Dekada 90 nang mamayagpag ang rivalry nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes nang magbida sila sa phenomenal hit series na Mara Clara ng ABS-CBN.
Katunayan, dahil sa parehong magaling na aktres ay nagkaroon din sila ng kanya-kanyang followers.
Dahil din sa pagiging phenomenal ng kanilang serye, nagkaroon din ito ng remake noong 2010 na nagtampok naman kina Kathryn Bernardo at Julia Montes.
Sa ngayon, marami pa ring mga tagahanga nina Juday at Gladys na nagro-root na muling magsama sa isang proyekto ang original na magkaribal sa Mara Clara.
Taong 2019 naman nang gumawa si Judy Ann ng Mindanao na idinirek ng Cannes best director na si Brillante Mendoza para sa Metro Manila Film Festival kung saan nanalo ang aktres ng kanyang first international best actress award sa 41st Cairo International Film Festival, ang kaparehong filmfest na nagbigay sa National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor ng Golden Pyramid award para sa pelikulang The Flor Contemplacion Story noong 1995.
Sa panayam ng pikapika.ph kay Gladys Reyes, na siya namang ka-trabaho nagyon ni Direk Brillante sa MMFF Sumer entry na Apag, kung may epekto ba ang pagkapanalo noon ni Juday ng international best actress award sa Cairo para pangarapin din niyang maidirek ni Direk Brillante.
Aniya, wala raw siyang inggit na naramdaman kailanman sa karibal-turned-BFF nyang si Juday.
“Hindi naman po. Even before manalo si Juday, nag-guest na si Direk [Brillante] sa Moments [her Net25 talk show]. Since pangarap ko rin na maidirek niya, sinabi ko sa kanya na gusto ko siyang makatrabaho,” paliwanag ni Gladys.
Dagdag pa niya, hanggang teleserye lang daw ang insecurity o inggit niya kay Juday dahil sa pagko-kontrabida niya rito.
“Di ko naisip iyon...na parang panlaban kay Juday. Happy lang ako na nanalo siya [ng award] sa Mindanao. Noong pinanood ko nga iyong movie, wala namang duda na nakapakagaling ni Judy Ann,” ani pa ni Gladys. “Di pumasok sa isip ko iyon pero happy ako na pareho na naming nakatrabaho si Direk Brillante."
Speaking of the possibility of having a reunion project with Juday, aniya, matagal na raw niyang minimithi na matuloy ito.
“Wish ko iyon. I wanted to do a project na hindi lang with Judy Ann kundi pati with Angelu [de Leon] and Claudine [Barretto]. Iyong ala-Desperate Housewives,” deklara niya. “Actually, parang may gustong mag-prodyus pero hindi natuloy dahil sa schedules namin. Pero huwag kang mag-alala, ako na lang talaga ang magpro-prodyus,” biro pa niya.
Tungkol naman sa pakikipagtrabaho kay Direk Brillante Mendoza, sobra raw siyang na-excite lalo pa’t ito'ý katuparan ng malaon na niyang pinapangarap.
“It’s another dream come-true. Achievement unlocked...so challenge accepted,” bulalas niya.
“Noong sinabi sa akin ni Direk sa text na may movie ako. Bida ka. Parang hindi ako makapaniwala kasi si Direk ang nag-rebrand sa akin, e. Sa pelikulang ito, wala akong inapi. Hindi ako kontrabida. Ibang-iba siya sa lahat ng mga nagawa kong teleserye and in some of my movies,” pahayag niya.
Honored din daw siya na makatrabaho ang mga seasoned actors tulad nina Jaclyn Jose, Julio Diaz, Mercedes Cabral, Gina Pareno, at Coco Martin na pawang mga suki na ng acclaimed director sa kanyang mga previous movies.
“Of course, proud ako na makasama ang regulars ni Direk Brillante. Si Ms. Jaclyn Jose, si Kuya July [Julio] and Coco."
Biro naman ni Gladys kay Coco, na noo'y katabi niya: "Buti nalang tinanggap mo ito. Thank you dahil tinanggap mo ito. Buti na lang at hindi iyong isa ang natuloy. Hahaha! Joke lang. Joke lang.
(Ang tinutukoy ni Gladys ay si Aljur Abrenica na for some reasons ay nag-back out sa pelikula na sinalo ni Coco Martin ang role.)
"Pero kasi po, iba iyong naging impact talaga kasi gustong-gusto talaga niya ito. Kaya nga, nakakatuwa noong storycon at sinabing: 'Oy si Coco na ang gaganap. So, sobrang answered prayer po lahat ito kaya forever na grateful ako to Direk Brillante for this opportunity,” patuloy na esplika ni Gladys.
Ayon pa kay Gladys, proud din siya na makagawa ng isang regional film na tampok ang kanyang mother tongue na Kapampangan.
Ang Apag, na Kapampangan word for hapag, ay tumatalakay sa kuwento ng pagpapatawad, pananampalataya, paghihiganti at paghahanap ng katarungan.
Sa obrang ito ni Mendoza, ginagampanan ni Gladys ang papel ni Nita, isang biyudang kinalinga ng pamilyang responsable sa pagkamatay ng kanyang asawa.
Bilang pagpupugay ni Direk Brillante sa kanyang Kapampangan roots, itinatampok din dito ang iba't-ibang putahe ng rehiyon.
Mula sa produksyon ng Centerstage Productions at Hongkong International Film Festival Society, sa panulat ni Arianna Martinez at sa direksyon ng multi-awarded director na si Brillante Mendoza, pinagbibidahan din ito nina Coco Martin, Jaclyn Jose, Lito Lapid, at Mercedes Cabral.
Kasama rin sa supporting cast sina Julio Diaz at Ronwaldo Martin.
May special participation naman sina Shaina Magdayao, Joseph Marco, Vince Rillon, Mark Lapid at Ms. Gina Pareno.
Kalahok sa MMFF Summer Film Festival, ipapalabas na ang pelikula sa buong bansa simula sa April 8.
YOU MAY ALSO LIKE:
RK Bagatsing, aware na hindi siya ang first choice to play in the Rey Valera film bio
Judy Ann Santos, sentimental ngayong dalaga na ang anak niyang si Yohan at pamangkin na si Karrie
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber