Glydel, pagdudusahin si Tonton sa Valentine’s Day!

PHOTOS: Melo Balingit & @glydelmercado

PHOTOS: Melo Balingit & @glydelmercado

Mukang hindi lang sa upcoming primetime teleserye ng GMA-7 na Kara Mia magko-kontrabida ang magaling na aktres na si Glydel Mercado kundi maging even in real life.

Sa kaswal na pakikipag-tsikahan ng pikapika.ph kay Glydel, kasabay ang Abante entertainment editor na si Dondon Sermino,  sa grand media conference ng Kara Mia kahapon, February 12, isa sa naungkat ay ang tungkol sa Valentine’s Day plan nila ng asawa niya of 14 years na si Tonton Gutierrez.

Ayon kay Glydel—na kalog in real life—hindi na raw siya masyadong nage-expect ng ano pa man sa asawa although mahilig naman daw itong mang-surpresa. Ang sure lang daw siya ay may Valentine golf tournament sila kasama ang ilang non-showbiz couples na madalas nilang maka-laro. Baka pagkatapos daw ng laro ay mag-dinner silang lahat as a group.

Nang nagbiro si Dondon, na gaya ng writer na ito ay matagal nang kakilala ni Glydel, na: “Gano’n nalang nangyayari pag [February] 14, wala ng sex?”

Humalakhak muna nang malakas si Glydel at sumakay sa biro.

“Gusto ko lasing, e, ayaw niya akong umiinom,” esplika ni Glydel. “E, di ba masarap makipag-sex pag lasing? Hahaha! E, di ibig sabihin, ayaw [niya] makipag-sex? Hahaha!”

Mas feel daw niya pag naka-inom dahil mas all-out ang labanan, ika nga. Noong araw daw ay pinagbibigyan siya lagi ni Tonton sa trip niya.

“Pero no’ng tumanda na, alam mo ’yon, parang…pag may party, ‘Ayan ka na naman? Lasing ka na naman? Iniiwan niya ako sa party kasi ’yong mga kaibigan ko, pinapa-stay talaga ako.”

Hindi raw kasi umiinom si Tonton dahil unfortunately ay allergic ito sa alak. Pero kung hihirit daw si Tonton sa kanya bukas ay malabo niyang mapagbigyan ang asawa. 

“Hindi kasi ngayon meron ako, e,” kaswal na birit ni Glydel, referring to her monthly period. Matagal daw kasi siya kung datnan dahil irregular siya kaya sorry nalang muna daw si Tonton.

“Hintayin niyang matapos ang red flag, hahaha!!”

Heto ang aliw na tsika with Glydel Mercado:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.