Ice Seguerra, naninibago sa music industry; mas nawiwiling mag-direk

At a crossroad?: “Kasi ngayon, ’yong creative juices ko, nagpo-flow siya sa in  other platforms, in other things and not music, so hopefully bumalik do’n sa music… like ngayon, I’m really enjoying directing.”

PHOTOS: @iceseguerra

At a crossroad?: “Kasi ngayon, ’yong creative juices ko, nagpo-flow siya sa in other platforms, in other things and not music, so hopefully bumalik do’n sa music… like ngayon, I’m really enjoying directing.”

Marami ang natutuwa na active na ulit ngayon sa music scene ang acoustic icon na si Ice Seguerra. Bumalik na siya sa pag-iikot sa mga music bars at ngayon ay kabilang pa sa major concert na Playlist The Best of OPM ng Viva Live, Inc., kasama ang mga music icons na sina Joey Generoso, Jay Durias, at iba pa.

Isa’t kalahating-taon din kasing iniwan ni Ice pansamantala ang pagkanta para sa chairmanship ng National Youth Commission (NYC), kung saan siya in-appoint ni President Rodrigo Duterte noong August 2016; habang ang misis niyang si Liza Diño naman ay in-appoint din bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines. 

But in March last year, nag-resign sa posisyon si Ice, citing “personal reasons” kaya muli niyang hinarap ang pagkanta. Pero aminado siyang maski hanggang ngayon ay tila nangangapa siya sa mga pagbabago sa music world. Kaya nang matanong sa press conference ng Playlist tungkol sa mga bago niyang plano sa kanyang music career ay hindi alam ni Ice ang isasagot.

“Honestly, right now, I’m really just doing shows. But in terms of creating new music, I’m actually, let’s say, at a crossroad?” paliwanag ni Ice. 

“Kasi when I left the [music] industry for like two years, when I decided to join the government, ibang-iba… sobrang magmula no’n and ngayon na pagbalik ko, ang daming pagbabago na…buhay na buhay! Parang at the same time, sobrang buhay siya…sobrang bago for me.

“Nandoon ako ngayon sa ano ba gusto kong gawin,? Ano ba ’ko ngayon? Sino ba ko ngayon? Alam mo ’yon? Nandoon ako ngayon.”

Sana nga raw ay ma-inspire siya ng mga kasama niya sa Playlist concert na gumawa ulit nga mga bagong kanta at makipa-collaborate sa iba pang projects na may kinalaman sa music. Aminado rin kasi si Ice nag-e-enjoy din siya sa pagdidirek ng mga shows, gaya ng pinaka-huling FDCP’s Film Ambassadors Night noong February 10 na ginanap sa SM Aura, kung saan siya ang nag-helm ng programa.

“Kasi ngayon, ’yong creative juices ko, nagpo-flow siya sa in other platforms, in other things and not music, so hopefully bumalik do’n sa music…like ngayon, I’m really enjoying directing.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.