First ever kiss nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, taranta ang naging dahilan

SCREENSHOT: Jessy Mendiola on YouTube

SCREENSHOT: Jessy Mendiola on YouTube

Hindi daw sinasadya ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang kanilang first ever kiss na nangyari habang hindi pa sila officially a couple.

Katunayan, ang aktres pa daw ang may kagagawan kaya nangyari ang happy accident na ‘yon. 

Sa latest vlog entry kasi ni Jessy last March 25, naglaro sila ni Luis ng “who’s most likely to” challenge na isa sa mga nauusong video contents ngayon among mga couples, siblings, at magkakaibigan. 

Nilagyan ng magkasintahan ng twist ang kanilang challenge kung saan mamarkahan ng lipstick ang mukha ng sinumang “guilty” base sa mga tanong na inihanda ng kanilang team. 

Isa nga sa naitanong sa dalawa ay kung sino ba ang nag-initiate ng first kiss nila. 

Amin na [ang lipstick]. Lagyan na natin [‘yang mukha mo],” sagot agad ni Luis nang marinig ang question. 

Hindi pumayag si Jessy at natatawang kinontra ang nobyo by saying, “Hoy! Hindi ako.

“Metrowalk?” paalala naman sa kanya ni Luis. 

Ay, oo nga,” naibulalas na lang ng aktres nang maalala n’ya ang sandaling ‘yon.  

At para sa kaalaman ng kanilang mga fans, ipinaliwanag ng TV host-actor kung paano ba nangyari ang first kiss nila. 

“Metrowalk kasi, may isang Sunday na hindi ako nag-ASAP,” pagre-recall ni Luis. “Sabi ko, ‘Sige, mag-training tayo ng Muay Thai.’ Kasama pa ‘yong friend n’ya… Late s’ya [si Jessy] dumating. Dumating s’ya halos patapos na ang ASAP.

Sabat naman ni Jessy, “Hello? Kasi may hangover ako nu’n.” 

‘Yon nga, ‘di ba? Mag-i-schedule ka tapos iinom ka?” tugon naman sa kanya ng aktor. 

Hindi ko naman kasi sinasadya kasi birthday ‘yon ng friend ko,” pagdadahilan naman ni Jessy. 

Tapos ako, nandu’n ako. Inaantay [ko s’ya]. Kasama ko ‘yong friend n’ya,” pagpapatuloy naman ni Luis. “Tapos bigla na lang, dahil late na late na nga s’ya, siguro alam n’ya inis na inis na ako... pag pasok n’ya, sabi n’ya, ‘Sorry, sorry… late ako.’ Kiniss n’ya ako bigla.

Pag-amin naman ng aktres, nabigla din daw s’ya sa kanyang ginawa dahil nataranta s’ya. Iyon daw kasi ang unang beses na nakita n’yang pissed off si Luis.  

Sobrang nabigla ako,” sey ni Jessy. “Hindi ko alam ang gagawin ko kasi first time ko makita si Luis na sobrang badtrip. Kasi friends pa lang kami nu’n, e. Parang nililigawan pa lang n’ya ako nu’n. 

“So, hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Medyo may pagtingin na rin naman ako nu’n sa kanya pero nahihiya lang ako sa kanya kasi na-late ako. So, ang ginawa ko… ‘Yong kumbaga, nataranta ka at hindi mo alam ang gagawin mo, kiniss ko na lang s’ya sa lips. Ayon. So nawala ‘yong galit n’ya.”

Dahil daw sa kiss na ‘yon ay instantly nga nawala ang init ng ulo ng aktor.  

Nakaganu’n [kunot-noo] s’ya nu’ng una,” natatawang paglalarawan pa ni Jessy. “Tapos maya-maya lumalambot na ‘yong mukha n’ya. [Tapos sabi n’ya], ‘It’s okay.’ Yiiee…”

Sa ngayon ay engaged na ang dalawa after mag-propose ni Luis ng kasal kay Jessy na isinapubliko nila noong December 12, 2020.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Beachfront house ng mag-sweetheart na Jessy Mendiola at Luis Manzano, malapit nang itayo

Future wedding at baby nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, “very soon” na daw ayon kay Vilma Santos

Jessy Mendiola emotionally opens up about engagement ring controversy and break up with Luis Manzano last May, says someone ruined the whole engagement experience for them

Luis Manzano funnily looks back on wise words of younger self in his Grade 7 yearbook; draws equally funny reactions from celebrity colleagues!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.