Ian Veneracion, pinasinungalingang hiwalay na sa asawa; bwelta sa mga nang-iintriga: “I don’t need to defend myself from the lies of perverts.”

PHOTO: ABS-CBN via @ianveneracion_official on Instagram

PHOTO: ABS-CBN via @ianveneracion_official on Instagram

May pahaging na sagot ang aktor na si Ian Veneracion sa issue na may “secret relationship” diumano sila ng “Oh My Dad” co-star n’yang si Sue Ramirez.

Silang dalawa kasi ang iniintriga ng mga Netizens sa blind item na tungkol sa isang gwapong aktor na nakikipag-split daw sa kanyang asawa dahil sa affair n’ya sa isang napakagandang starlet na may boyfriend na mula naman daw sa prominenteng pamilya. 

At nito ngang Sabado, January 23, matapos mag-post ng sexy photo sa Instagram ay nakatanggap si Sue ng mga negatibong komento mula sa Netizens at itinuro na s’ya daw ang tinutukoy sa lumabas na blind item. 

“@sueannadoodles blind item Ka sa @pepalerts , Kabit Ka daw ni @ianveneracion …” sey ng isang Netizen. 

“@sueannadoodles kamusta secret relationship nyo ni @ianveneracion1? @javibenitezzz” tanong naman ng isang basher. 

Agad namang ipinagtanggol ang aktres ng kanyang boyfriend - ang newbie actor na si Javi Benitez - na s’yang sinasabi na mula daw sa “prominenteng pamilya” dahil anak s’ya ng businessman and politician na si Albee Benitez na mula sa Negros Occidental.

Bwelta n’ya sa commet section, “[H]indi starlet si Sue at hindi siya ganyang babae. Mali hula niyo kaya itigil niyo na yan.”

At ngayong araw naman, January 27, ang celebrity hunk na si Ian na ang nag-post sa kanyang Instagram na tila kanyang tugon sa issue ibinabato sa kanila ni Sue. 

“Once upon a time I was pissed. #happilymarried,” pahayag n’ya sa kanyang IG post that came with a note sa mismong photo.

Heto ang sabi sa note:

“I don’t want to normalize people exploiting our personal lives for their entertainment.

“I don’t need to defend myself from the lies of perverts.”

Kasalukuyang co-stars sina Sue at Ian na gumaganap na mag-ama sa sitcom na “Oh My Dad.” Produced ito ng Brightlight Productions na pagmamay-ari ni Albee Benitez at ipinalalabas tuwing Sabado ng hapon sa TV5.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Ian Veneracion searches himself on Netflix and gets thrilled when it yields a result

Celebrity couple na sina Sue Ramirez at Javi Benitez, ibinida ang nagustuhan nila sa isa’t isa

Pika's Pick: Sue Ramirez to Javi Benitez: “Love you more every day, Jav!”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.