Heart Evangelista, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Ruru Madrid and more share the best advices their fathers gave them

Photos: Instagram

Photos: Instagram

Ang mga ama ang itinuturing na haligi ng bawat tahanan. Lahat ay kinakaya upang maitaguyod lamang ang kanilang pamilya.

Maaaring iba-iba ang situwasyon sa bawat pamilya. Maaari rin na may tinatawag na absentee father. Merong din namang tutok at ramdam ang presensya sa bawat oras. 

Pero ang sigurado, bawat isang anak ay may natatanging kuwento—precious memories o mahalagang payo mula sa kanilang tatay, papa, daddy, o appa.

At ilan nga sa mga celebrities ang nagbahagi nito sa amin ngayong Father’s Day.

 

HEART EVANGELISTA


“Ang sinabi niya sa akin na nagmarka
—which was just recently—he said: ‘Ang totoong kalbaryo ng buhay ay nasa pagtanda mo. Because that’s when you realize that you should have saved more. That’s when you realize how health is wealth. That’s when you realize that how you eat is what will make your body the certain way.’

“Relationship, forgiveness and just the basic anxiety stuff that my Dad feels about his immortality.

“He always says, ‘Ang sarap mabuhay ‘no? Imagine mo, baka [in] five years patay na ‘ko. So I was, ‘Dad, stop saying that.’  But you know, it’s true. ’Yun ang totoong kalbaryo ng buhay when you get old and think of those stuff.”

 

JOROSS GAMBOA


“’Yung paglalaro at ’yun naman ang maganda sa
dad ko, open siya na hindi siya perpektong dad. Pero sinasabi niya sa akin ’to ngayong may anak na ’ko. Kumbaga, magiging ama na rin ako noon.

“Sabi niya, ‘Sundan mo lang sa akin ang mga tama kong nagawa. Huwag mong gayahin ’yung mga mali.’

“Meron kasing edad ang mga bata na kapag masyado kang aminado na marami kang mali, tama na umamin kang mali ka, pero ‘wag mong ipakita na puro mali, lalo na ‘yung pa-teenager pa lang, iba pa ’yung mindset nila.”  

“So, ’yung advice talaga niya, ’yun nga, ’yung huwag sundan ’yung mga pagkakamali niya. Sundan lang ‘yung mga tamang ginawa niya. Basically, ’yun talaga.”

 

BARBIE FORTEZA


“Hindi kasi mahilig mag-advice si
daddy, pero ang hindi ko makakalimutan, noong Meant To Be [days], nag-bold star ako, Hahaha!

“’Yung stylist namin, may dala siyang one piece at saka two piece. Tinanong ko si daddy kung ano ang gusto niya na isuot ko. Kasi, kasama ko siya no’n. So, sabi ko, ‘Ano ang gusto mong isuot ko, ’yung one-piece na balot na balot or ’yung two-piece na all-out. Sabi ni daddy, ‘Ikaw, kung kumportable ka namang mag-two-piece. At saka, nag-work-out ka naman, e, ’di mag-two-piece ka na.’

“Gano’n! Gano’n siya ka-supportive na tatay na feeling ko, hindi siya normal. Para sa tatay na gano’n ka-supportive. At saka aware siya na makikita ako ng apat na lalaki [sa cast] na naka-two-piece. At nando’n din siya, nagpi-picture rin siya.

“At never niya akong pinakialaman sa desisyon ko sa buhay. Palagi siyang, ‘Sige, gagawan natin ng paraan para matuloy ang plano mo.’ Ang dali niyang mag-adjust.”

 

JAK ROBERTO


“Wala na po kaming
dad. He passed away, five years old pa lang ako and three years old si Sanya (Lopez).  Ang tinuring kong tatay, ’yung manager naming, si Kuya Germs (German Moreno) at ’yung mga taong tumutulong sa amin.

“Ang advice nila sa amin, basta wala kaming ma-a-agrabyadong tao and stay humble.”

 

CHRISTIAN BAUTISTA


“My father gave me the lesson of hard work. He also gave me the chance to discover what I really want for myself.

“Before I joined my very, very first singing contest almost 20 years ago, after graduating from Landscape Architecture, I was doing theater pa, doing small commercials, handling out leaflets and he saw na parang I was enjoying it. 

“Pero of course, as a father, sabi niya, ‘Hey, you still have an education that we paid for. So, I need you to make sure that in two years, this path, whether theater, commercial, or whatever will eventually pay for your life. That is a very responsible thing to say and I appreciated it naman, the challenge. 

“Thank God naman that it did, but ’yung fact na he gave me the chance to discover...to discover and work hard for myself.”

 

JULIE ANNE SAN JOSE


“’Yung
dad ko kasi, ayaw niya na nagsu-showbiz ako before. As in, he never liked it. There was a point that I had to choose between working and studying.

“And that time, nasa screening na ako ng PopStar Kids, pa-Sugar Pops na kami. I was with Rita (Daniela). Hindi niya alam na nag-audition ako sa PopStar Kids. Nagmo-mall lang kami ng mom ko and ng sister ko, that time...S.O.P. days pa no’n.  

So, noong time na ’yun, napadaan lang kami at nakita namin may pa-audition. Tapos, sabi ni mommy, ‘Try mo kayang mag-audition.’ Wala naman kaming ginagawa that day.

“Tapos, natanggap ako hanggang sa nalaman na ni papa na pumasok ako sa contest. At first, he’s fine with it. When I didn’t win, sabi niya, ‘Tama na yan. Mag-aral ka na lang. Mag-focus ka sa school mo.’ I accepted it. Sabi ko, sige po, baka nga hindi for me.

“And then, nag-aral ako, nag-focus ako sa study ko. And then, may dumating na opportunity, nagbigay ng break ang GMA at pinakanta ako ng isang theme song ng primetime song which was Dyesebel and it was so big because it’s Ate Marian Rivera and Kuya Dong Dantes.  

“Sabi ko, ‘Lord, bakit may opportunity again?’ Hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Pero that time, hindi pa rin convinced ang dad ko.  Nagbigay siya ng ultimatum: ‘Mag-aaral ka or magwo-work.’ 

“Hindi ko siya binigyan ng definite answer, kasi, ayokong manghinayang at sukuan ang isang bagay na hindi ko pa nasusubukan.

“I really worked hard for it. I juggled my time with work and getting a diploma. ’Yun ang isa sa proud ako. Ang mabigyan ng diploma ang mga magulang ko. At ’yun ang natutunan ko, never stop dreaming. Focus sa mga bagay na gusto mong gawin. Be patient. Be responsible and he even taught me sa mga experiences in life, not only in mistakes but in experiences.

“And ‘Always, always be grateful’ ang mga natutunan ko sa kanya.”

 

RURU MADRID


“Para kaming magkaibigan ng
dad ko. Kapag nag-uusap kami, nagbibigay siya ng advice. And I guess, ’yung pinaka-natutunan ko sa kanya, ’yung mga bagay na gusto nating ma-achieve sa buhay ay dapat, pinaghihirapan.

“Mas masarap ’yung pakiramdam na bago mo marating ang pinapangarap mo, dumaan ka muna sa hirap. 

“Kasi, mas ma-a-appreciate mo ang lahat ng mga bagay na meron ka kapag nakita mo ang lahat ng struggles na pinagdaanan mo.

“At the same time, palagi niya rin itinuturo sa akin na oo dapat, dito sa industriyang ito, talented ka, marami kang dapat na p’wedeng ipakita sa kanila, pero para magtagal dito sa industriya, hindi lang naman talent ang nandiyan. Marami pang mga bagay at isa na ro’n ‘yung pakikisama sa mga tao.”

 

 KRIS BERNAL


“Kami ng
daddy ko, consistent naman ’yung communication namin sa messaging.  Hindi naman na kasi siya nakatira sa amin. So, pag ano, nagpapadala ko sa kanya ng food.

“Bata pa ko noong nagkahiwalay sila, siguro mga 12 [years old]. Pero lumaki kasi ako na Daddy’s Girl. So, hindi naman ako nagkaroon ng tampo sa kanya, siguro sa mga pagkukulang, pero understood naman. Hanggang ngayon, parang ako pa rin ang favorite niya. Siyempre, ayoko rin naman na mawala sa akin na siya ang dad ko. Kini-keep ko pa rin siya kahit hindi ko siya nakikita. Nagkakamustahan kami.

“Sa wedding ko, kasama pa rin siya and comfortable naman sila ni mommy na magkasama sa wedding ko.

“And siguro, pag dating lang sa pera, ’yung sinasabi niya na, ‘Huwag kang masilaw...wag kang masilaw sa fame. Keep your feet on the ground. At ’yung mga taong tumulong sa’yo kahit hindi ka pa artista, wag mong kakalimutan.’

“So, I think, ’yun ang tumatak sa akin kasi palagi niyang sinasabi sa akin ’yun. Kung napupuntahan ko pa ba ang ganyan? Nakakausap ko pa ba si ganyan? Nakaka-bonding ko pa ba ang mga kamag-anak namin, ’yung mga gano’n.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pokwang, naging emotional sa alaala ng pa-birthday na mami at softdrink ng kanyang tatay

Viva Records new releases include collabs from ALAMAT x Inigo Pascual, Claudia Barretto x Curtis Smith, and Clien of ALLMO$T x L.A. Goons

Claudia Barretto, excited nang mag-perform ulit with a live audience; “I’m more confident now.”

Tatak-child star, gusto nang mabura ni Jairus Aquino ngayong nasa bakuran na siya ng Viva

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.