Hitmaker Arthur Nery, ayaw maniwalang malakas ang sex appeal niya

Namimitik ng puso ang new single niyang “Take All the Love.” Written and sung in his neo-Soul RnB style (na puma-palse-falsetto pa). Relaxed ang tiempo at melody, pero pang-warak ang lyrics.  What with lines like these: “All I wish if you to take me” /  “I taste the lies on your lips” / “I only matter when he’s not around” / “You don’t visit ’cause you have more options.”

Photos: Viva Records | O/C Records

Namimitik ng puso ang new single niyang “Take All the Love.” Written and sung in his neo-Soul RnB style (na puma-palse-falsetto pa). Relaxed ang tiempo at melody, pero pang-warak ang lyrics. What with lines like these: “All I wish if you to take me” / “I taste the lies on your lips” / “I only matter when he’s not around” / “You don’t visit ’cause you have more options.”

Normal na sa mga magagaling na performers ang pagiging mahiyain kapag hindi na nakasalang sa stage o pag tinanggalan mo ng microphone.  Hindi naiiba sa kategoryang yon ang “Higa” hitmaker na si Arthur Nery na isinalang ng Viva Records kamakailan sa isang virtual press conference para mas maipakilala siya sa publiko.

Aminado naman si Arthur, who labels himself as Tired Potato on Instagram dahil parang lagi daw siyang feeling pagod at tinatamad na, na nag-iiba nga raw ang pagkatao niya kapag nagpe-perform na siya at parang nagsa-shutdown ulit pag hindi na. Even during the virtual con, parang hirap siyang mag-express ng sarili kahit alam mong articulate naman siya. 

Tipikal na rin sa mga singers—maging solo act man o frontliner ng isang banda—na malalakas ang sex appeal, ika nga. Girls find them sexy. At bonus pa kung naggi-gitara. At lalong bonus kung sila din ang nagsusulat ng kanilang kanta. Lahat yan, meron si Arthur.

Kaya ang tanong namin sa kanya ay kung if her considers himself sexy. Halos namilipit ang talented Cagayanon sa pagsagot. Aniya, he doesn’t find himself sexy—lalo na physically. Hindi rin daw niya alam kung ma-appeal siya. But he admits dating a lot pero sa ngayon ay wala daw siyang seryosong karelasyon.

When asked to describe his music, eto ang nakakatawang pagpaparawan niya: “Parang kung galing ka sa isang party na maingay...pag-uwi mo sa bahay at matutulog ka na, ’yong song ko ang papatugtugin mo.”

Marami daw kasing nagsasabi sa kanya na pang-bedroom listening ang boses at kanta niya.

“Hindi ko po alam kung paano po sila nakakatulog...e, usually masakit naman po ang lyrics.”

And we couldn’t help but agree. Tingnan n’yo naman ang stanza na ito sa hit single niyang “Higa”? 

“Bakit palaging isinasantabi
Ang iyong sarili para sa iba?
Naghahangad sa taong 'di babalik
Subukan mo namang magpahinga...”

(“Higa,” by the way, continues to top playlists. In fact, the song has been in and out of the top spots of the more popular Spotify listings.  And for seven straight weeks ay nag-number ito sa ‘OPM Favourites’ playlist ng said music streaming app.)

Likewise, namimitik din ng puso ang new single niyang “Take All the Love.” Written and sung in his neo-Soul RnB style (na puma-palse-falsetto pa). Relaxed ang tiempo at melody, pero pang-warak ang lyrics. 

What with lines like these:

“All I wish if you to take me” /  “I taste the lies on your lips” / “I only matter when he’s not around” / “You don’t visit ’cause you have more options.”

Actually, ang chill niya pakinggan. Deadmahin mo lang ang lyrics kung ayaw mong tamaan. 

We’re pretty sure, nabighani na kayo ng mga kanta ni Arthur Nery. Maybe you just didn’t know na siya  pala ang kumanta (at sumulat ng mga ’yon). Kaya it’s about time to put a face to the body of work. Though we’re sure na okay lang sa kanya maging anonymous kasi maski daw siya ay deadma minsan kung sino ang singer. Mas mahalaga sa kanya ang music at ang mensahe nito more than the performer.

But we believe na ang genuine talent ni Arthur as a singer, songwriter and lyricist has to be acknowledged naman. Mahusay kasi talaga ang bagets. 

To the unfamiliar, nasa indie music scene muna si Arthur at kukamanta-kanta sa mga gigs sa Cagayan before the mainstream found him. In 2018, he released his “Life Puzzle” album at sinundan ng   “Letters Never Sent” album in 2019. Doon nakapaloob ang hit single na “Higa” and the equally compelling “Binhi.”

Arthur had since steadily established himself as a leading proponent of Pinoy neo-soul, modern-R&B and alt-tinged pop. 

His latest single, “Take All The Love,” went number one at the OPM Rising playlists a week after it was released. 

At the moment, tapos na raw niyang sulatin ang kanyang third album at moving on na sa kasunod. Kaya dapat palitan na niya ang Tired Potato label niya dahil ang sipag-sipag naman niyang magsulat.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kean Cipriano, ALLMO$T, Juan Caoile, King Badger and more music gems release new tracks under Viva Records

Viva Records new releases include songs from Janno Gibbs, Bandang Lapis, Schumi, Kean Cipriano and Max Importunate

Rabiya Mateo, inulan ng congratulatory messages mula sa mga nagdaang Bb./Miss Universe Philippines titleholders

Friends cast reunion is happening soon!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.