Sa ginanap na launch ng PelikuLAYA: International LGBTQIA+Film Festival ng Film Development of the Philippines o FDCP, humingi ng tulong ang Director-General ng Film Academy of the Philippines (FAP) na si Vivian Velez sa mga media at vloggers na dumalo sa nasabing event.
(Yes, present si Ms. VV sa event na pinamumunuan ng dati niyang nakaalitan. Matatandaan na naging vocal noong 2020 ang tinaguriang Miss Body Beautiful ukol sa pagbabanggaan ng sakop ng FDCP, headed by Liza Diño, at ng pinamumunuan niyang ahensya na FAP. Aniya, nothing personal naman daw iyon na may kinalaman lang sa trabaho nila. So, mukang naayos na nila ang mga differences of opinions nila.)
Ang hiling kasi niya ay sana raw, ang FDCP na ang humawak sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) at hindi na ang Metro Manila Development Authority (MMDA). At aniya, makakatulong ang press and vloggers na maipagkaingay iyon.
“Itong Metro Manila Film Festival, dapat maibigay ito sa FDCP,” paunang tsika niya sa mga press and vloggers na present sa event. “Unang-una, wala silang [MMDA] mandate. Ang MMDA, wala sa charter nila ang mag-conduct ng isang film festival.
“Alam ko, marami akong puwedeng sabihin because puwede na akong magsalita ngayon dahil by experience ng Film Academy of the Philippines,” pahayag pa ni Ms VV. “Under MMDA, ako na po ang magsasabi, dapat maibalik ito sa FDCP. Sana, matulungan ninyo kami.
“Ang gusto ko sanang mangyari, at the helm of Chair Liza. Kasi, talagang alam na alam niya kung paano gawin ang mga festival na ito. Nasa mandate ito ng FDCP.
“Sana, tulungan ninyo kami na kalampagin ang MMDA na ‘Maawa na kayo sa industriya! At ibigay ninyo ang Metro Manila Film Festival sa FDCP para ma-manage nang mabuti ito.”
“Unang-una, 'yung ating mga cinema exhibitions. Kasi, 'yan talaga ang isang problema ng filmmakers. Kasi, paano naman tayo uunlad kung isa o dalawang araw lang ang ating pelikulang ipapalabas sa sinehan?
“So, I guess, it’s a whole approach, e, ng buong Pilipinas. Kasi s’yempre, alam naman natin, negosyo 'yan. But then, someone has to give. Somebody has to give. Hindi kasi pupuwedeng hindi ma-subsidize ito ng gobyerno dahil otherwise, mamamatay talaga.
“Patay na ang ating pelikula. Kung hindi rito sa ating mga young filmmakers, kasi mga greenhorn pa sila, ‘no, idealist pa, magaling pa silang manghingi ng pera sa mga magulang nila,” sabi pa ni Ms Vivian.
Samantala, in time for the Pride Month ay inilungsad nga ang ikalawang PelikuLAYA at ang tema this year ay: “Pantay-Pantay, Iba’t Ibang Kulay!”
“This year, as we continue to fight for the freedom and rights of the LGBTQIA+ community, we also celebrate the achievements and support the causes of the members of the community this June,” ani naman ni FDCP Chair Liza Dino.
“We, at the FDCP, are offering an eventful month through PelikuLAYA with a month-long lineup of film screening and events to celebrate this significant month. Happy Pride Month from Team FDCP.”
Nasa 50 local and international films ang kasali sa festival sa tulong ng mga co-presenters ng FDCP gaya ng mga partner embassies—Embassy of Sweden, Embassy of Denmark, Embassy of Chile, Embassy of Spain, Embassy of Canada, US Embassy, Mexican Embassy, at mga ahensya gaya ng Korean Cultural Center, British Council, at Instituto Cervantes.
All 50 movies ay mapapanood sa online and onsite bilang bahagi ng festival’s line-up this year.
Sa unang araw, June 10, ay mapapanood ang Lingua Franca ni Isabel Sandoval na ipapalabas sa Cinematheque Centre Manila sa may Taft Avenue, Manila. Habang ang six subscription films and one available for rental ay sa FDCP Channel naman mapapanood.
Sa June 26 naman ang closing program ng PelikuLAYA. Dubbed as “Para sa Makulay na Bukas!,” sa closing event din ia-announce ang mga mananalo sa PelikuLAYA: Short Film Competition.
For more details, please log on to the FDCP website.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber