Herlene Budol, dumipensa sa mga puna ng netizens matapos siyang makitang naka-panty sa kanyang Facebook Live

Para kay Herlene Budol, hindi na dapat gawing issue pa ang makita s’yang naka-panty sa kanyang Instagram Live dahil rumarampa naman daw s’ya sa stage nang naka-swimsuit.

PHOTOS: @HerleneHiponBudolOfficial on Instagram

Para kay Herlene Budol, hindi na dapat gawing issue pa ang makita s’yang naka-panty sa kanyang Instagram Live dahil rumarampa naman daw s’ya sa stage nang naka-swimsuit.

Hindi raw big issue para kay Herlene Budol na makita s’ya ng netizens na naka-panty lang.

Ito ang sagot n’ya matapos mapuna sa social media dahil sa hindi sinasadyang makita s’yang naka-panty lang sa kanyang recent facebook Live.

Nai-record iyon at ini-upload sa X (formely Twitter) ng isang netizen kaya naman umani ng puna mula sa publiko ang Kapuso comedienne.

Makikita kasi sa video na tumayo si Herlene after n’yang kumain pero nawala ata sa isip n’ya na naka-panty lang s’ya that time at walang suot shorts o anumang pang-kubli.

Bigla rin naman s’yang napa-upo nang ma-realize n’yang may mga taong nanonood sa kaniyang Live at nakikita ang kanyang ginagawa.

Tingnan mo nga. Kita ba?” tanong nga n’ya sa kasamahan n’yang hindi hagip sa camera.

Dahil sa nangyari, naglabasan ang kanyang mga bashers at tinawag s’yang papansin, clout chaser, at kung ano-ano pang pang-aasar.

Agad namang sumagot dito si Herlene na idinaan n’ya sa X (Twitter) din kahapon, April 8.

Ayon sa kanya, hindi na dapat maging issue pa ang pagsusuot n’ya ng panty lang dahil rumarampa nga raw s’ya sa stage na swimsuit lang ang suot.|

“Big issue agad sa panty? Personally, I dont see anything wrong for the panty issue,” pahayag ni Herlene sa kanyang post.

“Nagrarampa nga ako sa entablado wearing Swimsuit. Halos abot hanggang langit nga hugis ng swimsuit ko, tapos ito panty lang,” depensa pa n’ya.

Inamin naman n’yang nagkamali s’ya sa nangyari sa kanyang FB Live pero parte lang daw iyon ng pagiging tao.

“[I]ts part of human error & always remember mistake is part of human being,” pagtatapos n’ya.


 

YOU MAY ALSO LIKE:

Herlene Budol, sexy photos ang unang pasabog sa 2024

Herlene Budol, pumalag sa tsikang buntis siya courtesy of Rob Gomez; "Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho gagawan ka ng issue!"

Herlene Budol, babu na sa pagsali sa mga beauty pageants: “Hindi ko na po ipipilit ’yong sarili ko.”

Herlene Budol, kinalasan na ng manager na si Wilbert Tolentino

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.