Gladys Reyes, nag-panic nang walang mapagdalhang ospital sa amang nagka-pneumonia

“Kahit may pambayad ka sa hospital o kilala ka nila at kahit gusto ka nilang i-accommodate, walang space, walang enough isolation rooms or tent, puno ang ER!”

Photos: Gladys Reyes Sommereux Facebook

“Kahit may pambayad ka sa hospital o kilala ka nila at kahit gusto ka nilang i-accommodate, walang space, walang enough isolation rooms or tent, puno ang ER!”

Sa kabila pala ng mga masasaya at pampa-good vibes na social media post ng aktres na si Gladys Reyes na mga Korean-Kapampangan singing videos niya ay may matinding pinagdaanan pala ang actress nitong mga nakaraang lingo ng Abril.

May kinalaman ito sa muling pagkakasakit ng kanyang ama na noong Enero lang ay sumailalim sa angioplasty.

Unang ibinahagi ni Gladys sa kanyang Facebook account na noong April 13 ay kinailangan nilang isugod ang amang si Daddy Sonyer sa hospital dahil nahihirapan itong huminga at bumaba ang oxygen level nito. Pero sa kasamaang-palad, wala raw bakanteng kuarto at maging ang mga Emergency Rooms ng apat na pinuntahan nilang ospital sa Antipolo, kung saan sila malapit, ay puno na rin.

Sa parte ng post ni Gladys, sinabi niyang: “April 13, 5am they woke us up because my father had difficulty breathing, his oxygen is down to 79 only, you can see him catching his breath even with two tanks of oxygen beside him. We decided to bring him to the hospital, unfortunately, these 4 hospitals in Antipolo that we've been to, were full, no available isolation rooms and full ER's with covid patients. Instead, we just refilled the oxygen tanks, then brought him back to the house.”

Kaya nagpasaklolo sila sa mga kapatid nila sa pananampalatayang Iglesia ni Cristo para ma-admit ang ama sa New Era Hospital sa Quezon City, kung saan na-diagnosed itong may pneumonia.

“But my father couldn't manage anymore, it was heartbreaking to see him,’ patuloy na k’wento ni Gladys sa Facebook. “But thanks to my Ninong TJ, ka Weng Dela Fuentre Deimoy and ka Dindo Gealone of New Era General Hospital, we brought our father to the ER, he was swabbed and they brought him to the lab for chest x-ray, he was diagnosed with pneumonia, immediately gave him an antibiotic. While waiting for the result of his swab test, the ER doctor told us, if it is positive, no choice but to stay in a ward with fellow COVID patients, since there were no available private rooms anymore for COVID. I was praying real hard, I saw first hand, how hard it was to be in a hospital at this time of pandemic.”

Mabuti nalang daw at nang lumabas ang swab test ng ama ay negative sa Covid-19 ang resulta kaya’t agad itong nailipat sa semi-private room at hindi sa isolation room kasama ng ibang covid patients at hindi nila maaaring dalawin o alagaan kung sakali.

“After hours of waiting for the RT-PCR swab test, the result was negative!! Praise God!! April 14, (1am), only then, he was given a semi private room, the only available room for non-covid that time, then was transferred to a private room the next day. After 5 days in the hospital, April 19, he finally recovered and went out but isolated first, though his exit swab was negative again. Now, he's on his way to full recovery and today April 28, he is back [home] with us.”

 

God is merciful.. God is in control.. April 13, 5am they woke us up because my father had difficulty breathing, his...

Posted by Gladys Reyes Sommereux on Wednesday, April 28, 2021

Sa pamamagitan ng Direct Messaging, nakausap namin si Gladys. Kinamusta namin ito sa mga pinagdaanan niya ngayong kasagsagan pa rin ng pandemya.

Ani Gladys, ngayon niya napagtanto ang mga harsh realities ng pandemic na.

“Mahirap kasi kahit may pambayad ka sa hospital o kilala ka nila at kahit gusto ka nilang i-accommodate, walang space, walang enough isolation rooms or tent, puno ang ER,” dire-diretsong lahad ni Gladys. “At natutunan ko na siguro, mas mapapabilis ang pag-admit sa’yo kung meron kang swab result na negative ka, para mailagay ka agad sa non-COVID room.”

Siya raw ang kasama ng ama nang dalhin ito sa emergency room. Katwiran ni Gladys, mag-iisip din daw siya kung hindi siya ang kasama ng daddy niya.  Siya rin ang kasama ng ama nang dumaan ito sa angioplasty noong Enero.

Naka-mask, face shield, at PPE naman daw siya, pero dahil nagkaroon daw siya ng direct contact sa isang COVID-19 patient habang nasa emergency room,  kinailangan daw niyang i-isolate ang sarili ng 14 days sa isang kuwarto sa kanilang bahay. Ayaw raw niyang i-risk ang safety ng pamilya niya.

May apat na anak si Gladys at sa loob ng dalawang linggo, hindi raw niya ito p’wedeng hawakan o lapitan. Umabot na raw sa puntong umiiyak ang mga bata lalo na ang bunsong anak niya na si Grant. Umabot pa raw sa punto ang bunso na kinuwestiyon na rin ang pagiging ina niya rito.

Lahad ni Gladys: “I realized so many things noong na-isolate ako. Like, no’ng mga few days na ako sa room, nagtataka na ’yung mga anak ko, lalo na ’yung mga maliliit like Grant and Gavin. Sabi ni Grant, I feel like you’re not my mom. I feel like you are stranger. Kasi nga, hindi sila makalapit.

“Yung bunso ko, umiiyak, tahimik na tumutulo ang luha habang sinasabi, ‘I want Mommy.’  ‘I wanna go to Mommy.’”

Biro pa niya: “Kaloka daig pa ang K-drama! Siyempre, naluha ako no’ng makita ko ’yung bunso ko na umiiyak.”

Doon daw niya lalong na-realize na napakahirap magka-COVID lalo na kung may anak ka. Yon nga daw wala pa siyang covid at nag-isolate lang ay mahirap na. Paano pa nga naman kung meron?

“Ang hirap pala lalo na sa mga may anak, may pamilya na hindi malapitan o the usual na mayakap ’yung mga anak ng 14 days. What more ’yung mga nasa hospital na hindi talaga makikita na ’yung mga mahal nila sa buhay? ’Yun ngang nasa bahay lang ako at nasa room lang nag-isolate, ang O.A. ng reaksiyon namin, lalo pa ’yung iba na talagang may sakit, naka-confine na at worst, hindi na nakabalik sa pamilya nila.”

Dahil na nga rin sa pag-iingat, isa si Gladys sa mga artistang mas pinili na huwag munang tumanggap ng trabaho katulad ng mga lock-in tapings ng teleserye at pelikula. Mga work-from-home guestings lang muna ang inoo-oo-han  niya magmula pa nang magsimula ang pandemya last year.

Itong pagkaka-isollate naman niya recently ay may maganda rin naman ibinunga dahil noon pala “ipinanganak” ang mga K-Pam [Korean-Kapampangan] videos ni Gladys. Ang gimik niya ay pinapalitan njya ng Kapampangan lyrics ang mga OST [original soundtrack] ng ilang k-dramas pero ang accent at tono ay Hangul.

Naging paraan daw niya ito para mabawasan ang lungkot at pagka-inip habang mag-isa lang sa kuarto sa loob ng dalawang linggo.

“Dahil nga isolated, do’n lang ako nakapanood madalas ng K-drama,” natatawang balik-tanaw ni Gladys. “Naging favorite ko ang mga series ni Ji Chang Wook.  Nagsimula sa Empress Ki, Healer. Then K2 at Suspicious Partners. Natuto akong kumanta ng Korean OST kasi, ang cute ng ibang OST.”

In fairness ay click sa kanyang mga followers ang pauso niyang ito “Ginawa ko ’yung K-Pam kasi, while watching K-drama, napansin ko, may mga tono at words na sounds like Kapampangan,” patuloy niya. “Then, nagulat ako sa response, lalo na from Kapampangans na nasa abroad. Nawala raw ang pagka-homesick nila at kahit paano, nawala raw ang stress nila. Overwhelming ang response kaya naisip kong gumawa ng part 2 at part 3.”

Purong Kapampangan si Gladys—dahil ang mommy at daddy niya at parehong taga-pampanga—kaya marunong itong magsalita ng Kapampangan dialect.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sen. Bong Revilla to new leading lady Sanya Lopez: “Looking at you right now, malayo ang mararating mo. At nangyayari na nga!”

Jhong Hilario on being a father: “[A]ng talagang magpapakumpleto sa buhay ko ay maging tatay.”

Sagot ni Donnalyn Bartolome sa nag-advise na mag-asawa na siya dahil mahirap tumandang mag-isa: “Mas mahirap tumanda na mali ang pinakasalan.”

Look: Ara Mina and Dave Almarinez share their charming Palawan prenup shoot

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.