Bago pa man daw pumunta sa FAMAS Awards si Nadine Lustre ay sigurado na ang boyfriend niyang si James Reid na mag-uuwi ang aktres ng golden trophy.
Nagwagi si Nadine ng Outstanding Performance by an Actress in a Leading Role award para sa Never Not Love You (2018), where she starred alongside James.
Sey ni Nadine, hindi siya nasamahan ng boyfriend and co-star dahil may gig siya on the same night. Pero bago daw umalis si Nadine ay sinabihan siya ng aktor ng: "You're gonna win that."
"Sinabi na po niya 'yon sakin. So pag-uwi ko, sabi niya 'I told you you're gonna win.'"
"So I'm really happy kasi sa lahat ng pinagdaanan namin siya 'yong number one na supportive sa akin."
Dagdag ni Nadine, napakalaking tulong ni James sa kaniya dahil nali-lift siya ng aktor.
"Siya po talaga 'yong nagpu-push sa akin na, alam mo yon, na 'It's just a bad day,' or it's just, you know, challenge lang 'yan for now. 'Eventually you're gonna get through that and you're gonna be a stronger person after that.'"
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na dumaan si Nadine sa matinding depression noong panahon na ginagawa ang Never Not Love You. Her brother, Isaiah, passed away in October 2017 around the time of filming.
Kaya naman hindi maiwasan ng aktres maging emosyonal nang tanggapin ang FAMAS award, na hindi niya daw talaga inasahan.
"No'ng tinawag ako wala po akong hinandang speech or anything," kuwento ni Nadine. "Shinare ko na lang po 'yong experience ko before shooting the film kasi nga po malaking challenge sa akin 'yong Never Not Love You.
"Fresh na fresh pa po 'yong sa kapatid ko at that time and then ilang beses ko din po minention kay Direk [Antoinette Jadaone] na, 'Direk, feeling ko hindi pa ko ready.' Kasi malaking commitment po 'yon e, na magsimula ng bagong pelikula ... kinabahan po ako na baka hindi ko siya magawa ng tama.
"So I'm really happy na kahit gano'n po 'yong nararamdaman ko noon and ganun po 'yong situation ko... I'm really happy na even at my lowest point, naitawid ko po siya."
YOU MAY ALSO LIKE:
Nadine Lustre, humakot ng awards sa MYX Music Awards 2019
What does Nadine Lustre think of being called "President"?
6 times Nadine Lustre slayed mirror shots