Gardo Versoza, baka daw engineer kung hindi naging si Machete

All his successes in showbiz were because he took a gamble in auditioning for Machete 2 26 years ago. Malaki raw ang utang na loob niya sa role na yon at kay Robbie Tan ng Seiko Films who also took a chance on him. The rest is history.

Photo: Viva Artist Agency & Seiko Films

All his successes in showbiz were because he took a gamble in auditioning for Machete 2 26 years ago. Malaki raw ang utang na loob niya sa role na yon at kay Robbie Tan ng Seiko Films who also took a chance on him. The rest is history.

Bago naging Cupcake ang moniker ng versatile actor na si Gardo Versoza ay Machete muna ang naging tawag sa kanya ng mga tao.

Ang Cupcake ay tumatak sa teleseryeng Let the Love Begin ng GMA-7 kung saan naka-pareha niya si Ai-Ai delas Alas. Pinalitan daw kasi nila ang term of endearment nila sa script at Cupcake ang naging suggestion ni Ai-Ai and it simply stuck.

Ang Machete 2 naman ang naging launching movie niya sa Seiko Films noong 1994 na tungkol sa isang estatwang hubad na nagiging tao.

Since then, hindi na tumigil umakting si Gardo at nag-grow na nang nag-grow as an actor—from ST (sex trip) prince, naging action star, villain at komedyante. Halos hindi nabakante ang career ni Gardo both on TV and in films at Malaya din siyang nakakapaglayag in both ABS-CBN at GMA-7.

And during the pandemic, dahil sa kaka-urot ng kanyang misis na si Ivy Vicencio, sinubukan niyang magpatawa sa TikTok app using dance moves in beki character. As in lambut-lambutan ang kembot ni Gardo with matching pilantiks.

At dahil nag-click at kinaaliwan ng publiko, mas ni-level up ni misis ang pagti-trip sa asawa niya at hinikayat itong mag-“pekpek” shorts at high heels. Kung minsan, naka-glam up din si Gardo.

Pero kung marami man daw natutuwa ay may mga naaalibadbaran din at nagpo-post ng bashing. Marami raw nag-aakusa sa kanya na tunay na beki o kaya naman ay nagladlad nila.

Ang hindi nila alam, magaling lang talagang aktor si Gardo na nagkataon pang may ipagmamalaki din sa pagsasayaw.

Through his TikTok dances, nire-revive ni Gardo ang iba’t ibang gay characters nang na-portray niya through the years gaya ng as an aging makeup artist Diony  sa Bituin (2002), as Madam Lexi sa Dading ng GMA-7 (2014), at bilang ka-partner ni Dominic Ochoa sa pelikulang Prenup (2015) to name a few.

Sa pa-presscon sa kanya ng Viva Artists Agency last Wednesday, October 21 (dahil isa na siyang certified Viva Artist), biniro nga namin si Gardo at tinanong kung ilang pares na ba ng high heels ang nasa collection niya at kung saan sila bumibiling mag-asawa ng kanilang twinning outfits.

Two pairs palang ang meron siya dahil mahirap daw maghanap ng size 12 na high heels. Nagbiro din siya na kung meron may gustong mag-sponsor sa kanya ay game siya. The more colorful pairs, the better para matching sa mga happy colors ng outfits nila.

Pero dahil balik trabaho na si Gardo—katatapos lang niya ng The House Arrest of Us (na magpi-pilot na this October 24) at may sisimulan na naman siyang isa pa with Gabby Concepcion—kaya hindi na sila madalas makapag-upload ng TikTok dance ni misis dahil naka-lock in siya sa taping.

All of his above mentioned successes were because he took a gamble in auditioning for Machete 2 26 years ago. Malaki raw ang utang na loob niya sa role na yon at kay Robbie Tan ng Seiko Films who also took a chance on him.

“Yong sa Machete 2, ’yon yata yong mga time na ayaw nang mag-ST (sex trip genre) ni Cesar [Montano],” pagto-throwback ni Gardo. “Kumbaga, may nabakanteng p’westo sa Seiko [Films] and do’n, ayon nag-screen test ako...and then awa ng Diyos, nakapasok naman.”

Pero kung hindi pala siya nakuha doon at na-dishearten ay malamang daw ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng engineering.

“Kung hindi siguro ako nag-artista, siguro baka...kung natapos ko ’yong pagiging engineer, siguro baka engineer ako ngayon. Who knows baka sa gubyerno ako nagta-trabaho, nagtatayo ng kung anu-ano...tumi-TikTok sa gubyerno...”

Well, engineering’s lost is showbiz industry’s gain. At this point, hindi na rin naman matatawaran ang mga achievement at narating ni Gardo sa showbiz. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tirso Cruz III and wife Lynn commemorate late son TJ's 39th birthday

Tekla, pinasinungalingan lahat ng paratang ng live-in partner kay Tulfo: "Hindi totoo 'yan... Nasa tamang katinuan pa naman ako.”; balikwas niya, pabayang ina ito

Empoy Marquez, gusto maka-usap si Mang Dolphy sakaling magkaroon ng third eye

Donita Nose at Ogie Diaz, dinipensahan si Tekla matapos itong ipa-Tulfo ng live-in partner; ebidensyang video, “planted” umano sabi naman ng manager ni Tekla

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.