiw sa online class niya

Pangko ni KD Estrada, babawi siya sa mga magulang once makalabas sa Bahay ni Kuya. “Mom, Dad, sorry talaga. When I get back I promise I’ll make you proud,” pahayag ni KD. “I’m gonna finish college. I’m gonna get a business and I’ll be a producer. Lahat ’yan, I’ll do that for you.”

PHOTOS: @kdestrada_ on Instagram

Pangko ni KD Estrada, babawi siya sa mga magulang once makalabas sa Bahay ni Kuya. “Mom, Dad, sorry talaga. When I get back I promise I’ll make you proud,” pahayag ni KD. “I’m gonna finish college. I’m gonna get a business and I’ll be a producer. Lahat ’yan, I’ll do that for you.”

Emosyonal na naglabas ng kanyang saloobin ang Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si KD Estrada na umantig sa viewers ng Kapamilya reality TV show.

Naganap ’yon noong Day 6 nila sa loob ng “Bahay ni Kuya” na ipinalabas noong October 21. 

That day, isa ang showbiz newbie and Star Magic talent sa nakatanggap ng package from the “outside world.”

Nang mabuksan ay nalaman nilang lahat na ’yon ay ang kanyang high school diploma na may kalakip na letter for him mula sa kanyang pamilya sa Parañaque. 

However, hindi naging madali para sa aminadong introvert na si KD noong oras na ’yon para mag-share sa kanyang housemates ng patungkol sa package na natanggap at tungkol sa pinagdadaanan n’ya sa ngayon. 

Para magawa ’yon ay kinailangan pa n’yang tumalikod sa mga ito at mas okey daw s’ya sa ganu’n. 

Ngayong taon, bago ako grumadweyt,” panimulang pago-open up niya. “I stopped going to school. Wala…napagod lang ako sa online class. I didn’t like online class talaga.

Pag-amin pa ng Squad Plus member, pakiramdam daw n’ya ay naging pabigat s’ya sa kanyang pamilya dahil hindi n’ya itinuloy ang kanyang pag-aaral. 

(Ang Squad Plus at ang extended version ng Gold Squad ng mga young stars na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz, at Kyle Echarri.)

“I had an anxiety attack a few months ago na I was gonna fail. It’s all my fault,” he went on confessing.

Dahil sa anxiety attack ko nilabas ko lahat ng nararamdaman ko sa parents ko. I felt I’m such a burden, na napakasama kong tao, naging burden ako sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko.

Iyon din daw ang dahilan kung bakit mas pinipinili n’yang mag-isa most of the time habang nasa loob ng PBB house kesa ang makihalubilo sa iba n’yang housemates. 

“Sorry. Nararamdaman n’yo na parang hindi ako nagsasalita kasi ayokong maging burden sa inyo,” aniya.

Dinamayan naman s’ya ng kanyang housemates. Pero mas pinili n’yang umalis at magpahangin sa labas. 

Makalipas ang ilang sandali ay sinadya n’ya ang confession room at emosyonal na naglabas ng kanyang saloobin kay Big Brother.

“I stopped going to school which is napaka-selfish na desisyon, ’di ba? Hindi ko alam kung anong naisip ko nu’n, e. Ang tanga-tanga ko talaga,” may pagsisising saad ng promising Kapamilya singer-actor. 

Kaya ngayon…I really want to go to college but my parents are scared that I’ll do the same thing, e.

Dito na siya nangako sa kanyang mga magulang na sisikaping tuparin ang pangarap ng mga ito sa kanya—ang makapagtapos sa pag-aaral.

“Mom, Dad, sorry talaga. When I get back I promise I’ll make you proud,” pahayag ni KD. “I’m gonna finish college. I’m gonna get a business and I’ll be a producer. Lahat ’yan, I’ll do that for you,” sunod-sunod niyang bitaw.

Payo naman ni Big Brother sa kanya, ’wag n’yang ini-ismol ang kanyang journey. Pahalagahan din daw n’ya ang kanyang mental health. 

Maganda ang intensyon mo. ‘Wag mong maliitin ang mga pinagdaanan mo,” susog ni Big Brother.  “Sa panahon ngayon, KD, importanteng bagay ang mental health at isa ako sa mga sumusuporta nito.

’Yong pinagdaanan mo…hindi ka nag-iisa. Hindi mali at mas lalong hindi pabigat,” pagtatapos pa ni Big Brother.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.