GOOD VIBES: Coco at Alden's friendly rivalry

GOOD VIBES: Coco at Alden's friendly rivalry

Noong August 7 ay nag-post si Coco Martin sa kanyang Instagram account na @mr.cocomartin ng isang kwelang meme na gawa marahil ng isang fan. Nakalarawan sa meme ang picture ni Coco na pinatanda ang itsura—kulubot at maputi na ang buhok. Naka-police uniform siya rito at naka-letra sa meme and pamagat at logo ng FPJ’s Ang Probinsyano, ang pinagbibidahan niyang action-serye na tatlong taon nang naghahari sa primetime TV via ABS-CBN.

 

Naka-saad din sa meme ang nakakatawang mensahe na: “Ang huling dalawang linggo! 08-25-2048” which goes to show na kahit biro ay naniniwala ang mga fans ni Coco, na gumaganap bilang si Cardo sa FPJ’s Ang Probinsyano, na tatanda na si Coco sa pagganap ng role na yon.

 

Ang post na ito ni Coco, na may 122,200-plus likes na as of press time, ay may kasamang personal caption ni Coco that said: “Maraming Salamat po sa inyong pagmamahal!!!”

 

Isa sa mga unang nag-like at nag-react (via emoticon message) sa post na ito ni Coco ay ang matinee idol ng GMA-7 si Alden Richards, ang bida sa action-fantasy na Victor Magtanggol na direktang katapat ngayon sa primetime spot ng action-serye ni Coco.

 

Ang reaction ni through his IG account @aldenrichards02, ay may kasamang emoticon message ng tatlong smiley faces na naiiyak sa kakatawa.

This only goes to show na very friendly ang TV rivalry nina Coco at Alden at hindi nito naapektuhan ang kanilang personal na relasyon bilang industry colleagues. Hindi masasabing close ang dalawa pero maging si Coco ay visible ang pagla-like sa mga IG posts ng mga stars ng kabilang network.

 

At kung may mga common traits man sa dalawang primetime pambato, 'yon ay kapwa sila gentleman, kapwa mapagmahal sa pamilya, at kapwa magaling makisama sa mga tao on and off-cam.

 

Noong July 30 lang nag-pilot sa ere ang Victor Magtanggol ni Alden at bagamat hindi nito nahigitan o natapatan sa ratings ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco ay hindi naman masasabing dapa ito.

 

Nasa lead pa rin sa ratings game ang FPJ’s Ang Probinsyano as of press time pero may balitang kampante naman ang mga big bosses ng GMA-7 sa steady at unti-unting pag-angat ng kanilang pambato.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.