Ice Seguerra sa pagkaka-aresto sa controversial drag artist na si Pura Luka Vega: “This only goes to show how archaic Philippine laws are.”

Kung na-offend daw ni Pura Luka Vega ang mga relihiyoso, nakaka-offend din naman daw ang mga ito sa mga gaya nila, ayon kay Ice Seguerra. Naranasan umano n’ya ito nang magsermon ang isang pari sa misang pinuntahan nila dahil pinalalabas nito na parang masama silang tao.

PHOTOS: GMA Network & Manila Police PIO

Kung na-offend daw ni Pura Luka Vega ang mga relihiyoso, nakaka-offend din naman daw ang mga ito sa mga gaya nila, ayon kay Ice Seguerra. Naranasan umano n’ya ito nang magsermon ang isang pari sa misang pinuntahan nila dahil pinalalabas nito na parang masama silang tao.

Naglabas ng saloobin ang singer-songwriter and LGBTQIA+ rights advocate na si Ice Seguerra hinggil sa pagkaka-aresto sa drag artist na si Amadeus Fernando Pagente o mas kilala bilang si Pura Luka Vega.

Inaresto kasi ng mga pulis si Pura kahapon, October 4, for the charges of “immoral doctrines, obscene publications and exhibitions and indecent shows in relation to section 6 of the Republic Act No. 10175.”

Kaugnay ito sa pagbibihis-Nazareno niya before sa isang event kung saan naganap ang nag-viral na n’yang “Ama Namin” remix performance. 

Dahil sa ginawa n’ya, na-offend ang grupo ng mga deboto ng Nazareno kaya nagsampa ng kaso ang mga ito laban sa kanya, bukod pa sa mga local government units na nagdeklara din sa  kanya bilang persona non grata.

At sa pagkaka-aresto ni Pura kahapon, naglabas ng saloobin si Ice sa aniya’y hindi patas na batas at pagtingin ng lipunan sa mga ganya nilang member ng LGBTQIA+ community.

Tila ang dali raw magpakulong ng mga gaya nila gayung sila naman daw ay laging biktima ng social injustices at pinagdadamutan ng hustiya dahil sa kanilang sekswalidad.

“This only goes to show how archaic Philippine laws are. Madaling magsampa ng kaso sa isang taong naka ‘offend’ ng religious beliefs nang karamihan but meanwhile, wala pa ring karapatan sa mata ng batas ang mga LGBTQIA persons na tinatanggalan ng trabaho, sinasaktan, pinapatay na most often than not, ay dahil din sa religion,” himutok ni Ice sa kanyang Facebook post.

Kalakip ng post ni Ice ang mug shot photo ni Pura na naka-detain ngayon sa Manila Police District (MPD) Station 3 sa Quiapo, Maynila.

Patuloy pa n’ya, tila sobra naman daw ang naging reaksyon ng mga umano’y na-offend ni Pura. Dahil sa marami umanong pagkakataon, ang mga gaya daw nila ang laging biktima na walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili.

“Sa inyo, nung paniniwala ninyo ang tinamaan, grabe na kayo makaalma. Ang bilis niyong magsampa ng kaso. Kami, kabuhayan, karapatan, at dignidad ang inaalis ninyo sa amin pero ano, kibit-balikat lang at kailangan lang namin tanggapin at unawain?” tanong n’ya.

Nag-iwan din siya ng makahulugang mga tanong sa mga mambabatas sa nangyari. 

“To our lawmakers, saan na ang sinasabi ninyong separation of church and state? Saan yung sinasabi niyong kaya kayo nandiyan ay para gumawa ng mga batas na pangkalahatan?” magkasunod na tanong ni Ice. 

Sa comment section, igiiniit din ng partner ni Liza Diño na limitado ang batas na pumoprotekta sa mga minorities gaya ng mga members ng LGBTQIA+ community.

“I think it’s fair to say that the laws that we have now are not as progressive or still very limited in terms of protecting minorities, specifically the LGBTQIA+ community,” saad n’ya.

Alam daw n’ya na totoong malaki nga ang porsyento ng Christian population sa Pilipinas pero p’wede rin naman umanong mabigyan pa rin ng pantay na karapatan ang mga tulad nila.

“While I agree that we are a predominantly Catholic country, does it mean that the existence of LGBTQIA cannot also be recognized if, under the law, all citizens are equal?” punto ni Ice.

Kung respeto naman daw ang pag-uusapan, naranasan din daw n’yang ma-offend ng isang pari habang nasa gitna ng misa.

“Doon tayo sa respect begets respect. I was the subject of a sermon (at least, one that I know of) when we got married. We were even at church when the priest talked about us,” pagre-recall ng OPM hitmaker.

Nainsulto umano s’ya that time dahil parang gustong sabihin sa sermon na masamang tao ang mga kagaya nila.

“I was profoundly offended because parang napakasama naming tao to be subjected to that. Should I have filed a case saying that they have offended my freedom? But anong magagawa ko? We could only walk out,” pagbabahagi n’ya.

“My issue lies in the imbalance of the passage of specific laws. Granted, matagal nang nandiyan ang batas na ginamit to arrest Pura. But I hope the lawmakers can keep up with the changing times and not deny our community the rights we deserve,” dagdag pa ni Ice.

Sa kabila ng paglalabas n’ya ng saloobin, natutuwa raw s’ya sa nababasa n’yang magkakaibang pananaw.

“I am happy we can talk about this topic; I enjoy hearing others’ points of view,” pagtatapos n’ya.

SCREENSHOT: Ice Seguerra on Facebook

Samantala, ayon sa ibinigay na update ng Drag Den creator na si Rod Singh, as of 12 PM ngayong araw, umabot na umano sa P421,252.88 ang nalikom nilang pondo na gagamitin pang-piyansa ni Pura.

Dahil nagkakahalaga lang ng P72,000 ang kailangan ni Pura para makapag-bail, na-cover na rin umano nila ng travel expenses ng nanay nito sa probinsya na luluwas pa-Maynila para samahan ang anak.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Drag artist Pura Luka Vega, arestado dahil sa reklamo kaugnay sa kanyang controversial "Ama Namin" remix performance

Pakiusap ni Ice Seguerra sa mga senador: "Tama na ang delaying tactics...I-plenary na ang SOGIE Equality Bill."

Ice Seguerra, alay sa asawang si Liza Diño ang tagumpay ng kanyang 35th anniversary concert

Ice Seguerra sa asawang si Liza Diño ngayong pinalitan na ito bilang FDCP chairperson: “You have set the bar for what a government servant should be... You are irreplaceable.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.