Gladys Reyes sa faithfulness ni Christopher Roxas: “Siguro naging mabuting tao ako kaya binigyan ako ng mabait na asawa.”

Ang isa raw sa minahal ni Gladys Reyes sa asawang si Christopher Roxas ay ang nakita niyang pagmamahal nito sa buong pamilya niya at hindi lang sa kanya.   "Kaya gustong gusto rin s’ya ng tatay ko saka ng mama ko. Kasi alam nila kung gaano n’ya... hindi lang ako ’yong mahal n’ya, pati ’yong pamilya ko rin.  Ang hirap na makahanap ng ganu’n ngayon, na hindi lang ikaw ’yong mamahalin, pati kapatid mo, s’yempre ’yong mama at papa ko."

PHOTOS: @iamgladysreyes on Instagram

Ang isa raw sa minahal ni Gladys Reyes sa asawang si Christopher Roxas ay ang nakita niyang pagmamahal nito sa buong pamilya niya at hindi lang sa kanya.  "Kaya gustong gusto rin s’ya ng tatay ko saka ng mama ko. Kasi alam nila kung gaano n’ya... hindi lang ako ’yong mahal n’ya, pati ’yong pamilya ko rin. Ang hirap na makahanap ng ganu’n ngayon, na hindi lang ikaw ’yong mamahalin, pati kapatid mo, s’yempre ’yong mama at papa ko."

 

Hindi napigilang maiyak ng aktres na si Gladys Reyes nang maisip niya ang katapatan sa kanya ng mister na si Christopher Roxas all these years. 

Naganap ito sa recorded interview nilang mag-asawa with comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz at in-upload kahapon, July 13, sa YouTube.

Kinumusta kasi ni Ogie ang pagsasama ng celebrity couple na umabot na ng 29 years!

"Kasi ang binibilang namin ’yong togetherness, e. Sa togetherness, 29 years. Isang taon na lang, 30 years of togetherness na kami," pagbabahagi ni Gladys sa kung gaano na sila katagal ni Christopher. 

"Kasi kinasal kami 2004. Ilang years na ’yon? Eighteen years of being married," dagdag pa n'ya. 

Wala naman daw talagang special secret sa marriage nila kundi ang araw-araw na pagdadasal nang magkakasama ang buong pamilya, at pagtanggap ng pagkakamali at pagpapakumbaba.  

Although aminado ang aktres na malaking bagay daw talaga sa matatag na pagsasama ay ang pagiging faithful ng mag-asawa sa isa't isa. 

"Kaya nga napakalaking factor nu’n, nu’ng pagiging faithful ng isang asawa. Kasi respeto ’yon, e di ba, sa pagkababae ko, sa pagkalalaki ng isang lalaki na pareho kayong faithful sa isa’t isa," lahad ni Gladys.

Hindi naman daw mawawala ang temptations sa paligid at aware sila doon. Pero mas matimbang dapat ang respeto sa asawa para hindi madala sa tukso. 

"Kahit na merong tukso sa paligid which is hindi naman mawawala, ’di ba? Kaya nga susubukin ang katatagan n’yo, e. Bottomline, respeto ’yon, e, para sa akin bilang asawa niya, bilang isang babae," saad pa niya.

Sa puntong ito na naging emosyonal si Gladys nang ma-realize niya kung gaano naging faithful sa kanya si Christopher. 

"Napaka-swerte ko, napaka… Basta. Naiyak tuloy ako," naluluhang sabi niya. 

"Parang napaka-swerte ko sa kanya. Siguro kung hindi ’yan ano, baka hindi kami tumagal n’yan ng 29 years kung hindi ’yan faithful," patukoy niya sa katabing asawa.

Biro naman ni Christopher na ikinatawa nilang tatlo, "Ay naku, kung hindi lang ako mabait…"

"It’s all about perspective," saad pa ng actor-turned-entrepreneur.

Feeling blessed naman si Gladys kasi hindi naging problema sa pagsasama nila for 29 years now ang third party.

"Siguro naging mabuting tao ako kaya bigyan ako ng mabait na asawa," aniya. "Kahit naman [nu’ng] bata pa kami, hindi pa matured ’yong isip [niya]…grabe. Sobrang s’werte ko talaga sa kanya kasi mahal n’ya ’yong pamilya n’ya."

Komento naman ni Ogie sa sinabi niya, "Malaki rin kasi ’yong kinalaman mo kung bakit mas’werte ka sa kanya. Ang laki rin kasi nu’ng nagawa mo sa kanya."

Napahawak si Gladys sa kamay ng mister nang marinig niya ang mga inilahad ni Ogie.

"Yes. It’s true," pagsang-ayon naman ni Christopher.

"Sinasabi ko parati sa kanya ’yan nu’ng may problema kami. ‘Wag mo isipin na ikaw. Ako ’yan. Ako ’yong may mali, hindi ikaw,'" pagbabahagi pa niya.

Pagbibida naman ni Gladys, mahal ng asawa niya hindi lang siya kundi maging ang buo niyang pamilya. Kaya naman botong-boto raw dito ang parents niya. 

"Kaya gustong gusto rin s’ya ng tatay ko saka ng mama ko. Kasi alam nila kung gaano n’ya... hindi lang ako ’yong mahal n’ya, pati ’yong pamilya ko rin," naiiyak pa ring sabi niya. 

"Ang hirap na makahanap ng ganu’n ngayon, na hindi lang ikaw ’yong mamahalin, pati kapatid mo, s’yempre ’yong mama at papa ko."

Ito nga daw ang dahilan kaya wala siyang maisip na dahilan para umabot sila sa hiwalayan. 

"Kaya siguro hindi ko maisip ’yong thought na minsan tinatanong nila ‘Ano ’yong p’wede n’yang gawin na hindi ko p’wedeng…parang hindi ko mapapalampas, na ’yon na ’yong tutuldok sa [pagsasama] namin?’" pagre-recall ng tinaguriang Primera Kontrabida. 

"Wala akong maisip. Hindi ko pa maisip ’yon kasi parang ang hirap naman gumising tapos hindi mo na kasama ’yong tao na ’yon dahil du’n sa isang pagkakamali na ’yon.

Warning pa niya sa kanyang asawa, "Wag ka mambabae, a. Hahaha! Mamaya pag sinabi kong wala akong masabi, mambabae ka! Samantalahin mo naman itong ano ko dito."

At nauwi na naman sila sa tawanan. 

Pang-uurot naman si Ogie sa linaw ng pagkakasabi niya tungkol sa pambababae, "Sinabi mo sa kanya ‘Wag ka mambabae.’ Tapos nababalitaan mo na lang namakla s’ya. Kasi malinaw ’yon ah. Babae lang ang hindi mo tanggap."

"Hindi, wala na. Hindi na ako uubra doon," sakay ni Christopher sa biro ni Ogie.

"Any gender," natatawang paglilinaw ni Gladys. 

And she reiterated kung gaano siya ka-blessed to have Christopher as her husband, best friend, business partner, and support system.

"Lagi akong naiiyak kapag naisip ko ’yong thought na ’yon, kasi sobrang grateful ako sa D’yos na binigyan ako ng mabuting asawa," pagtatapos ni Gladys.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Highlights: Gladys Reyes and Christopher Roxas launch the Sommereux Catering Business

Gladys Reyes, ang daming tinanggihang trabaho dahil takot palang magpa-swab test pero, “Hindi naman pala masakit. Haha!”

Gladys Reyes, lubos ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng ama; “Pagod na siya.”

Pika's Pick: Gladys Reyes and Christopher Roxas celebrate 29 years of couplehood

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.