Gabbi Garcia, sigurado nang si Khalil Ramos ang kanyang “the one.”

Itinuturing ni Gabbi Garcia na suwerte s’ya sa nobyong si Khalil dahil never daw naging issue sa relasyon nila ang selos.  Ito ay kahit na nature ng kanilang trabaho bilang mga artista ang mai-partner sa iba. “’Yon ang isa sa mga pinaka-masuwerte ako. And I’m really, really blessed because never s’ya naging conflict sa relationship namin at all,” pagmamalaki n’ya.

PHOTO: @OfficialGabbiGarcia on Facebook

Itinuturing ni Gabbi Garcia na suwerte s’ya sa nobyong si Khalil dahil never daw naging issue sa relasyon nila ang selos.  Ito ay kahit na nature ng kanilang trabaho bilang mga artista ang mai-partner sa iba. “’Yon ang isa sa mga pinaka-masuwerte ako. And I’m really, really blessed because never s’ya naging conflict sa relationship namin at all,” pagmamalaki n’ya.

Masaya ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia dahil maitambal man daw s’ya sa ibang mga aktor ay never nagselos ang nobyo n’yang si Khalil Ramos.

Inilahad niya ito sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda ngayong araw, May 18, matapos alamin ng TV host ang reaksyon ng kanyang kasintahan sa tambalan nila ngayon ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia.

Sila kasi ni Joshua ang bibida sa upcoming groundbreaking teleserye na Unbreak My Heart, ang collaboration project ng GMA Network, ABS-CBN Entertainment and streaming app na Viu.

Patikim pa ni Gabbi, ito na raw ang kanyang “most mature role and show to date.” 

Kaya naman nahingi ni Tito Boy ang reaksyon ng kanyang longtime boyfriend na si Khalil tungkol sa project n’yang ito. 

Ayon sa aktres, kahit kailan naman daw ay hindi naging seloso ang kanyang nobyo pagdating sa mga proyekto n’ya at ipinagpapasalamat n’ya daw ’yon. 

“Number one, hindi seloso si Khalil talaga, Tito Boy, and I’m grateful for it. I’m really, really grateful for it because he understands. Because he’s also an actor. Not just an actor, he’s a very good actor, and he really understands,” sagot ni Gabbi.

Kaya naman matatawag daw n’yang siwerte s’ya dahil hindi issue sa relasyon nila ang maipares man s’ya sa iba o kung magkaroon man ng kissing scene kasama ang ibang aktor. 

’Yon ang isa sa mga pinakama-suwerte ako. And I’m really, really blessed because never s’ya naging conflict sa relationship namin at all,” pagmamalaki ng Kapuso star.

“Actually, we discussed each other’s projects. ‘Oh, we have this scene with this partner. This is the goal of the scene.’ ‘Okay. Alright.’ That’s it. Tapos na. End of story. We don’t even tell our story na, ‘Oh, may kissing scene kami ni…’ Wala,” dagdag pa n’ya. 

Kung may binusinahan man daw s’ya sa project nila ni Joshua, ito umano ang former girlfriend and former on-screen partner nitong si Julia Barretto, na malapit naman n’yang kaibigan at kaklase noong nasa high school pa sila. 

“Actually, I called her. When the project we mentioned to me, I called her. I also called her before I left for Europe,” pagtatapat ni Gabbi.

“Not for anything. It’s just, siguro, values ko lang din as a woman and as her friend. And I called her in respect. Delicadeza lang for me na, ‘Oh, I’m gonna be working with Josh for this project,” paliwanag pa n’ya. 

Tinawanan lang daw s’ya ni Julia at sinabihang hindi na n’ya kailangan pang humingi ng permiso dito.

Natawa pa nga s’ya na, ‘Oh my God, Gabbi. You don’t have to call me. You don’t have to even tell me. Just go,’” pagbabahagi n’ya sa naging usapan nila.

“‘Wala lang,’ sabi ko. ‘I just want you to know para lang walang gulatan,’” katwiran naman daw n’ya. 

Samantala, aminado si Gabbi ngayong anim na taon na silang magkarelasyon nila ni Khalil ay napag-uusapan na nila ang tungkol sa kasal. 

“Of course, we talk about it. I’m not gonna lie. The goal of the relationship is to sustain it,” she said. 

Dahil dito ay natanong s’ya ni Tito Boy kung si Khalil na ba talaga ang “the one” for her. 

“No questions, no doubts, yeah,” pagtitiyak ni Gabbi.


YOU MAY ALSO LIKE:

Depensa ni Gabbi Garcia sa mga nag-akusang gumamit ng pro camera si Khalil Ramos sa concert ni Harry Styles: “Sadyang magaling lang talaga ang jowa ko.”

Kapuso and Kapamilya stars Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, and Jodi Sta. Maria topbill groundbreaking teleserye "Unbreak My Heart"

Gabbi Garcia, two years na pinaghintay si Khalil Ramos bago pumayag na magpaligaw

Gabbi Garcia and Khalil Ramos unravel the legend of shadow creatures in ‘Love You Stranger’

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.