Gretchen at Marjorie, nagkatalakan nga ba sa harap ni President Duterte?

Ang mga sangkot umano sa instant confrontation ay sina Gretchen, Marjorie at isang pamangkin nilang nagngangalang Nicole.

Photos: Instagram

Ang mga sangkot umano sa instant confrontation ay sina Gretchen, Marjorie at isang pamangkin nilang nagngangalang Nicole.

Maingay na pinag-uusapan sa loob ng showbiz ngayon ang diumano’y gulo na nangyari kagabi, October 16, sa burol ng Barretto patriarch na si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, Taguig City. 

Ayon sa nasagap ng pikapika.ph, ang mga sangkot umano sa instant confrontation ay sina Gretchen, Marjorie at isang pamangkin nilang nagngangalang Nicole.

Ayon sa nasagap ng pikapika.ph, mainit na raw ang timpla ni Marjorie pagdating palang ni Gretchen. At panay diumano ang litanya nito ng mga naging atraso ni Gretchen sa kanya at sa buong pamilya. Na kesyo ito diumano ang sumira sa pamilya Barretto at buhay ng mga anak niya.

Lalo raw nagpakawala ng mga maaanghang na salita si Marjorie nang nagyakap sina Gretchen at Mommy Inday Barretto na matagal na ring may hidwaan.

Na-witness daw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat dahil magkasunod lang sila halos dumating ni Gretchen sa chapel. At umabot daw ito sa puntong nagsalita na ang pangulo na magbati-bati na sila. Pero ayon sa informant namin, isang resounding na “NO!” diumano ang naging sagot ni Marjorie dito.  

Maya-maya daw ay pumasok sa eksena ang pamangkin nilang nagngangalang Nicole at diretsong nagpunta ito kay Gretchen at akma umamong sasampalin ito. Pero agad daw naharangan at napigilan ito ng isang non-relative. Dito naman daw naka-kuha ng bwelo si Gretchen kaya nahablot nito ang buhok ni Nicole.

Naki-awat din daw si Claudine pero nakatikim din daw si Claudine ng ilang salita mula kay Marjorie na unprintable ang nature. Even ang anak daw Marjorie na si Leon ay panay ang sabi’ng “Stop it, stop it!” Pero nakatikim din daw ito ng sumbat mula sa una na bakit daw tila kumakampi ito sa kabila.

Hindi malinaw sa publiko kung bakit sinugod ni Nicole si Gretchen. Hindi kasi well-publisized ang kung anumang hidwaan nila ni Gretchen kumpara sa mga away involving Gretchen, Marjorie, and Claudine na nagka-rigudon na ng pagka-kampi-kampihan through the years.

“Stop it, stop it,” lang din daw ang naririnig mula sa ina nilang si Inday Barretto.

May dagdag kwento pa na isa pa umanong miyembro ng pamilya ang pumasok sa eksena at naglabas umano ng baril. At this point ay nailabas na raw ng mga PSG (Presidential Security Guards) si President Digong sa chapel.

Ang sidelight na kwento, hindi raw sumakay sa presidential car si President Digong, bagkus ay nag-motorsiklo ito.

Ayon pa sa nasagap namin, may mga nandoon daw that night na nakapag-video ng naganap na kaguluhan. May magsa-surface kaya?

Hiling ng marami ay sana daw ay hindi na masundan pa ang insidente para tahimik namang maihatid sa huling hantungan ang kanilang ama. 

Bukas ang pikapika.ph sa panig ng mga sangkot sa balitang ito.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.