Heart Evanglista, TY ang naging sagot sa basher na nagsabing “ang pangit mo” habang nag-a-IG Live siya

“Alam mo minsan hindi ko maintindihan, bakit nahahaluan ng basher? If they hate me so much, stop watching.”—Heart

Photos: @iamhearte

“Alam mo minsan hindi ko maintindihan, bakit nahahaluan ng basher? If they hate me so much, stop watching.”—Heart

“Thank you so much!,” ang nakangiting sagot ni Heart Evangelista—habang naka-Instagram Live siya kahapon, May 26—sa isang basher niya.

Nag-comment ang basher habang naka-IG Live si Heart at sumasagot sa mga fan at netizens na nagtatanong sa kanya.
Biglang nag-post ng comment ang basher kay Heart nang, “Ang pangit mo!”  Binasa ito ni Heart at sinagot nga niya ng pasasalamat.

At saka natatawang sinundan ni Heart ng: “Alam mo minsan hindi ko maintindihan, bakit nahahaluan ng basher? If they hate me so much, stop watching.”
 
Dahil sa pangyayari, may concerned fan na nag-comment kay Heart na: “Don’t mind them.” Huwag na lang daw pansinin ng misis ni Governor Chiz Escudero ang said basher.

Sabi naman ni Heart, “No, I don’t mind them, it’s okay. I’m so used to being bashed actually. There was a time in my career that I’m just bashed so much every day and that really would bother me.” 

Pero na-realize daw niya later on na ang bashing ay napapalitan naman ng blessing.

“But now, you know, I really proved one day [na] if every bash is equivalent to a blessing—and I had nothing at that time...and they still kept on going, kept on going...until all these great things started to happen.

“And I said, ‘Oh my goodness, for years, it started to be great. And then, all of a sudden, it was kinda low and they started to bash. Same group of people. They bashed me again. So I said, ‘Okay, something great must be heading my way, for sure!.’”

Kaya aniya, welcome sa kanya ang bashers. It’s just a matter of whether papa-apekto siya o hindi. And more often than not, mas pinipili niyang hindi magpa-affect sa mga ito.

“Sometimes I need bashers kasi, meron talaga siyang instant...and then, boom! Two major things happening,” pagte-testify niya. “There’s one that I cannot say and it was just in a span of two days! So, guys, it’s okay to be bashed, believe me.
Especially if you’re in this industry and you didn’t do anything, it’s [gonna] pay back.” 

May viewer naman na nagbigay ng suhestiyon kay Heart na i-block na lang daw nito ang basher niya. Pero tumanggi si Heart. May ibang solusyon naman daw. 

“Actually, I don’t block them because they’re still a follower,” katwiran ni Heart. “Bakit ko iba-block, e, di bababa ang followers ko?
Nire-restrict ko na lang sila, hindi sila lumalabas and I don’t read them and I don’t look at it.”
 
Nakatakdang magsimula si Heart ng bago niyang teleserye sa GMA-7, ang I Left My Heart in Sorsogon at may gagawin din siyang art collaboration with the lead vocalist ng sikat na American rock band na Incubus na si Brandon Boyd sa Los Angeles. The latter ay posibleng mag-materialize bandang August umano ng taong ito.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Heart Evangelista sa pagiging selosa niya dati: “Hindi s’ya nakakaganda.”

Nico Bolzico at Solenn Heussaff, kapwa nakalimutan ang kanilang wedding anniversary

Rabiya Mateo, nilinaw na “#ImNotAvailable” at “#Friends” at “#Workmates” lang sila ni PBB alum Andre Brouillette

Will Ashley, may hidden meanings nga ba ang mga captions sa mga socmed posts na pasimpleng para kay Jillian Ward?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.