Gab Lagman at Janine Teñoso, bibida sa romantic web series

Gab and Janine are the stars of Tadhana Sucks, the first installment of the Viva web series Bitinflix.

PHOTO: Melo Balingit

Gab and Janine are the stars of Tadhana Sucks, the first installment of the Viva web series Bitinflix.

Do you ever feel like you're close to finding "The One" pero di lang kayo pinagtatagpo ng tadhana?

This is the premise of Tadhana Sucks, the first installment of VIVA TV's first-ever Youtube series Bitinflix starring Janine Tenoso and Gab Lagman. 

Gab, known to TV buffs as Gio of the ABS-CBN soap Halik, plays Jesse, a college student who falls in "love at first bump" with a mysterious girl played by "OST Princess" Janine Tenoso. 

Both relative newbies in the industry, ito ang unang beses na magkakapareha ang dalawa sa isang web series. But according to Janine, ilang beses na niyang nakatrabaho ang fellow Viva artist na si Gab. 

"Si Gab, nakatrabaho ko na siya sa mga music videos... kaya comfortable na kami, like friends na kami and stuff. So very ano lang, very free sa set, walang awkward conversation," Janine said.

Ayon naman kay Gab, sobrang nae-enjoy niyang makatrabaho si Janine, na isa sa kaniyang first friends sa Viva. "Sobrang mabait siya, wala akong masabi. Such a great singer, great actor and I love working with her, I think we have great chemistry."

Dagdag ng hunky actor, na first time magkakaroon ng lead role, isang napakalaking blessing sa kaniya na magkaroon ng project katulad ng Bitinflix. 

"Sobrang blessed and grateful ako and nagpapasalamat ako sa Viva... overwhelming din kasi I feel like everything is happening too fast," masayang sambit niya.

Para naman kay Janine, na dati nang bumida sa isa ding Viva series, naging challenging para sa kanya na gampanan ang isang "mysterious" character na wala masyadong dialogue. 

"Na-challenge ako to act without saying anything, so 'yong pinaka-nakakachallenge sakin is yung facial expressions and how to be mysterious without saying anything."

Pero hopeful ang singer sa bago niyang project dahil magiging way ito para mapakita niya ang natatagong acting skills. 

"Kung lumelevel up 'yong pagkanta ko, 'yong music career ko, sana lumevel up din 'yong acting career ko," sey niya. 

Ito na ba ang simula ng tambalang Janine-Gab?

Sagot ng Viva hunk: "Yeah! For me hopefully mag-work and hopefully kagatin ng masa 'yong ginagawang love team sa amin.

It wouldn't be a problem with me since Janine is beautiful, she's gorgeous, nakapabait, napakabait ng family nya.

"So sa akin, walang problema do'n."