Film directorial debut ni John Prats, nadedelay dahil kay Angelica Panganiban?

Pagkatapos ng Hueniverse Music Festival, possible na kayang maasikaso ni John Prats (rightmost) ang kanyang film directorial debut dahil tila hinog na rin naman siya para subukan ito? Ayon kay John, sina Sam Milby at Angelica Panganiban (na co-producers ng Hueniverse) na rin daw ang gusto niyang artista ng kanyang first movie if ever. Gusto raw niyang maging very special at personal ang first attempt niya kaya bumubuwelo pa talaga siya.

PHOTO: Anna Pingol

Pagkatapos ng Hueniverse Music Festival, possible na kayang maasikaso ni John Prats (rightmost) ang kanyang film directorial debut dahil tila hinog na rin naman siya para subukan ito? Ayon kay John, sina Sam Milby at Angelica Panganiban (na co-producers ng Hueniverse) na rin daw ang gusto niyang artista ng kanyang first movie if ever. Gusto raw niyang maging very special at personal ang first attempt niya kaya bumubuwelo pa talaga siya.

Unknown to many, matagal ng business ng pamilya Prats—actor siblings John and Camille and the rest of the Prats family—ang pagpo-produce ng mga shows for corporate clients through their Bright Bulbs Productions at dito nahasa si John, who is now a father of two, sa mga nitty-gritty ng live production and eventually ng pagdidirek na mismo ng mga live shows.

Sumubok din muna siyang mag-direk ng mga musics videos ng mga kaibigang artists gaya ni Moira dela Torre pero ang baptism of fire niya sa pagdidirek ng malakihan at for live public viewing na project ay ’yon ding first ever big concert ni Moira, entitled Tagpuan, sa New Frontier Theater (na Kia Theater pa ang tawag dati) noong February 2018.

Now, John is taking his directorial skills to the next level via the Hueniverse Music Festival, which is already happening this Saturday, September 28 sa Filinvest City Events Grounds in Muntinlupa City.

Ang kaibigan at Hueniverse co-producer nila John na si Angelica Panganiban ang nag-inspire kay John para buuin ang music fest na ito at hinatak na rin nila ang ka-tropa nilang si Sam Milby para maki-co-prod. Pala-attend kasi ng mga international music festivals si Angge (palayaw ni Angelica) gaya ng Coachella sa California, USA at Fuji Rock sa Japan. At kaka-k’wento daw ni Angge, nagbato ng idea si John na mag-mount sila ng similar one sa Pilipinas.  

He and the rest of the gang—wife Isabel Oli, sister Camille and her husband, Sam, and Angelica—promises na mata-transport daw ang attendees to a “different universe” pagpasok palang sa venue. Well-thought out nila ang lahat ng aspeto ng festival—from security and medical needs to food and drink sources; from kiddie entertainment to shopping—and they’re hoping na ma-execute lahat according to plan. As far as music is concerned, sigurado daw non-stop dahil may multiple set ups sila para pagkatapos ng isang singer o banda ay naka-ready na ang kasunod.

As for the line up, they have: the highly-acclaimed international DJ, DJ BORGEOUS (Tsunami) headlining the event; for local DJs, they have Ron PoeJennifer LeeKatsy Lee, and Tom Taus; while the mixed genre performers include Spongecola, Autotelic, Agsunta, Bita and the Botflies, The Ransom Collective, Written by the StarsChiquerella, and Allmo$t  of the “Dalagang Filipina” fame.

Of course, this is foremost a business venture kaya gusto nilang kumita pero ang aim nilang magto-tropa ang makilala ang Hueniverse para maging annual event na ito.

Pagkatapos ng Hueniverse, possible na kayang maasikaso ni John ang kanyang film directorial debut dahil tila hinog na rin naman siya para subukan ito. 

Ayon kay John, sina Sam at Angelica rin daw ang gusto niyang artista ng kanyang first movie if ever. Gusto raw niyang maging very special at personal ang first attempt niya kaya bumubuwelo pa talaga siya.

Moreover, hinihintay pa raw niyang matapos ni Angelica ang script na napag-usapan na nila pero dahil busy rin, kaya hindi nito natututukan.

“Gusto ko silang gawan,” say ni John about Sam and Angge during the Hueniverse press conference early this month. “Open naman ako sa idea na gumawa ng pelikula but siguro kung gagawin ko siya I want it to be special. [Dapat] Gusto ko...gustong-gusto ko ’yong project, and gusto ko personal ’yong project. That’s why hinihintay ko rin si Angge na tapusin na ’yong script kasi may simulan siyang script two years ago—interesting talaga. So, hinihintay ko lang kung kelan niya matatapos.”

John even urged Angelica na mag-share nang kaunti about her story concept pero tumanggi ito.

“Share mo! May concept naman na. Hahaha!  Share mo!” himok ni John sa kaibigan na katabi niya that time. 

 

 

Sinubukan din ng pikapika.ph na maka-extract nang kaunti kay Angge after ng press conference pero ayon sa aktres, baka raw manakaw o maagaw ng iba. Kumurot na biro pa nga siya na sanay naman na daw siyang naaagawan pero ayaw pa rin daw niyang i-share.

Anyway, Hueniverse tickets are priced at Php 999 for Gold and Php 2999 for Platinum. For more details, go check their website: hueniverseph.com

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.