Hot Babes Maui Taylor at Gwen Garci, aminadong kapwa “searching” at ang No. 1 criteria sa magiging partner? “Basta walang Covid.”

SCREENSHOT: Maui Anne Taylor on YouTube

SCREENSHOT: Maui Anne Taylor on YouTube

Pinag-init ng Viva Hot Babes members na sina Maui Taylor at Gwen Garci ang kanilang viewers dahil sa all-out revelations nilang ng dalawa sa latest YouTube vlog entry ni Maui.

Inuman session kasi ang naging peg ng magkaibigan sa two-part vlog content that was uploaded last July 22. At first ay makikita munang gumagawa ng mga Pinoy cocktail drinks ang dalawang sexy-drama actresses.

Sa part one ay pinangunahan ni Maui pagmi-mix ng tinawag niyang “Shembot” drink na gawa sa gin, instant coffee, orange juice at ice; habang ang “Kisay” naman is made by concocting Red Horse beer, gin, and sprite. The last mix na tinimpla nila was the “RPG” na pinaghalo-halong Red Hose, pineapple juice, at gin. 

At s’yempre, after nilang mag-mix ng mga nasabing cocktail drinks, itinuloy na nila sa inuman ang ganap. 

Sa second part ng vlog naman, na in-upload last July 29, ipinakita ang kanilang naging inuman session na may halong fast-talk Q&A that turned into a wild confession. 

Nagpalitan kasi sina Maui at Gwen ng questions about their preferences sa mga intimate topics gaya ng lovemaking, romantic mood, at sizes. 

Para sa’yo, Sis, daks or juts?” unang bombastic na tanong ni Gwen kay Maui na natawa bago sumagot ng “daks.”

Bilang ganti, si Maui naman ang nagtanong kay Gwen: “On Top or below?”

At dahil medyo natahimik si Gwen, muling bumanat si Maui. 

Nag-isip? ’Yong totoo?” 

“Versa. Char!” pilyang sagot naman ni Gwen. “Pwedeng versa? Hahaha!” 

(Versa for versatile or p’wede or preferred niya pareho.)

Muli namang nagtanong si Maui kung ano ba ang pinaka-favorite position ni Gwen. 

P’wedeng lahat na lang?”  game na tugon ni Gwen. 

Alam n'yo na, ha. Alam n’yo na,” pangingiliti naman ni Maui sa viewers dahil sa “hot” revelation ni Gwen. 

“All of the above! Check! Hahaha!” dagdag hirit pa ng makulit na si Gwen.

 

Sa tanong naman ni Maui kung saan mas na-a-attract si Maui, sa chest o sa behind ng isang lalaki ay, “ass” ang naging sagot ni Maui.

 

Gwen: Ass? Importante sa’yo ang ass?

Maui: E, ang pangit naman kung ang [partner] mo may manboobs, 'di ba? 

Gwen: So, hindi ka mahilig sa ma-chest?

Maui: Hindi. Mas gusto ko ’yong ano, kasing-laki ng puwet ko. Charot! Hahaha!

 

In turn, pina-amin ni Maui si Gwen kung gusto ba n’ya ng “rough” o “very rough” in bed.

 

Gwen: Make it rough.

Maui: Rough lang? Ayaw mo ng very rough?

Gwen: E, baka kung saan pumasok, e. So, rough lang. 

Matapos maghagikgikan, ibinuko naman ni Gwen si Maui kung sino ang crush nito ngayon sa showbiz. 

Gwen: Alam ko naman na may crush ka, e. Tatanungin ko kung sinong mas crush mo. Si Xian Lim o si Marco Gumabao?

Maui: Kahirap naman ng tanong mo, girl. Pero I'll go with Xian Lim. S'ya talage, e. Explain?

Gwen: Echos! Parehas lang kasi tayo ng manager nina Xian Lim. 

Maui: Hindi. Ano ka ba? Hindi, ’no? S'ya talaga ’yong crush ko. Insert pa natin dito [sa vlog] ’yong birthday greeting n’ya.

Gwen: Kaya mo sinasabing si Xian Lim kasi nag-send ng video greeting?

Maui: Hindi nga. S’ya talaga!

 

Pati mga prefered nationality when it comes sa makaka-relasyon ay hindi rin pinalagpas ng dalawang sexy single ladies.

 

Maui: Ano’ng gusto mo, Australian o American?

Gwen: P’wedeng Australian? Hahaha 

Maui: Ang safe mo.

Gwen: Australian... O sige, both. Hahaha!

Maui: Australian kasi Australian ang dyowa mo? Charot!

Gwen: I’m single! I’m single, don’t have a thing. Issue, issue. 

Maui: O, shot! Single...single daw. Okay. 

Gwen: Cheers! Pero may tanong ako. Ikaw ba, single, Sis?

Maui: Oo naman. Ako ka ba? Never been kissed. Never been married. Hindi...single ako. I’m not married.

Gwen: Pero do you have a boyfriend? 

Maui: Wala akong boyfriend. Hiniwalayan ko na ’yon. 

Gwen: Parang mababasag yata ’tong baso. Hahahaha!

Maui: Iniwanan ko na.

Gwen: Sa bahay?

Maui: Sa ano, somewhere out there. 

Gwen: So single ka? Parehas pala tayong single.

Maui: Oo. Searching? 

Gwen: Searching. Sa mga gusto mag-apply d’yan, mag-message lang kayo. 

Maui: Basta make sure wala lang kayong COVID ha

 

Preferred “sizes” naman ang next na naungkat ng mga k’welang vloggers. 

 

Tanong ni Gwen kay Maui: Moreno na maliit o mestizo na malaki?

Maui: Oh my God... Moreno na maliit na lang. Ayoko no’ng ano, e. Hindi ako mahilig sa foreigner! 

Gwen: Moreno na maliit pero matigas?

Maui: Oo. Matigas na matigas. E, mestizo na ano malaki tapos malambot naman. ’Di ba laging gano’n ’yong case? 

Gwen: ’Yong mga iba. ’Yong mga Europeans, ganu’n. 

Maui: O, tingnan mo. Alam na alam. Hahaha! Buking!

 

Ang walamang-kamatayang lights on or lights off naman ang next topic.

 

Gwen: Lights on.

Maui: Bakit? Gusto mo makita? 

Gwen: Kailangan kong makita kung malaki ba o maliit. Why not? Kung gagawin mo ’yon pa'no mo makakapa, pa’no kung malaki nga o maliit, ’di ba? O kung maitim o maputi?

Maui: Huh, teka. Ano bang pinag-uusapan natin ngayong hapon?

Gwen: Di ba ’yon ang pinag-uusapan natin?

Maui: Ako, lights off. Mahilig akong mangapa, e. 

Gwen: Ah, ganu’n?

Maui: Oo. Pati buhay ko kinakapa ko pa rin. 

Gwen: So, lights off? Para hindi mo makita?

Maui: Hindi, gusto ko may thrill. 

Gwen: At least ’yon, hindi tayo parehas. 

Maui: Alam mo hindi tayo mag-aaway sa lalaki. Ganu’n daw, definitely. 

 

Mas kaabang-abang pa raw ang Part 3 ng kanilang inuman session na matutunghayan naman YouTube channel ni Gwen Garci soon.

 

Meantime, here’s their rated SPG inuman talk...

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.