Glaiza de Castro, umaming na-positive sa COVID-19

PHOTO: @glaizaredux on Instagram

PHOTO: @glaizaredux on Instagram

Sa unang pagkakataon ay inamin ng aktres na si Glaiza de Castro na kabilang na s’ya sa mga celebrities na tinamaan at nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19.

Ito ang isiniwalat n’ya sa virtual interview sa kanya na ipinalabas sa 24 Oras kagabi, April 8.  

Aniya, nag-positive daw s’ya sa COVID-19 base sa una n’yang RT-PCR test kaya naman agad daw s’yang nag-quarantine kahit na wala s’yang nararamdamang sintomas ng sakit. 

Pinapakiramdaman ko rin ‘yon sarili kung meron akong mga nararamdaman. Wala at all,” lahad ng multi-awarded Kapuso actress. “Kaya rin ako nag-quarantine, nag-self isolate sa condo ko ng mga ilang araw until nu’ng tumawag ako sa lab kung p’wede na akong magpa-reswab.

Nagpapasalamat naman daw s’ya na makalipas ang ilang araw na nasa quarantine s’ya ay negative na ang lumabas na resulta. 

Nag-okay naman sila [laboratory personnel] and, thankfully, negative naman po ako,” sey pa ng aktres. 

Kung may lesson man daw s’yang napulot sa karanasan n’yang ito, ‘yon ay ‘yong pag-a-isolate kaagad kapag nag-positive sa COVID kahit na asymptomatic pa para hindi na makahawa pa sa iba. 

Kahit na wala kang nararamdaman kung ang result mo ay positive, talagang you really have to monitor yourself and to stay at home,” payo ng 33-year-old actress. 

Sa ngayon ay masaya daw si Glaiza na nakauwi s’ya sa kanilang bahay sa Baler, Aurora matapos ang ilang linggong pananatili n’ya sa lock-in taping para sa pagbibidahan n’yang GMA soap opera na Nagbabagang Luha kung saan makakasama n’ya sina Rayver Cruz at Mike Tan

Nagpapasalamat ako na ang gaan-gaan ng set namin kahit mabigat ‘yong mga scenes na ginagawa namin. Nakakatuwa ‘yong bonding namin kahit [sa mga araw na] wala kaming taping,” pagtatapos ni Glaiza.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Glaiza de Castro and Ken Chan remain Kapuso as they renew their respective contracts with GMA Network

Pika's Pick: Glaiza de Castro is now engaged to Irish boyfriend David Rainey

Irish boyfriend ni Glaiza de Castro, magaling nang mag-Tagalog

Glaiza De Castro, nabawi na ang Instagram account mula sa hacker na nanghingi ng "ransom money"

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.