Glaiza de Castro, masayang kasundo ng husband niyang si David Rainey ang husband ng BFF niyang si Angelica Panganiban

Masaya raw si Glaiza de Castro na nakahanap s’ya ng bestfriend sa showbiz in the form of Angelica Panganiban dahil hanggang ngayon ay matibay at patuloy na yumayabong ang kanilang friendship.

PHOTOS: @glaizaredux & @iamangelicap on Instagram

Masaya raw si Glaiza de Castro na nakahanap s’ya ng bestfriend sa showbiz in the form of Angelica Panganiban dahil hanggang ngayon ay matibay at patuloy na yumayabong ang kanilang friendship.

Masaya ang aktres na si Glaiza de Castro na kasundo ng husband n’yang si David Rainey si Gregg Homan na mister naman ng BFF n’yang si Angelica Panganiban.

Nasabi n’ya ito nang maka-tsikahan s’ya recently ng entertainment press right after the media conference proper ng reality game show nilang Running Man Philippines Season 2.

Natanong kasi s’ya tungkol sa dinaluhan n’yang second wedding ng kaibigan n’yang si Angelica at asawa nitong si Gregg last April 20 sa Siargao.

Kung iisipin kasi, halos pareho sila ni Angge na dalawang beses ikinasal; S’ya, sa traditional Irish wedding noong October 2021 sa Northern Ireland, at ikalawa sa Filipiniana-themed beach wedding sa Zambales noong January 2023. 

Bukod pa roon, parehong non-showbiz businessman ang kanilang mga mister na kapwa mahilig sa dagat at mag-surfing.

Ang saya kapag magkakasama kami. May bonding ’yong mga lalaki, may bonding din kaming mga girls. Kaya sabi ko nga, ang galing din ni Lord na pati ’yon kinonek N’ya, na hindi kami mahihirapan sa isa’t isa, sa mga d’yowa ng mga kaibigan namin kasi kaya nilang aliwin ’yong sarili nila,” natutuwang lahad ni Glaiza.

Hindi nga raw s’ya nag-worry sa kanyang Irish husband kung paano ito makikihalubilo sa kanyang mga kaibigan noong um-attend sila sa kasal ni Angelica sa Siargao. At home na at home daw kasi ito doon.

“I was so busy with the preparation doon sa Siargao, okey lang si David. Parang, ‘Are you okay na wala tayo masyadong [quality time]?’ Ang gagawin ni David, gigising s’ya nang maaga, ng 5:30 AM para mag-surf s’ya, magawa ko ’yong mga kailangan kong gawin,” pagre-recall ng aktres.

Sa gabi kung saan man p’wede kaming magkita o kaya tutulungan n’ya ako. Sobrang ano s’ya, ‘Okey ’tong partner ko na ’to.’ Hahaha! ‘Very efficient,’” natatawang sabi pa n’ya.

Samantala, happy rin daw s’ya sa bagong milestone sa buhay ng kaibigan n’yang si Angelica ngayong isa na rin itong nanay at maybahay.

Gusto ko ring ma-experience ni Angge ’yong other side ng reality. Kasi lumaki s’ya sa showbiz, ang aga n’yang nagsimula, naging mundo na n’ya ’yong showbiz, hindi na s’ya kumawala du’n sa ano, e. Kung kumawala man s’ya, parang hindi naman long term, e,” paliwanag ng Kapuso actress.

Lahat ng mga nakarelasyon n’ya nasa industriya din naman. Hindi ko naman para i-disregard ’yon pero nu’ng mas nakilala ko s’ya sobrang lalim kasi talaga n’yang tao,” dagdag pa n’ya.

Parang sabi ko, ‘There’s more to life than being an artist, being a celebrity.’ Ngayon nararamdaman n’ya na ’yong normal na buhay. Normal na normal s’ya, totoong tao s’ya ngayon, nanay na nanay s’ya.”

Samantala, natanong din si Glaiza kung ano ang common traits nila ni Angelica kung bakit swak na swak ang friendship nila.

“’Yong pagkabaliw siguro namin. S’ya kasi, extroverted baliw s’ya, e. Alam ng tao na ganu’n talaga s’yang klaseng tao. Nakakatawa s’ya in person. Sobrang free spirited n’ya,” kaswal na sagot ng aktres.

Ako kasi nasa ano lang…nasa loob lang ako lagi. May isang tao na naka-penetrate at parang na-embrace din ’yon. So, ako tuloy, nu’ng lumabas ’yon, in-embrace ko na rin ’yong sarili, e. Deep inside pala ay parehas din kami,” she went on.

“All throughout… sa mga ibang friends ko kasi, iba-ibang dynamics din. ’Yong sa kanya ang lalim-lalim kaya hindi na namin ma-let go.”

Naikumpara pa nga n’ya ang pagkakaibigan nila na parang nagsimula during high school days. Nag-umpisa kasi ang friendship nila nang magkasama sila sa teen-oriented TV series na Berks from 2002 to 2004 sa ABS-CBN.

Parang nu’ng high school, nagkaroon ka ng bestfriend mo, tapos nu’ng college magkakasama pa rin kayo, until nagkaroon na kayo ng pamilya kayo pa rin ang magkakasama,” paghahambing ni Glaiza.

Masaya ako sa industriya na ’to nakatagpo ako ng kagaya n’ya na hanggang ngayon magkaibigan pa din kami,” pagtatapos n’ya. 

Mapapanood si Glazia sa second and winter edition ng Running Man Philippines kung saan muli n’yang makakatunggali sina Angel Guardian, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Mikael Daez, Lexi Gonzales, pati na rin ang bagong runner na si Miguel Tanfelix.

Mag-uumpisa ang Running Man Philippines Season 2 this coming May 11 sa GMA Network.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Glaiza de Castro, level up; producer na rin ng pelikula

Beach wedding nina Glaiza de Castro at David Rainey magaganap ngayong hapon sa Zambales

Angelica Panganiban, ibinida kung gaano kabuti at ka-cowboy ang "pinaka rockstar na ninang ni Bean" na si Glaiza de Castro

Angelica Panganiban sa asawang si Gregg Homan: “Ikaw ang nag-iisang sagot sa lahat ng ‘Bakit?’ ko noon. Dahil sa’yo naging sapat ako.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.