Gladys Reyes, tiniyak ang pagseselos ni Carmina Villarroel sa tambalan nila ni Zoren Legaspi sa Black Rider; love scene niya with Roi Vinzon, baka mag-trending

“Alam mo, feeling ko, ito na talaga ang project na magseselos si Carmina Villarroel dahil patay na patay po si Zoren sa akin dito sa teleseryeng ‘to!"—Gladys on her role as Zoren Legaspi's wife in Black Rider

Photos: @iamgladysreyes / @zorenlegaspi

“Alam mo, feeling ko, ito na talaga ang project na magseselos si Carmina Villarroel dahil patay na patay po si Zoren sa akin dito sa teleseryeng ‘to!"—Gladys on her role as Zoren Legaspi's wife in Black Rider

Nagbabalik sa paggawa ng teleserye si Gladys Reyes at na-miss daw niyang maging kontrabida kaya abangan daw ang kakatakutan niyang character sa drama-action series ng GMA Public Affairs na Black Rider.

Noong 2019 pa raw ang huling teleserye ni Gladys Reyes kaya natuwa siyang tanggapin ang role bilang starlet-turned-mayor’s wife na si Madam Sasha Buenaventura.

“Ito po ‘yung pagbabalik-serye ko dahil ang tagal kong hindi gumawa ng teleserye. 

“My last was Madrasta and then ino-offer-an nila ako, puro lock-in. Ayokong mag-lock-in that time because sa mga anak ko,” sey ni Gladys sa mediacon ng Black Rider sa studio 6 ng GMA Annex Studios.

Dumating raw ang offer ng Black Rider sa tamang panahon dahil wala na raw lock-in tapings at ang bida pa ay kapatid niya sa Iglesia ni Cristo na si Ruru Madrid.

Naka-trabaho na noon ni Gladys si Ruru sa teleseryeng TODA One I Love noon ding 2019.

“Working with Ruru again, mga kapatid ko sa pananampalataya with Jon Lucas din. I’m so happy and proud of them, sa mga batang ito. Mababait, marerespeto, mahuhusay na mga batang aktor,” sey ni Gladys.

Pagbiro pa ni Gladys na ang pagganap raw niya bilang Sasha Buenaventura ang siyang magpapaselos ng husto kay Carmina Villarroel dahil si Zoren Legaspi ang gaganap na mayor-husband niya sa serye.

“Alam mo, feeling ko, ito na talaga ang project na magseselos si Carmina Villarroel dahil patay na patay po si Zoren sa akin dito sa teleseryeng ‘to!

“Tingnan mo si Zoren, parang ikinahihiya ako. Hoy, aminin mo, ‘yun ‘yung role ni Mayor Alfonso,” natatawang kuwento ni Gladys.

At hindi lang daw si Zoren ang mahuhumaling sa kanya sa serye kundi pati na si Roi Vinzon.

“Habang nahuhumaling si Zoren sa alindog ko rito, may secret lover ako rito na si Roi Vinzon. At abangan nila ang love scene namin. Tiyak na trending ito!

“Tinatanong ko nga sila kung para nga ba sa akin ang role na Sasha? Kasi iba siya! Dala-dalawa ang lalakeng nababaliw sa kanya!” tawa pa ulit ni Gladys.

Thankful si Gladys na hindi lang daw siya sa GMA may trabaho kundi pati sa ibang networks tulad sa ABS-CBN, NET 25 at TV5.

“Nakakatuwa lang na nakakatawid tayo sa iba’t ibang networks. Dahil nawala na mga 'yung network war, malaya na kaming mga artista na tumanggap ng project sa anumang TV networks.

“The more, the merrier, ‘di ba? Hindi lang tayo Kapuso, Kapamilya o Kapatid. Katrabaho tayo sa lahat.

“Ang maganda nga noong nasa It’s Showtime ako as judge ng Mini Miss U, nagagawa kong i-promote doon ang Black Rider!” 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Gladys Reyes, may paalala sa mga magulang ng mga contestant ng "Mini Miss U" ng It's Showtime

Gladys Reyes, pantasyang masampal at masabunutan ang movie icon na si Vilma Santos

Gladys Reyes jokes about halted reunion project with Judy Ann Santos; "Ako nalang kaya mag-produce? Haha!"



FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.