Former ABS-CBN director na si Jerry Lopez Sineneng, aminadong inisip na rin noon pa na lumipat sa GMA-7; “I never closed naman my doors to any possibilities in life.”

Bukod sa warm welcome ng GMA-7 sa kanya, ikinasisiya rin daw ng puso ni Direk Jerry Lopez Sineneng na makatrabaho for the first time ang mga artista ng Siyete na kay huhusay raw. “Gusto ko lang din sabihin na sobrang galing—well, si Carmina, alam na nating magaling. But the other three girls, si Vaness naririnig ko na ang galing-galing. Si Pauline at si Ashley, mga bago pa ’to...relatively bago, pero ang gagaling talaga nilang apat. “Si Carmina alam na natin ’yan, pero ‘yung tatlo, nagulat ako. Kasi as a director, 50% of your work [is done], kapag mahusay ang artista and you can focus on other details. Ang suwerte ko. Actually, lahat sila sa cast, ang huhusay.”

Bukod sa warm welcome ng GMA-7 sa kanya, ikinasisiya rin daw ng puso ni Direk Jerry Lopez Sineneng na makatrabaho for the first time ang mga artista ng Siyete na kay huhusay raw. “Gusto ko lang din sabihin na sobrang galing—well, si Carmina, alam na nating magaling. But the other three girls, si Vaness naririnig ko na ang galing-galing. Si Pauline at si Ashley, mga bago pa ’to...relatively bago, pero ang gagaling talaga nilang apat. “Si Carmina alam na natin ’yan, pero ‘yung tatlo, nagulat ako. Kasi as a director, 50% of your work [is done], kapag mahusay ang artista and you can focus on other details. Ang suwerte ko. Actually, lahat sila sa cast, ang huhusay.”

Sa kauna-unahang pagkakataon, pagkatapos ng tatlong dekada ng pagiging director ni Direk Jerry Lopez Sineneng sa bakuran ng ABS-CBN ay heto’t ipi-prisinta na niya sa publiko ang first telesefrye project niya sa GMA Network, ang suspense drama’ng Widow’s Web. 

At dahil doon, masayang-masaya ang mahusay na director na Kapuso na ngayon.

“Napakasarap, napakagaan lang po. Mahirap, malaking project. Pero naramdaman ko na nandoon ang suporta, ’yung pag-welcome sa akin na para talaga akong bahagi ng pamilyang ito,” excited na bungad ng director sa virtual conference ng kanyang first Kapuso teleserye. 

“Wala po akong mahihiling, masayang-masaya pa ako, sa totoo lang. To the cast, to the crew, production, ‘yung suporta sa akin ng management, thank you very much, sobrang saya ko po,” patuloy niya. 

Wala ring pagsidlan ng kasiyahan si Direk Jerry dahil naitawid niyang mai-direk ang mga kapuso stars na karamihan ay first time niyang naka-trabaho. 

“Alam mo, we’re halfway through this show, mahal na mahal ko na silang lahat,” saad niya. “In fairness, I’ve worked with some of them in the past like Carmina [Villarroel], Luis [Adrian Allandy] pero ’yung mga first time kong maka-trabaho, sina Vaness [del Moral], Ashley [Ortega], Pauline [Mendoza, ka babait, ka gagaan katrabaho, kapo-professional—totoo ‘to ha. Wala po ‘’tong biro.

“We had an agreement before we started. Meron kaming mga pinag-agree-han na you have to come on the set on time, you come ready, wala silang bine-break.  Ang gaan nilang katrabaho, nakakatuwa.” 

At ayon sa director, ang Widow’s Web daw ang isa sa pinaka-magandang kwentong nahawakan niya in a long time.

“Unang-una po, napakalaking guidance ng creative team. Napakalaking tulong ng creative team,” saad niya. “Kasi kung nabasa niyo pa lang ang script, script pa lang, napaka-linaw na. 

“Parang imposible na kaming magkamali na actors. So, ang ginagawa ko ngayon, konting reminders, konting guidance. Pero buong-buo po siya sa script.  May I say that this is the best script that I have ever directed. Do’n pa lang, sinasabi ko na ‘yon. Gustong-gusto ko talaga ang material na ’to.” 

Birong dagdag pa niya: “Thirty-eight years old na ako. Sa tagal-tagal ko na rin sa industriya, marami-rami na rin akong nabasang script at naidirek. 

“Seriously, sinabi ko rin naman po ito sa creative team, this is one of the best written scripts I have ever directed and I’m so happy and proud talaga. 

“So given na siya sa script kaya ang ginagawa ko na lang talaga, ine-enhance ko na lang siya, gina-guide ko na lang siya.” 

Pinuri rin niya ang apat na female lead stars ng Widow’s Web. 

“Gusto ko lang din sabihin na sobrang galing—well, si Carmina, alam na nating magaling. But the other three girls, si Vaness naririnig ko na ang galing-galing.  Si Pauline at si Ashley, mga bago pa ’to...relatively bago, pero ang gagaling talaga nilang apat. 

“Si Carmina alam na natin ’yan, pero ‘yung tatlo, nagulat ako. Kasi as a director, 50% of your work [is done], kapag mahusay ang artista and you can focus on other details. Ang suwerte ko. Actually, lahat sila sa cast, ang huhusay.” 

Naging tahanan nga ni Direk Jerry ang ABS-CBN sa halos buong tatlong dekada ng karera niya sa showbiz.  

Una siyang nasubukan sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya at ang first teleserye niya doon was the Judy Ann Santos-starrer na Esperanza in 1997. Marami-rami siyang nagawa doon at nag-cross over pa nga sa pelikula through Star Cinema.

But ilang sa mga huling ginawa niya bago siya nag-desisyong lumipat sa GMA-7 ay Love Thy Woman at  La Vida Lena, which he finished taping early 2021 naman.

Kaya naitanong namin dito kung may pagkakataon ba noon—even with the pandemic and franchise renewal issue—na naisip niyang lilipat pala siya ng network at ano ang mga naging realizations niya ngayong the transfer happened. 

“Well, unang-una, before anything else, gusto ko lang linawin na I will forever be grateful to ABS for the 29 years of my career,” diin ng director.  

“Sa tanong mo, yes, matagal ko na rin pong naiisip—it has crossed my mind many times. I never closed naman my doors to any possibilities in life. 

“Sobrang no’ng nangyari siya, sobra po akong masaya. I’m not saying na hindi ako masaya sa dati, pero ang saya rito. ’Yung pagtanggap na naranasan ko, they embraced me right away. They made me feel that I’m part of my new home.  May bago na ako agad na bahay. Pinaramdam nila sa akin.  

“Sobra akong masaya. Sobra akong nagpapasalamat, sobra akong thankful. Sobra akong honored to be working with GMA. Masayang-masaya talaga ’ko, overflowing talaga. 

“And I’m very vocal about it. I tell everyone, I’m really happy and I’m proud, I’m honored to be a Kapuso.” 

Sa huli, bilang isang Kapuso na nga, may mga wish list ba siya ng mga Kapuso stars na gusto rin niyang maka-trabaho o maidirek? 

“Marami po,” saad niya. “Sina Ms. Marian Rivera, Alden Richards, of course, Dingdong Dantes. Si Heart Evangelista, I’ve worked with Heart, I’ve directed her in 2004, I was 21 years old then, joke lang,” natawang sabi niya. “I want to work with her again. 

“Ang dami, ang dami kong gustong maka-trabaho.  Lalo na ngayon, ang realization ko na ang sarap maka-trabaho ng iba. ‘Wag kang mamili kasi magugulat ka kapag first  time mong maka-trabaho ‘to, ang sarap palang ka-trababo, ang huhusay pala. 

“So I’m willing to work with anyone.” 

Ang Widow’s Web ang bagong GMA Afternoon Prime na magsisimula ng mapanood sa Lunes, February 28.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.