Fun and inspiring facts about Fil-Am Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel

Si R’Bonney Garbriel ang ika-siyam na Miss Universe winner mula sa Amerika, kasunod ni Olivia Culpo na nagwagi noon pang 2012. S’ya rin ang kauna-unahang Miss Universe titleholder na nakapagsuot ng “Force For Good” crown na idinesenyo ng Lebanese jewelry company na Mouawad. Nagkakahalaga ito ng tinatayang USD 5.75 million o nasa P316 million base sa current exchange rates.

PHOTOS: @missuniverse & @rbonneynola on Instagram

Si R’Bonney Garbriel ang ika-siyam na Miss Universe winner mula sa Amerika, kasunod ni Olivia Culpo na nagwagi noon pang 2012. S’ya rin ang kauna-unahang Miss Universe titleholder na nakapagsuot ng “Force For Good” crown na idinesenyo ng Lebanese jewelry company na Mouawad. Nagkakahalaga ito ng tinatayang USD 5.75 million o nasa P316 million base sa current exchange rates.

Wagi ang pambato ng USA in the form of R’Bonney Gabriel dahil s’ya ang nakasungkit ng korona sa katatapos lang na Miss Universe competition.

Dinaig ng 28-year-old model and fashion designer ang mahigit 80 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa ginanap na grand finals ng patimpalak last January 14 (US time), sa New Orleans, Louisiana.

Hindi lang ganda at talino ang tagay n’ya dahil makulay din pala ang background n’ya sa likod ng kamera and ng social media.  

Narito ang ilang trivia about the newly crowned beauty queen mula sa Amerika:

1. She’s half-Filipina.

May dugong-Pinoy si R’Bonney dahil Filipino ang kanyang ama na si Remegio Bonzon “R. Bon” Gabriel habang American naman ang kanyang nanay na si Dana Walker. 

Katunayan, isinunod ang kanyang pangalan sa nickname ng kanyang tatay at dala-dala n’ya ang apelyido nito na Gabriel.

And whenever she can, she pays homage to her Filipino roots. 

Gumawa ng kasaysayan si R’Bonney bilang kauna-unahang Filipino-American na kinoronahang Miss Texas, Miss USA, and eventually ay Miss Universe.

 


2. She’s a fashion designer.

Into fashion and arts ang bagong Miss Universe winner who earned her Bacherlo’s Degree in Fashion Design with a minor in Fibers last 2018 sa University of North Texas.

S’ya ang CEO ngayon ng sarili niyang sustainable clothing line na R’Bonney Nola.

S’ya rin mismo ang nag-design at gumawa ng ilan sa mga isinuot n’ya sa Miss Universe pre-pageant activities. 

 


3. She’s a sewing instructor.

Hindi lang advocate for sustainability si R’Bonney dahil tumutulong din s’ya bilang sewing instructor sa non-profit design house na Magpies & Peacocks na nagbibigay livelihood opportunities sa mga survivors ng human trafficking at domestic violence. 

 


4. She wore Filipino-designed gowns and costumes in the Miss Universe competition.

Kahit na isang s’yang legit na fashion designer sa Texas, mas piniling ibida ni R’Bonney sa Miss Universe pageant stage ang mga gowns and national costume na ginawa mismo dito sa Pilipinas ng mga Pinoy designers. 

Ang kanyang “Woman On The Moon” national costume ay nilikha ni Patrick Isorena, habang si Rian Fernandez naman ang nag-design ng mga gowns, ang Viva Magenta at Phenomenal Queen, na isinuot n’ya during the preliminaries and grand finals.

 

5. She is the first Miss Universe winner to wear the Force For Good crown.

Sa kanyang pagkapanalo, si R’Bonney ang ika-siyam na Miss Universe winner mula sa Amerika, kasunod ni Olivia Culpo na nagwagi noon pang 2012.

S’ya rin ang kauna-unahang Miss Universe titleholder na nakapagsuot ng “Force For Good” crown na idinesenyo ng Lebanese jewelry company na Mouawad. 

Nagkakahalaga ito ng tinatayang USD 5.75 million o nasa P316 million base sa current exchange rates.

Congratulations, Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel!


 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.