Feeling ni Boom Labrusca, siya ang pinaglihihan ng asawang si Desiree del Valle

PHOTOS:  Ogie Diaz Showbiz Update on YouTube & @deslois on Instagram

PHOTOS: Ogie Diaz Showbiz Update on YouTube & @deslois on Instagram

Hindi raw inaasahan ng aktres na si Desiree del Valle ang pagdating ng matagal na nilang ipinagdarasal na blessing ng kanyang mister na si Boom Labrusca. At ito ay ang kanyang pagbubuntis.

Ito ang ibinahagi nilang mag-asawa sa home-made vlog nila na eksklusibo nilang ibinahagi kay Ogie Diaz, na siya namang nag-upload nito sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update YouTube Channel last May 30.

Lagi n’ya [ni Boom] sinasabi, ‘Alam mo, Darling, feeling ko talaga buntis ka.’ Sabi ko, ‘hindi, hindi, hindi,”’ pagre-recall ni Desiree sa kwentuhan nilang mag-asawa,

Feeling daw kasi noon ni Boom ay parang pinaglilihihan s’ya ng kanyang misis. 

Ito ’yong month na nakita ko s’yang sobrang puti. Ayan, o. Pag nakita n’yo s’ya sa personal, sobrang puti. Parang gatas,” paglalarawan ng aktor sa kanyang asawa. “Lalo ngayon kasi panay inom n’ya ng gatas.” 

Pagpapatuloy ni Boom sa video: “Tapos ako, pini-pimples ako. Hindi ako pimple-in na tao pero pinimples ako. 

Sabi ko [kay Desiree], ‘Pinaglilihihan mo ako.’ Nagbiro akong ganu’n. Tapos inaantok ako tuwing hapon. As in, out of nowhere knockout ako. Boom Tulog. Ngayon, bun…tis.

Para kay Des, wala naman daw s’yang nararamdamang kakaiba kaya hindi n’ya inasahang buntis pala s’ya.

“So, I took the [pregnancy] test tapos iniwan ko na lang s’ya doon. Kasi sabi ko, ‘Wala ‘yan.’ At eto pa, wala naman akong ibang nararamdaman. Like, ’yong sinasabi nilang nasusuka o nausea, whatsoever... cravings...wala,” lahad ng aktres.

“As in, everything was normal so feeling ko wala talaga. Bumaba ako dito, nagkape pa kami, k’wentuhan kami, ganyan, ganyan. A few minutes after bumalik ako. And then I saw the pregnancy test and it had two lines. And I went inside, [sabi ko] ‘Papi…!’”

Salo ni Boom sa kanya, “‘Buntis ka, no?’”

Doon na raw nagtatatalon sa saya si Boom, habang si Desiree naman ay tawa lang nang tawa.

As for the baby’s gender...

“Actually, walang gender. Basta healthy baby, healthy ’yong asawa ko. Safe delivery. That’s it,” sey ni Boom.

Pero ‘yong mommy ko, gusto n’ya, girl,” pagbabahagi naman ni Des. “‘Yong mommy n’ya [ni Boom], gusto n’ya, girl. ’Yong kuya ko, gusto n’ya, boy.” 

Birong singit ni Boom: “Pero si Boom, gusto n’ya, boy.”

Sagot naman ni Des: “Pero si Des, gusto talaga n’ya, girl. Pero it doesn’t matter.”

At this point daw ay mamimili muna silang mag-asawa ng trabaho to ensure his a nd his family’s safety.

“Thankfully, nakatapos kami ng mga teleserye. So medyo nakaipon kami,” ani Boom. “Actually, ako hindi ako tumatanggap ng trabaho. May mga inquiry ako pero hindi ko muna tinatanggap. Pero pag teleserye, tatanggapin ko. Pag mahaba talaga tatanggapin ko. Ito [si Des] may gagawin [pero] tinanggihan na n’ya.

Humiling din ng dasal ang mag-asawa mula sa kanilang fans para sa ligtas na pagbubuntis at panganganak ni Desiree soon.

Ipag-pray n’yo po kami,” panawagan ni Boom. “Ipag-pray n’yo po ang aking mag-ina. Sana maging safe silang dalawa. ‘Yon lang naman laging dinadasal namin ngayon. And maraming-maraming salamat because God’s gift po ito. We prayed for this.”

Dagdag pa ni Desiree, “Yes, we did. We also want to thank everybody who sent messages and they’re very happy for us. The love that you made us feel, thank you so much.”

Si Boom ay ama ng aktor na si Tony Labrusca. Pinakasalan niya si Desiree noong January 2018 sa Amerika after being together for more than six years.

Congratulations, Desiree and Boom!

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.