Farm to Table host Chef JR Royol, nagbukas ng organic restaurant sa Magdalena, Laguna

Matatagpuan ang Anihan Sustainable Gastronomy by Chef JR Royol sa loob ng the Good Food Farm sa Magdalena, Laguna.

Photos: @jrroyol on Instagram

Matatagpuan ang Anihan Sustainable Gastronomy by Chef JR Royol sa loob ng the Good Food Farm sa Magdalena, Laguna.

Nabuksan na sa wakas ang pinatayong restaurant ng Kapuso chef na si Chef JR Royol sa Magdalena, Laguna.

Sa kanyang Instagram at Facebook posts, ipinakita ng 40-year old chef ang Anihan Sustainable Gastronomy by Chef JR Royol. 

Matatagpuan ang restaurant na ito sa loob ng the Good Food Farm sa Magdalena, Laguna.

Ayon sa post ng Farm to Table host: "@anihanmagdalena in Magdalena, Laguna is a destination restaurant committed to conscious ingredient sourcing, supporting local farmers and producers. Embrace a farm-to-table experience while knowing that most of our dedicated staff hail from the vibrant community of Magdalena. Discover the essence of sustainability and local flavor in every dish."

Noong February 9 naganap ang grand opening ng Anihan Sustainable Gastronomy. Ipinakita sa Facebook live ni Chef JR ang naganap sa kanilang opening.

 

Sa isa pang Facebook live, nagbahagi si Chef JR ng background ng kanyang restaurant sa Laguna.

“Since we are a sustainable gastronomy, we directly source our ingredients from local markets. 'Yung mga gatas po namin ay supplied by Magdalena dairy products. Isa sa main products ng Magdalena ay 'yung gatas."

Isa pa sa nai-share ni Chef JR ay ang kanyang vision para sa binuksang restaurant.

"One of the visions that I have for this place is to show the industry, if you want to do local, if you want to do organic, or consciously source naturally grown produce it can be very inexpensive."

Bukod sa kanyang cooking show na Farm To Table sa GTV channel, napapanood din si Chef JR sa food trip segment ng GMA morning show na Unang Hirit. 

Isang proud Igorot-Bicolano si JR (Romulo Lamaton Royol Jr. in real life) na tinanghal na grand winner sa season one ng MasterChef Pinoy Edition noong 2013.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.