Maliban sa kanyang upcoming teleserye na Magandang Dilag sa GMA Network, may bagong aabangan ang fans ng actress-beauty queen na si Herlene Budol.
May patikim kasi tungkol dito ang binansagang "Hipon Girl" sa kanyang Instagram post kahapon, May 24.
Ayon sa kanya, may bago umanong hamon sa kanya ang talent manager niya na si Wilbert Tolentino.
Bagama't ready naman daw siya sa hamong ito pero aminado siyang nagdadalawang-isip pa siya sa ngayon.
"Hi mga KaSquammy ko!! Ready na Hipon girl nyo sa pani bagong hamon ibinigay ni Manager @sirwil75 kht nag dadalawang icip pa ako. Asahan ko supporta nyo sa bago kong journey! Love u all [Three face throwing a kiss emojis]," maikling pahayag ni Herlene.
Ang pagsali nga ba sa Miss Grand Philippines pageant ang tinutukoy niya na bagong journey?
Matatandaan kasing naging vocal si Herlene na gusto niyang masungkit ang Bb. Pilipinas-Grand International crown noong sumali siya sa Binibining Pilipinas pageant noong 2022.
Iyon nga lang, first runner-up lang placement lang ang kanyang napanalunan.
Matatandaan ding lumipad siya pa-Uganda last year para maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Planet International pero nag-back out sila ng mga co-candidates niya dahil sa hindi magandang experience doon. Hindi kasi ready ang host country na pagdadausan sana ng patimpalak.
Ang pangit na karanasan pang iyon ang naging dahilan kaya nakapagbitiw si Herlene na hindi na siya muling sasali pa sa mga beauty contest.
However, na-overcome naman niya ang traumatic experience sa Uganda dahil pagpasok ng January 2023 ay nagpahiwatig siya na gusto niyang sumabak muli sa beauty derby.
At ngayong stand alone pageant na ang Miss Grand Philippines matapos itong kumalas sa Binibining Pilipinas, mukhang ito na ang pagkakataon ni Herlene para muling patunayan ang kanyang sarili na maging representative ng bansa sa Miss Grand International pageant later this year.
Base sa anunsyo ng Miss Grand Philippines organization sa Facebook, tatanggap sila ng aplikante hanggang May 31.
YOU MAY ALSO LIKE:
Plan B para sa nagka-aberyang national costume ni Herlene Budol, nakarating na sa Uganda
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber