Francine Diaz, ready maging kontrabida

PHOTO: Jewelle Pacia

PHOTO: Jewelle Pacia

Confident ang young actress na si Francine Diaz na kaya rin niyang gumanap bilang isang kontrabida kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Hindi na bago sa industriya si Francine, gumanap na ito sa iba’t-ibang teleserye katulad ng Be My Lady bilang batang Erich Gonzales at young version naman ni Kim Chiu sa Ikaw Lang ang Iibigin.

Ngunit mas nakilala pa lalo ang 15-year-old artist sa kauna-unahang lead role nito sa hit drama’ng Kadenang Ginto bilang si Cassie—isang mabait, compassionate, at respectful na bata. Dahil sa kanyang maayos na pagganap sa role, na-consider ito as one of the fast-rising teenstars sa showbiz ngayon.

Sa Thanksgiving conference ng nasabing teleserye na ginanap last Friday, May 17, sa ABS-CBN, sinabi ni Francine na kaya niyang umarte bilang isang kontrabida kung kakailanganin ito sa program.  

Ani niya, “Siguro naman po kung gagawin pong kontrabida ‘yong role ni Cassie, s’yempre po titingnan po ng mga directors namin kung ready na po ako sa gano’n.

Walang problema sa batang aktres at game na game ito kung mapapalitan ang role niya na opposite sa ginagampanan niya sa teleserye at present.

Ako po? Okay naman po sakin. Opo, tratrabahuhin ko naman po and I’ll try my best po na gampanan kung magiging gano’n po ‘yong character ni Cassie.”

Nang tanungin ito kung meron bang mga eksena na nag-alinlangan itong gawin sa set, binanggit ni Francine ang tungkol sa unang away ng karakter nila ni Andrea Brillantes na si Marga, isang spoiled at pasaway na anak.  

Singit ni Andrea: “Ako, ayoko talaga siyang saktan, ayoko talagang manakit tapos manulak o manabunot. Kasi ang payat payat ni Francine tapos mas malaman ako sa kanya baka talagang masaktan ko siya

Dagdag pa nito, “Tapos usually lagi niyang sinasabi wag masyado malakas tapos naawa ako kasi ayaw ko naman talaga manakit”

Confident namang makipagsabayan si Francine kay Andrea, ngunit ayaw din daw nitong magkasakitan sila sa kanilang mga awayan scene.

Paliwanag ni Francine: “Sabi ko wag malakas kasi s’yempre kung malakas po ‘yong bato sa’kin ni Marga dapat palaban din si Cassie so baka magkasakitan lang kami kung parehas kaming malakas.”

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Gladys will do anything for the kontrabida craft

Janice, aminadong kontrabidang nanay sa tunay na buhay

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.