Isa si Gelli de Belen sa mga celebrities natin na kilala sa pagiging certified K-Drama or Korean Drama at K-Pop fanatic at matagal-tagal na rin—at hindi pa rin napupuknat—ang pagkahumaling niyang iyon sa mga produkto ng Korean showbiz. Bagay na nasasakyan naman ng asawa niyang si Ariel Rivera dahil isa sa mga panuntunan nilang mag-asawa ay ang pagpo-pursue ng sariling mga interests.
Kung follower kayo ni Gelli sa kanyang Instagram account (@gellidebelen) ay alam n’yo na malamang na bukod sa pamilya at ang Labrador niyang si Nugget Rivera ay marami ring posts si Gelli about K-Drama at K-Pop stars. Nagse-share din siya ng reviews sa mga latest K-Dramas na napanood niya at malamang ay alam n’yo ring patay na patay siya kay Gong Yoo (Coffee Prince, Train To Busan), Park Bo-gum (Reply 1988, Hello Monster) at sa mga K-Pop artsists na sina G Dragon at Tae Yan ng Big Bang group at Taecyeon ng 2PM boy band.
Gawain din ito ng iba pang celebrity K-Drama at K-Pop addicts gaya ng ate niyang si Janice de Belen, ang kaibigan niyang si Candy Pangilinan, at nina Anne Curtis, Lolit Solis, at maging si megastar Sharon Cuneta.
Extended na rin ng pagka-fan ni Gelli ng mga K-Drama at K-Drama actors ang pagka-fan niya ng bansang South Korea dahil tatlong beses na yata niyang nabibisita ito. Ang pinaka-huli ay noong August of last year lang at kasama pa niya si Ariel at ang mga boys nilang sina Joaqui at Julio.
Pero pinaka-kinilig si Gelli sa fact na nahikayat na niyang manood finally ng K-Drama ang asawang si Ariel, na mas pinipiling mag-golf in his spare time. Tuwang-tuwa si Gelli na pinagbigyan siya ng asawa.
Ayon kay Gelli, Something In The Rain daw ang Koreanovela’ng napa-panood niya kay Ariel at nagka-crush pa raw si Ariel sa bidang babae na si Son Ye-jin. In June last year, nag-post pa si Gelli ng mini review niya sa IG tungkol sa Something In The Rain. And it read:
"#SomethingInTheRain or #PrettyNoonaWhoBuysMeFood is a good watch. It is quiet,poignant and romantic with characters that have relatable reasons for doing what they do whether right or wrong. #SonYeJin was #JinAh her character. She played her role so honestly. Did not doubt her even for a minute.(Wish I could be that effortless too.😁). #JungHaeIn @holyhaein was a breath of fresh air with his infectious smile and pure love as #Jinho. Their chemistry is so strong on screen. Plus the music just enhanced every emotion the director wanted to invoke. I am no expert but I recommend this to those who want a chill romantic drama.”




Nakausap ng pikapika.ph sina Gelli at Ariel sa press conference ng pelikula nilang Ang Sikreto ng Piso na magbukukas in theaters on January 30.
Here’s a short clip of the couple, where they talked about K-Dramas: