Fiancee ni Polo Ravales, kinilig sa mainit nilang gay love scene ni Rob Gomez sa Lovers/Liars ng GMA

Para kay Polo Ravales, malayo raw ang mararating ni Rob Gomez sa showbiz. “Actually, nagulat ako. Ang galing n’yang artista, e. Hindi ko na-feel sa kanya na parang [baguhan] s’ya. Hindi. Pag dating namin sa set, game na s’ya agad, e. He’s a very professional. Malayo ang mararating nitong si Rob. Iba ’yong passion n’ya,” pahayag n’ya.

PHOTOS: @poloravales on Instagram

Para kay Polo Ravales, malayo raw ang mararating ni Rob Gomez sa showbiz. “Actually, nagulat ako. Ang galing n’yang artista, e. Hindi ko na-feel sa kanya na parang [baguhan] s’ya. Hindi. Pag dating namin sa set, game na s’ya agad, e. He’s a very professional. Malayo ang mararating nitong si Rob. Iba ’yong passion n’ya,” pahayag n’ya.

Gaganap na beki ang aktor na si Polo Ravales sa upcoming primetime series na Lovers/Liars.

Hindi ito ang unang beses na magpo-portray na isang bading ang seasoned actor sa isang project dahil nakagawa na rin s’ya ng ilang gay roles in the past. 

At dahil secured naman s’ya sa kanyang pagkalalaki, natanong ng entertainment press si Polo, hypothetically, kung sino sa mga male stars na kasama n’ya sa primetime series na Lovers/Liars ang type n’yang makarelasyon kung naging beki s’ya in real life. 

Nangyari ito sa media conference nila for the said teleserye nitong November 15.

Ayon sa aktor, mahirap daw pumili ng magiging boyfriend kina Rob Gomez, Yasser Marta, and Kimson Tan

Kaya naman, hindi na raw s’ya pipili sa mga ito kundi d’yo-d’yowain n’ya raw ang tatlong Kapuso actors.

Parang ang hirap nu’n. Iba-iba sila ng category, e. Parang mahirap, e. Siguro silang tatlo. Silang tatlo nga, totoo. Iba-iba kasi, e,” sagot ni Polo sa press people.

Magkakaiba raw kasi ang features and characteristics ng tatlo.

Una, si Yasser, kasi mala-Middle Eastern ang datingan, ’di ba? Parang Prince of Jaipur,” paliwanag n’ya.

Si Kimson naman parang K-pop…oppa. Tapos si Rob naman parang… Alam n’yo ’yong dating n’ya parang pang bampira, ’di ba? Pang Twilight ’yong datingan. Iba-iba talaga, e,” pagpapatuloy ni Polo.

Pero sa tatlo, si Rob ang magiging katambal n’ya dahil gaganap s’yang secret gay lover nito sa serye.

Kagabi, sinipsip n’ya [ni Rob] ako. Oo,” pagbibiro pa n’ya na ikinatawa ng lahat.

Pero hanga raw s’ya sa husay at dedikasyon na ipinakikita ni Rob sa ginagawa nilang teleserye.

“Actually, nagulat ako. Ang galing n’yang artista, e. Hindi ko na-feel sa kanya na parang [baguhan] s’ya. Hindi,” papuri ni Polo sa kanyang co-star.

Pag dating namin sa set game na s’ya agad, e. He’s a very professional. Malayo ang mararating nitong si Rob. Iba ’yong passion n’ya,” dagdag pa n’ya.

Natanong din sila kung magkakaroon ba sila ng love scene sa serye. Dito, si Rob ang sumagot sa press. 

“Actually, kakagawa lang po namin kahapon. Excited na po ba kayo [na makita]? Ginalingan ko po,” natatawang pambibitin ng aktor.

Kuwento naman ni Polo, isinama raw n’ya sa set ang fiancee n’yang si Paulyn Quiza at hinayaan n’ya itong mapanood ang mainit na eksena nila ni Rob.

Ang ginawa ko kasi, ’yong fiancee ko, pinapanood ko doon sa monitor, pinatabi ko kay direk. Sabi ko, doon ko malalaman kung magiging maganda ang eksena namin,” pagbabahagi n’ya.

Alam mo ang nangyari? Kinikilig sila sa eksena namin ni Rob. Seryoso. So nu’ng pag-cut [sa eksena], talagang natutuwa sila sa performance namin. Hindi s’ya bastos pero marami raw kikiligin,” saad pa ni Polo.

Masaya raw s’ya na natuwa si Paulyn sa ipinakita n’yang performance. 

Natuwa [ako]. Alam kong tama ’yong ginagawa kong acting. At tingin ko, naging proud s’ya sa akin,” pagtatapos n’ya.

Mapapanood sina Polo, Rob, Yasser at Kimson, kasama sina Michelle Vito, Sarah Edwards, Lianne Valentin, Shaira Diaz, and the Optimum Star Claudine Barretto, sa Lovers/Liars simula November 20 sa GMA Telebabad.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Polo Ravales gets engaged on Christmas Day

Pika's Pick: Polo Ravales and Paulyn Quiza’s Baby Yatrick turns one

Pika's Pick: Polo Ravales and Paulyn Quiza’s Baby Yatrick gets baptized

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.