Grae Fernandez, susundan ang yapak ng lolo Daboy

(Inset) Hiwaga ng Kambat lead stars (L-R) Edward Barber, Maymay Entrata, Chantal Videla, and Grae Fernandez.

PHOTOS: Melo Balingit

(Inset) Hiwaga ng Kambat lead stars (L-R) Edward Barber, Maymay Entrata, Chantal Videla, and Grae Fernandez.

Twelve years old lang nang magsimula sa showbiz ang panganay na anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez.

Bagama’t nagsimula bilang boy-band member (Gimme 5) kasama si Nash Aguas, marami-rami na ring nasamahang shows si Grae sa ABS-CBN through the years na humasa sa kakayahan niya bilang artista kagaya ng Bagito (2014), Bridges of Love (2015), at Pangako Sa’yo Book 1 (2015). Naging supporting cast na rin siya sa Richard Gomez-Dawn Zulueta-Bea Alonzo starrer na The Love Affair in 2015.

Now, 17, kita sa matikas na tindig nito na siya, more than his dad, can reclaim the action prince title from his late grandfather, action superstar Rudy “Daboy” Fernandez, who passed on in 2008, when Grae was only seven years old. May konting Padilla swag din na mababakas sa kilos at pananalita ni Grae na hindi naman kataka-taka dahil kadugo din niya isa pang action superstar na si Robin Padilla.

At tila ang action genre nga ang tinatahak na landas ni Grae. Nabuksan daw ang pinto na ’yon dito sa bagong ABS-CBN fantasy series niyang Hiwaga ng Kambat, kung saan marami silang fight scenes ng kakambal niyang half-human; half-bat played by Edward Barber.

“No’ng nag-take po kami no’ng fight scenes, tuwang-tuwa po ako kasi sabi ni Direk Onat [Diaz] sa akin, ‘Bagay na bagay sa’yo ’yong ganitong style, ’yong action, ’yong medyo may pagka-dark ’yong character,’” masayang kwento ni Grae na kaboses na kaboses ng tatay niyang si Mark.

Sa mga ipapalabas palang kasing episodes ay may mga eksenang nag-a-arnis sila ni Edward. Siga-siga kasi ang character ni Grae sa HNK at inaapi-api niya si Edward na hindi niya alam na kapatid niya pala.

“So sobrang natuwa ako sa kanya tapos sinabi niya sa akin, ‘Baka gusto mo i-reconsider na ito na ang gusto mong career path lalo na’t its very in right now.’”

“Ang masasabi ko po doon, parang, ngayon ko lang na-realize na oo, parang p’wede nga, p’wede nga pong ’yon na nga ’yong next career path, ’yon nga yong next journey ko na lalakbayin, which is action.

“I’m very happy na dahil dito sa Hiwaga ng Kambat, na-open po ’yong door na ’yon so very thankful po ako talaga sa Dreamscape.”

Ang Dreamscape ay siya ring produksyon behind FPJ’s Ang Probinsyano, The General’s Daughter, Sino Ang May Sala? (Mea Culpa), at ang paparating na Starla ni Judy Ann Santos.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.