Heart Evangelista, fan ni Alex Gonzaga at ni Mommy Pinty

PHOTO: screenshot from Alex Gonzaga’s vlog

PHOTO: screenshot from Alex Gonzaga’s vlog

Na-surprise ang mga netizens ng maging guest si Heart Evangelista sa latest vlog entry ni Alex Gonzaga sa kanyang hit Youtube Channel.

Pasok sa house raids segment niya ng mga famous local artistas katulad nina Solenn Heussaff, Isabelle Daza and Sam Milby ang vlog about Heart. But instead of house raid, naging office raid ang collaboration ng dalawa.

In-invade ni Alex ang office ni Heart and her husband Chiz Escudero, the newly-elected Sorsogon governor.     

Sa nasabing vlog, inamin ni Heart na isa siya sa mga fans ni Alex at madalas pinapanood niya din ang mga feel-good vlogs nito.

Nabanggit din ng fashion icon na she’s also a fan at gustong-gusto niya si Mommy Pinty—Alex and Toni Gonzaga’s mom—na laging bumibida sa mga videos niya sa channel.

Shinare din ni Alex in the middle of the video ang advice na nakuha niya from Heart regarding how to move on from past relationships because they share the same experience diumano.

Sabi nito, “Ito yung tinuro sakin ni Heart na hindi ko makakalimutan. Hindi kasi ako maka get over sa mga ex ko noon hindi ko alam kung bakit. Pero ngayon over na over na ako sa kanila.”

Heart’s advice, according to Alex, was: “Habulin mo lang ng habulin, isang araw paggising mo aayaw ka na lang sa kanya.”

Heart also mentioned na after all her past relationships, mas naging kalmado na siya and happy sa piling ng kanyang ever-supportive husband na si Chiz.

After the office raid, na-highlight din ang painting skills ni Heart, who is also known for painting on luxury bags. Naging instant customer niya si Alex sa business niya na ito.

screenshot from Alex Gonzaga’s vlog
screenshot from Alex Gonzaga’s vlog

Madaming celebrities din like Luis Manzano, celeb fashion stylist Liz Uy and lifestyle blogger David Guison ang natuwa on IG na nag comment sa teaser video ng kanyang vlog na pinost ni Alex sa kanyang account. Heart also thanked the vlogger and even called her “madame”. 

Watch the full vlog down below:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Alex Gonzaga surprises boyfriend Mikee Morada on his birthday

Watch: Alex Gonzaga reveals what she’s ticked off from her bucket list

Alex Gonzaga names her favorite YouTubers

Heart Evangelista took in a stray cat for Christmas

Netizens mimic Heart’s glam grocery outfit