Hyacinth Callado at Gab Lagman, umaming naiisip ang posibilidad na ma-fall sila sa isa’t isa

Para kay Gab Lagman, walang katiyakan kung hanggang saan at kailan ang itatagal ng bawat love team kung kaya’t mas mabuti raw na i-enjoy na lang pagkakasali nila rito at magpasalamat sa mga projects na natatanggap nila.

PHOTO: Melo Balingit

Para kay Gab Lagman, walang katiyakan kung hanggang saan at kailan ang itatagal ng bawat love team kung kaya’t mas mabuti raw na i-enjoy na lang pagkakasali nila rito at magpasalamat sa mga projects na natatanggap nila.

Kapwa umamin ang HyGab tandem na sina Hyacinth Callado at Gab Lagman na sumasagi sa isip nila ang thought na pwede silang maging magkasintahang dalawa.

Sinabi nila ’yan kamakailan sa media conference ng Uni Love Squad na kinabibilangan nilang dalawa, kasama ang MarVen tandem nina Marco Gallo and Heaven Peralejo, at ang KrisshRome nina Jerome Ponce at Krissha Viaje.

Dahil pinagdududahan na ng tuluyan nang nagkakamabutihan ang mga kasama nilang MarVen and KrisshRome, natanong namin ang HyGab tandem na sina Hyacinth at Gab kung naiisip ba nila na doon na rin sila papunta.

“Wow! Hahaha! What a good question. That’s a very deep question,” tila natarantang paunang sagot ni Hyacinth.

Kasunod nito, inamin n’yang sumasagi sa isip n’ya minsan ang possibility na mahulog ang loob n’ya kay Gab.

“I guess, naturally, I have thought about it. That’s all I can say. Naturally, yes. I’ve thought about it,” natatawa at nahihiyang sabi ng aktres.

Um-agree naman dito si Gab dahil ganu’n din umano ang naiisip n’ya dahil matagal silang magkakasama ni Hyacinth.

“Of course, hindi mo naman po maiiwasan kung magkasama po kayo all the time, especially mahabang taping days po ’yong gagawin namin,” lahad ng aktor.

Pero hindi naman daw nila ipipilit ang mga bagay-bagay at hahayaan lang daw nilang ma-develop sila into more than just a love team kung iyon nga ang mangyayari.

“But for us, the way I see things, if it’s meant to be, it’s meant to be po,” sabi n’ya.

Sa ngayon, mas gusto lang daw n’yang i-enjoy na magkatambal sila ni Hyacinth sa isang project.

Iyon daw kasi ang natutunan n’ya sa mga reel and real-life couple gaya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at Kim Chiu and Xian Lim na, sadly, ay parehong nauwi sa hiwalayan.

Ang natutunan ko po sa kanila is enjoy every moment ’cause you never know if it’s gonna last. So, enjoy the process, enjoy how you guys are gonna grow with each other,” pagbabahagi ni Gab.

“’Cause ’yon nga po, hindi natin alam kung hanggang kailan magla-last ang love team. ’Yon, just enjoy the moment and be happy na you have project together,” he went on.

“I’m just happy with everything, na we’re gonna do in this project together and I’m really thankful with Viva. Pero one thing I really learned is to enjoy every moment po,” pagtatapos n’ya.

Samantala, kabilang ang HyGab sa upcoming horror series na Sem Break na mapapanood this coming May sa streaming app na Viva One.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

After one sexy movie, Gab Lagman, balik sa pagiging wholesome

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Gab Lagman, na-challenge gumanap na high school f*** boy sa The Seniors

Sanya Lopez, muntik na palang masungkit ni Gab Lagman

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.