Hiling ni Jane de Leon, maka-trabaho ang crush na si Paulo Avelino kahit isang beses lang

“Sana maka-trabaho ko na talaga siya, if hindi ko siya makaka-trabaho this year, sana next year after ng mga gagawin ko. Kahit isang beses lang, 'di ba?"—Jane de Leon on Paulo Avelino

Photos: Noel Orsal

“Sana maka-trabaho ko na talaga siya, if hindi ko siya makaka-trabaho this year, sana next year after ng mga gagawin ko. Kahit isang beses lang, 'di ba?"—Jane de Leon on Paulo Avelino

Last February 23, 2023 nagtapos ang seryeng Darna na pinagbidahan ni Jane De Leon. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kasunod na serye.

Pero hindi ibig sabihin ay wala na itong ginagawa. Katunayan, ilang pelikula ang mga gagawin niya ngayon. Hindi pa nga lang p'wedeng banggitin pa kung ano ang mga titulo nito at kung sino ang mga kasama niya sa pelikula, para hindi raw mawala 'yung element of surprise.

Maliban sa pagiging abala nito sa paggawa ng pelikula ay naging abala rin ito sa pagta-travel abroad. Marami-rami rin daw siya napuntahang bansa gaya ng Japan, Singapore, at Thailand.

“Actually, after Darna ang dami ngang nagsasabi na nasaan daw ako, iniintay nila ako. Hindi raw ako nag papakita. 

“Well, kasi nagbakasyon muna ako and I did a lot of shoots nga especially endorsements and may mga upcoming projects talaga ako especially movies. 

“Hindi lang po talaga namin p’wedeng sabihin sa lahat and gusto namin, surprise and maraming good news naman ang dumadating sa ’kin after Darna. 

“Kaya ngayong mas ini-enjoy ko talaga 'yung time ko kasi malapit na mag-start mga projects ko, probably June.

“Magkakasunod kasi 'yong schedule like after ng first movie, diretso ako agad sa second movie project, so ganoon.

“More than one movie...Marami talaga kayong aabangan,” mahabang tugon ni Jane sa media nang makaharap niya ang mga ito during her launch as the first celebrity ambassador ng Freshies Collagen Drink last Saturday, April 29, 2023 sa Shangri-La The Fort, Manila.

Sa ngayon, mas gusto raw ni Jane ang action genre kumpara sa comedy at horror dahil sa experience n'ya sa Darna. Kaya naman nagte-training daw siya ng martial arts at pati na rin kung paano mag-motor.

Paano kung may mag-offer sa kanya ng matured roles?

“Open naman ako, but I think not too much. Not super sexy, pero siguro ‘yong naaayon doon sa character and reasonable naman for that character. Not so bulgar kasi may mga inaalagaan din akong mga brands. So, 'yon.

“I think 'yung action kasi hindi na ata mawawala sa’kin 'yun. 'Yung manager ko [Tyrone Escalante], binabantayan ako. Siguro something new sa action kasi nakita ako lagi ng mga tao na seryoso ako masyado sa Darna. 'Yung medyo malalayo naman sa ganung characters,” sambit pa ni Jane.

Samantala, alam ng mga followers ni Jane na showbiz crush niya si Paulo Avelino. Bukod raw kasi sa guwapo ay magaling din itong actor. Kung may pagkakataon na mabigyan sila ng proyekto ay super willing daw siyang maka-trabaho ang aktor?

“Sana maka-trabaho ko na talaga siya, if hindi ko siya makaka-trabaho this year, sana next year after ng mga gagawin ko. 

“Kahit isang beses lang, 'di ba? What I like about Paulo is sobrang galing naman talaga niyang artista and 'yon 'yong mga gusto kong maka-eksena talaga," nakangiting tila kinikilig na pagtatapos ni Jane.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pagkikita sana ng dalawang Darna'ng sina Jane de Leon at Regine Velasquez, hindi na nagawan ng paraan

Para kay Jane de Leon, hindi malas ang pagsusuot ni Celeste Cortesi ng Darna costume sa Miss Universe

Jane de Leon, patagong nag-o-overnight sa dressing room ng ABS-CBN para makatipid sa pamasahe noon

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.