Hiwalayan at divorce, rampant ngayon sa Hollywood

Besides Liam Hemsworth at Miley Cyrus, eto pa ang ilan sa mga Hollywood married couples na naghiwalay na: Nicolas Cage and Erika Koike, Wendy Williams and Kevin Hunter, Lilly Ghalichi and Dara Mir, Rachael Harris and Christian Hebel, Mary Lynn Rajskub and Matthew Rolph, Morgan Stewart and Brendan Fitzpatrick, Adrianne Palicki and Scott Grimes, Allen Covert and Kathryn Covert, Michelle Williams and Phil Elverum, Matt Helders and Breana McDow

Artwork: Stephen Jan Cruz

Besides Liam Hemsworth at Miley Cyrus, eto pa ang ilan sa mga Hollywood married couples na naghiwalay na: Nicolas Cage and Erika Koike, Wendy Williams and Kevin Hunter, Lilly Ghalichi and Dara Mir, Rachael Harris and Christian Hebel, Mary Lynn Rajskub and Matthew Rolph, Morgan Stewart and Brendan Fitzpatrick, Adrianne Palicki and Scott Grimes, Allen Covert and Kathryn Covert, Michelle Williams and Phil Elverum, Matt Helders and Breana McDow

Trending na naman ang divorce among Hollywood celebrities sa taong ito.

Habang hinihintay ng marami ang official announcement ng divorce ng estranged couple na sina Miley Cyrus at Liam Hemsworth, heto ang ilang married couples na pagkatapos ng ilang taong pagsasama ay naisipan na lang nilang maghiwalay.

Naging official ang divorce ng Pitch Perfect stars na sina Anna Camp and Skylar Astin noong nakaraang August 23. The couple who started dating in 2013 ay kinasal noong 2016 sa California, pero after two years nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila.

According to documents obtained by Us Weekly, "the pair waived rights to spousal support and will split the rights to their L.A. home."

April 2019 noong i-announce nila Anna and Skylar ang kanilang separation: "We can confirm that we have decided to separate, and this decision was made mutually and amicably. We kindly ask for privacy as we navigate this transition.”

Si Anna ang nag-file ng divorce ilang oras pagkatapos na lumabas ang official statement nila sa media. Ilang linggo naman ang dumaan nang mabalitaan na nasa sa dating app na Raya na si Skylar.

Sa isang interview ni Anna sa Us Weekly, sinabi nito: “I think only recently, am I now actually finding me as Anna, which has been really exciting in my life… I’m 36 years old, I’ve had some life changes go on. And I feel more me than I ever, ever have. So, it’s a vulnerable place to be, but it’s also very empowering. I just feel really grounded in the decisions that I’ve been making I have been for the best."

After 20 years of marriage, divorced na ang former Today Show host na si Matt Lauer sa kanyang wife na si Annette Roque.

Nagkapirmahan na ng divorce decree ang former couple sa New York's Suffolk County Supreme Court noong nakaraang September 5. Nag-file ng divorce si Annette noong July 2019 at inaasikaso na nila ang isang multimillion-dollar settlement. Kinasal sina Matt at Annette noong October 1998.

Ayon sa Extra, makukuha sa settlement ni Annette ay higit na $20 million at ang horse farm and home sa Hamptons na nagkakahalaga ng $44 million. The house, a beachfront estate he bought for $36.5 million from actor Richard Gere is a 12-bedroom, 12-bath property, known as Strongheart Manor. It features a 14,000-square-foot main house with two guesthouses and a basketball court on six acres.

Pagdating sa kanilang mga anak na sina Jack (18), Romy (15) and Thijs (12), shared custody sila sa mga ito.

“It’s final. They are both focused on their three children. Lauer was fighting to save the marriage. He doesn’t want a divorce. Both of them, their first thought is their children," ayon sa People.

Simula noong matanggal sa kanyang trabaho bilang TV host and anchor sa NBC last year dahil sa sexual misconduct charges, pinili ni Lauer na magpaka-low profile.

Kasalukuyan ding nakikipaglaban si Lauer sa New Zealand government dahil sa binili niyang Hunter Vallet Station ranch for $9 million. Ang naturang 16,000-acre property ay gustong pagawan ng government ng easement or right of way para sa mga hikers na pupunta sa Hawea Conservation Park. 

After 22 years, nakipaghiwalay na ang TV host na si Larry King sa kanyang seventh wife na si Shawn Southwick-King.

Nag-file ng divorce ang 75-year old host ng Larry King Live noong nakaraang August 20 sa Los Angeles Superior Court. He cited irreconcilable differences, and the date of separation is listed as June 6, 2019.

Kinasal si King at si Shawn, na isang former actress, noong 1997. May dalawa silang anak na sina Chance (20) at Cannon (19).

Noong 2010 ay muntik na silang mag-divorce pero nag-reconcile sila ay binigyan pa ng second chance ang pagsasama nila.

In 2016, nabalitang nakipag-affair si Shawn sa ibang lalake at dito na nagsimula ang pagiging malamig ni King sa kanyang misis.

Nitong nakaraang April 2019, dumaan sa isang angioplasty procedure si King. Despite his physical recovery following the procedure, the incident highlighted another unhealthy part of his life: his relationship with Shawn.

“He realized that he hadn’t been happy for a long time. They fought and argued all the time. But also it’s about protecting his kids. Shawn and Larry had essentially been separated for a decade. They sleep in separate bedrooms," ayon sa report ng People.

Nagdesisyon namang maghiwalay ang TV and film comedienne Zooey Deschanel at ang producer husband niyang si Jacob Pechenik. Kinasal noong 2015 ang dalawa pero nagdesisyon na silang maghiwalay na. May dalawa silang anak na sina Elsie at Charlie.

Ito ang second divorce ni Zooey. Una siyang kinasal sa lead singer ng bandang Death Cab For Cutie na si Ben Gubbard noong 2009 at nag-divorce sila noong 2012.

"After much discussion and a long period of contemplation we have decided we are better off as friends, business partners and co-parents rather than life partners. We remain committed to our business, our values and most of all our children. Thank you for respecting our privacy at this time," ayon pa sa official statemen nila.

Sumikat si Deschanel sa comedy series na New Girl na tumagal ng seven seasons sa Fox TV. Lumabas din siya sa mga pelikulang Almost Famous, Hitchhiker's Guide To The Galaxy, Yes Man, Elf, Failure To Launch at 500 Days of Summer. She also cofounded Hello Giggles, a women-focused website acquired by Time Inc for about $30 million in 2015.

Si Jacob Pechenik naman ay co-founder and president of YellowJacket Software, a fintech firm acquired by Intercontinental Exchange in 2008. Founder din siya ng TechTrader, an enterprise software company. Naging film producer din siya ng ilang pelikula tulad ng Solace, The Skeleton Twins at Rock The Kasbah kung saan niya nakilala si Zooey. 

Paghahatian nila ang dalawang food companies nila na The Farm Project and Lettuce Grow kunsaan tumutulong sila sa maraming farmers kung paano mas mapapalago at mapapangalaan ang mga tinatanim nilang fruits and vegetables.

Ang iba pang married Hollywood couples na naghiwalay ay sina Nicolas Cage and Erika Koike, Wendy Williams and Kevin Hunter, Lilly Ghalichi and Dara Mir, Rachael Harris and Christian Hebel, Mary Lynn Rajskub and Matthew Rolph, Morgan Stewart and Brendan Fitzpatrick, Adrianne Palicki and Scott Grimes, Allen Covert and Kathryn Covert, Michelle Williams and Phil Elverum, Matt Helders and Breana McDow.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Hiwalayang Miley at Liam, pansexuality ni Miley ang dahilan

Lili Reinhart at Cole Sprouse ng Riverdale, messy ang breakup?

Justin Bieber, pinatino ng asawang si Hailey Baldwin

Riverdale Season 4 premiere, “In Memoriam” para kay Luke Perry

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.