Tatlong magkakasunod na black and white photos ang ipinost ng bokalistang si Jay Contreras sa Instagram na may mga caption na “Choose love” at “I choose love.”
Tila ito ang tugon n’ya sa isyung kinasasangkutan ngayon ng banda n’yang Kamikazee at ni Sorsogon Governor Edwin “Boboy” Hamor.
Hindi natuloy ang dapat sana ay pagtatanghal nila ng mga ka-banda n’yang sina Jomal Linao, Led Tuyay, Jason Astete, Allan Burdeos, Jian Lubiano, Mikki Jill para sa pista ng Casiguran sa Sorsogon matapos silang pauwiin ng gobernador ng probinsya.
Paliwanag ni Gov. Hamor sa kanyang constituents during the “Konsierto sa Casiguran” noong October 1, hindi magandang attitude daw ang naging dahilan kaya pinauwi na n’ya ang Pinoy rock band.
“Sana naintindihan n’yo. Hindi ko gusto ito. kaso, sinabi ko nga, may attitude,” saad ng gobernador sa stage sa gitna ng kasiyahan.
Nai-record ito ng mga taong dumalo sa kasiyahan kaya naman kumalat ito online.
Mensahe pa n’ya sa grupo nina Jay, “Hindi kayo makakabalik sa Sorsogon, maniwala kayo sa akin.”
Marami naman daw banda na p’wede nilang makuha para mag-perform.
“Maraming banda…maraming banda ang gustong magpasaya sa atin. Pero kung ganu’n naman ang ugali pasensyahan tayo,” saad pa n’ya.
Kahit na hindi na nakapag-perform, nabayaran na umano nila ang Kamikazee.
“Bayad ’yon kasi bago mag-perform sila dapat bayad. Pero pinauwi ko na. Hindi ko na patitirahin dito sa residencia. Pinauwi ko na sa airport. Doon sila mag-umaga,” matapang na pahayag n’ya.
“Inuulit ko. Hindi tayo p’wedeng bastusin na mga taga-Sorsogon. Pinipilit ko na itaas ang dignidad ng bawat Sorsoganon,” pagtatapos ni Gov. Hamor.
Hindi naman n’ya idinetalye ang dahilan kung bakit n’ya pinauwi ang banda.
Pero ayon sa nakalap ng GMA Integrated News sa Public Information Officer ng Sorsogon na si Dong Mendoza, nagalit umano ang gobernador nang tumangging mag-pictorial ang grupo sa isa sa mga atraksyon doon, ang 16K Blue Roses.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber