GMA Network, ipinatawag ng MTRCB dahil sa “indecent acts” umano nina Vice Ganda at Ion Perez sa It’s Showtime

Pinagpipiyestahan ngayon ang balitang ipinatawag ng MTRCB ang GMA Network dahil sa sinasabing violation na ginawa ng mga hosts ng It’s Showtime na sina Vice Ganda at Ion Perez. Tantiya ng mga fans ng show, tila panggigipit ang motibo ng ahensya dahil nagsampa ng kaso ang ama ni MTRCB chairperson Lala Sotto-Antonio na si Tito Sotto laban sa GMA Network.

PHOTOS: @GMANetwork @MTRCBgov & @itsShowtimena on Facebook

Pinagpipiyestahan ngayon ang balitang ipinatawag ng MTRCB ang GMA Network dahil sa sinasabing violation na ginawa ng mga hosts ng It’s Showtime na sina Vice Ganda at Ion Perez. Tantiya ng mga fans ng show, tila panggigipit ang motibo ng ahensya dahil nagsampa ng kaso ang ama ni MTRCB chairperson Lala Sotto-Antonio na si Tito Sotto laban sa GMA Network.

Pinag-uusapan ngayon online ang pagpapatawag ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa mga producers ng noontime show na It’s Showtime

Dahil ito sa umano’y “indecent acts” ng mga hosts ng programa at partners in life na sina Vice Ganda at Ion Perez sa programa.

Sa inilabas na statement ng ahensya ngayong araw, July 31, pinadalhan umano nila ng Notice To Appear and Testify ang mga producers ng show, patikular na ang GMA Nertwork, dahil sa mga reklamong natanggap nila.

“Nag-issue ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Notice to Appear at Testify sa Producers ng noontime variety show ‘It’s Showtime’ bunsod ng patong patong na reklamo na natanggap ng Board patungkol sa mga eksena na nagpakita ng diumano’y indecent acts nina Vice Ganda at Ion Perez sa ‘Isip Bata’ segment ng show na ipinalabas noong ika-25 ng Hulyo 2023 sa channels GTV at A2Z DZOZ/DZOE 11,” ayon sa social media post ng MTRCB.

Ito ’yong nauna nang binatikos ng controversial online personality na si Rendon Labador dahil sa hindi umano akma ang pagiging sweet nina Vice at Ion at ang way ng pagkain nila ng icing sa show dahil nangyari ’yon habang may kasama silang mga bata sa nasabing segment.

“Ang naturang eksena ay lumalabag sa Section 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986. Naka schedule ang paglilitis sa ika-31 ng Hulyo 2023, sa ganap na Alas-diyes ng umaga sa MTRCB Office sa Timog Avenue, Quezon City,” dagdag pa ng ahensya. 

Makakaasa raw ang publiko na aaksiyunan nila ang mga natatanggap nilang reklamo. 

“We assure the Public that the MTRCB acts timely on any complaint(s), big or small, without any distinction, raised before it subject to the observance of due process,” pagtatapos nila.

Nagpasalamat naman si Rendon sa MTRCB dahil sa naging aksyon ng ahensya. 

“Maraming Salamat MTRCB!!! Kakampi ninyo ako sa pag tama ng mga mali! #stayMotivated,” pahayag ng online personality sa kanyang Instagram Story.

SCREENSHOT: @rendonlabadorfitness on Instagram

Tumaas naman ang kilay ng mga fans ng It’s Showtime sa ginawa ng MTRCB na pinamumunuan ngayon ni Lala Sotto-Antonio, anak ni dating senador at ngayo’y E.A.T. host Tito Sotto.

Alam naman daw kasi ng publiko na idinawit ng ama n’ya sa unfair competition and copyright infringement charges laban sa TAPE, Inc. ang GMA Network dahil sa pagpapalabas umano nito ng mga reply episodes ng Eat Bulaga! after nilang kumalas sa TAPE.

(Sa kumakalat ngayon na notice ng MTRCB online, ang GMA Network ang nakalagay na “respondents” dahil ito umano ang producers ng It’s Showtime ngayong napapanood na rin ang Kapamilya noontime show sa GTV.)

PHOTO: MTRCB

Hinala rin ng supporters ng show, ang pagkaka-tag sa ginawa nina Vice at Ion bilang “indecent act” ay dahil sa pagiging LGBT couple nila pero babalewalain lang umano ito kung straight male and female couple ang gumawa nu’n sa TV. 

Katulad na lamang sa inirereklamo nila ngayon kung saan tila pikit daw ang MTRCB under Lala Sotto sa ginawa ng tatay n’yang si Tito nang paghahalikan nito on-air sa noontime show nilang E.A.T. last July 29 ang misis na si Helene Gamboa. 

As of this writing ay wala pang tugon ang MTRCB sa bagong reklamo.Caption

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tweet ni Vice Ganda, patama nga ba kay Rendon Labador?

Tito Sotto, pumalag sa mga naging pahayag ni Mayor Bullet Jalosjos: "Bibitawan kami ng salita na mare-retain kami. Huh? Para namang napaka-kawawa namin. That kind of statement is improper."

The Butcher | Eat Bulaga's first day without TVJ

Vice Ganda tells It’s Showtime family: “Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.