Fan gives next-level tribute to Mon Confiado by having his face inked on his thigh

Papuri ni Mon Confiado sa kanyang fan at sa tatto artist: "Uuy! Maraming Salamat naman Petpet Tattoo at Ginoong Leo Angelo Sacopla sa pagpapa-tattoo at artwork ng isa sa mga karakter ko! "Ang ganda ng detalye!" papuri pa ng versatile actor. "Touched naman ako. Maraming Salamat! Mabuhay ang iyong Sining!"

PHOTOS: @mconfiado on Facebook

Papuri ni Mon Confiado sa kanyang fan at sa tatto artist: "Uuy! Maraming Salamat naman Petpet Tattoo at Ginoong Leo Angelo Sacopla sa pagpapa-tattoo at artwork ng isa sa mga karakter ko! "Ang ganda ng detalye!" papuri pa ng versatile actor. "Touched naman ako. Maraming Salamat! Mabuhay ang iyong Sining!"

Talagang next level na maituturing ang pagiging fanboy ng isang supporter ni Mon Confiado dahil nakuha nitong ipa-tattoo ang mukha ng aktor sa kanyang katawan.

Sa recent social media post ng premyadong aktor, sinabi niyang na-touch siya sa gesture ng kanyang masugid na tagahanga matapos nitong ipa-tattoo ang mukha niya sa hita nito.

Maging ang tattoo artist ay napuri din niya dahil kuhang-kuha umano nito ang karakter niya sa isa sa kanyang mga pelikula. 

"Uuy! Maraming Salamat naman Petpet Tattoo at Ginoong Leo Angelo Sacopla sa pagpapa-tattoo at artwork ng isa sa mga karakter ko!" pahayag ni Mon sa kanyang identical FB and IG post.

Kalakip nito ang series of photos ng kanyang fan at tattoo artist habang ibinibida ang pang-malakasang tattoo. 

"Ang ganda ng detalye!" papuri pa ng versatile actor. "Touched naman ako. Maraming Salamat! Mabuhay ang iyong Sining! 🔥🙌🏻🙌🏻🙌🏻🎨🖤"

Hindi nabanggit ni Mon kung saang eksena at kung sa anong pelikula niya nakuha ng kanyang fan ang larawang pinagkopyahan ng tattoo. Bagamat sa kanyang mga IG posts noong 2013, makikita ang similar photo at nabanggit niyang para to sa pelikula niyang Bad Blood with director Ato Bautista.

Samantala, kabilang si Mon sa pelikulang Nanahimik ang Gabi na official entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. 

Kasama niya dito sina Heaven Peralejo at Ian Veneracion.

Mapapanood ang Nanahimik ang Gabi simula sa araw ng Pasko, December 25, in cinemas nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mon Confiado sa pagiging single for 11 years now: “Tinanggap ko na matandang binata na ako.”

Exclusive: Korean movie ni Mon Confiado, magso-showing na sa South Korea; iba pang international films niya, patapos na rin!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.