Gladys Reyes, pantasyang masampal at masabunutan ang movie icon na si Vilma Santos

Bilang kilalang kontrabida, mas prefer daw ni Gladys Reyes ang totoong sampal sa eksena para realistic ang dating. “Kasi naman doon mo maka-capture ’yong totoong reaksyon, e, ’di ba? Kung daya, ’yong totoong pain ba maka-capture?"

PHOTOS: @justlovegladysreyes on Facebook & @rosavilmasantos on Instagram

Bilang kilalang kontrabida, mas prefer daw ni Gladys Reyes ang totoong sampal sa eksena para realistic ang dating. “Kasi naman doon mo maka-capture ’yong totoong reaksyon, e, ’di ba? Kung daya, ’yong totoong pain ba maka-capture?"

Kung may aktres daw na pinapangarap na makatrabaho ngayon ang aktres na si Gladys Reyes, ito ay walang iba kundi ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Gusto n’ya raw kasing maging kontrabida ni Ate Vi sa isang project kung saan maaari n’ya itong matarayan, masampal, o kaya naman ay masabunutan.

Iyan ang inilahad n’ya sa programang Fast Talk With Boy Abunda kahapon, April 10, kung saan sumalang s’ya bilang celebrity guest.

Doon nga ay nagpag-usapan nila ang pagiging kontrabida ni Gladys sa mga pelikula at teleserye, at kung paano ba s’ya naghahanda para sa gagawin n’yang “pang-aapi” sa kanyang mga ka-eksena. 

S’yempre, bago mag-start, Tito Boy, unang-una, nasa script ’yon, e, ’di ba? Sumusunod ka lang naman sa nakalagay doon,” pagbabahagi ng aktres.

“At the same time, kakausapin mo ’yong supposedly sasaktan mo doon sa eksena para malaman mo kung game ba s’ya,” dagdag pa n’ya.

Pag-amin pa ng Primera Kontrabida, mas prefer daw n’ya ang totoong sampal sa eksena para realistic ang dating. 

Sa totoo lang, Tito Boy, mas maganda na hindi nandadaya,” pahayag ni Gladys. 

Ito nga daw ang nagustuhan n’ya sa Kapuso actress na si Barbie Forteza dahil game daw itong magpasampal sa mga naging eksena nila noon. 

“I worked with Barbie Forteza. Bilib na bilib ako sa batang ’yan kasi ’yong talagang sinasaktan ko s’ya [sa eksena ay] totoo. Nasasaktan talaga ’yong bata,” pagbabaliktanaw ng aktres. 

Sampalan? Totoong sampal! Kasi naman doon mo maka-capture ’yong totoong reaksyon, e, ’di ba? Kung daya, ’yong totoong pain ba maka-capture?” pagpapatuloy pa n’ya.

Natanong din s’ya ng King of Talk kung meron ba s’yang gustong masampal at masabunutan ngayon sa isang eksena.

“[Si] Ms. Vilma Santos,” diretsahang sagot ni Gladys. “Noon ko pa po sinasabi ’yan. Gustong gusto ko po ’yong pelikula nila ni Claudine [Barretto], ’yong Anak.”

Alam daw kasi n’yang matsa-challenge s’ya kung paano n’ya aapihin ang isa sa icons ng Philippine movie industry. 

Kasi s’yempre, Ate Vi ’yan, ’di ba? Gusto ko talaga maramdaman kung paano ko aapihin si Ate Vi. Mahihiya ba ako? Mai-intimidate ba ako kay Ate Vi kapag nandu’n na? Baka hindi ko magawa ’yong talagang eksena, pero s’yempre, challenge accepted,” saad n’ya.

Pero paalala n’ya, hanggang teleserye o pelikula lang daw n’ya kayang maging kontrabida dahil ibang-iba ang ugali n’ya sa totong buhay.

Katunayan, imbes na magtaray ay naiiyak na lang umano s’ya sa tuwing nakakaramdam s’ya ng galit o sama ng loob.

Naiiyak ako, Tito Boy. Iniiyak ko ’yon. Kasi ako sa totoong buhay, hindi ako ’yong napapanood nila na kapag nagagalit maingay o sumisigaw o nagtataray. Hindi, e,” pagtatapat ni Gladys.

Pag galit na galit ako, mas naiiyak ako sa galit. Iyon ako, Tito Boy. Minsan, ang sama-sama ng loob ko, ang sama-sama ng pakiramdam ko naiiyak ako sa galit talaga,” lahad pa n’ya.

Pero kapag iniyak ko na ’yon, Tito Boy, maya-maya okey na ako. S’yempre, nagsasalita rin ako. Hindi ko rin mapigilan pero naiiyak talaga ako sa sobrang galit. Iyon ang release ko, Tito Boy,” pagtatapos n’ya. 

Anyway, kabilang si Gladys sa mga pelikulang Apag at Here Comes The Groom na kapwa entry sa ongoing Summer Metro Manila Film Festival. 

Palabas na ang Apag at Here Comes The Groom ngayon sa mga sinehan nationwide.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

As talk-show host, Gladys Reyes, pangarap ding malaman ang tunay na estado ng relasyong Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero

Gladys Reyes sa faithfulness ni Christopher Roxas: “Siguro naging mabuting tao ako kaya binigyan ako ng mabait na asawa.”

Gladys Reyes, minsang lang magpa-birthday party pero tinodo naman

Gladys Reyes, naninindigan sa kanyang pananampalataya sa INC: “Dumating man ang pag-uusig, di patitinag.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.