Faith da Silva, umasang magiging “intimate” ang dinner nila ni Korean-American singer Eric Nam pero “marami pala kami… Akala ko talaga na parang kami lang.”

Umasa raw si Faith da Silva na intimate dinner ang imbitasyon sa kanya ni Eric Nam pero marami raw pala silang in-invite ng Korean-American singer. Ganu'n pa man, nag-enjoy naman daw siya sa nu'ng dumalo siya sa paanyaya. "Kasi naman matagal na din po akong hindi nakikipag-date. Parang I want to experience it again," sabi niya. 

PHOTOS: @faithdasilva_ & @ericnam on Instagram

Umasa raw si Faith da Silva na intimate dinner ang imbitasyon sa kanya ni Eric Nam pero marami raw pala silang in-invite ng Korean-American singer. Ganu'n pa man, nag-enjoy naman daw siya sa nu'ng dumalo siya sa paanyaya. "Kasi naman matagal na din po akong hindi nakikipag-date. Parang I want to experience it again," sabi niya. 

Natatawang ikinuwento ng actress-TV host na si Faith da Silva ang naging experience niya sa inakala niyang dinner date nila ng Korean-American singer-songwriter na si Eric Nam.

Nagkakilala kasi sila nito nang mag-guest ang K-pop artist sa variety show nila na TiktoClock.

"Nag-guest po s’ya sa TiktoClock. And ako ’yong nag-i-interview sa kanya sa mga segment na ’yon," tsika ni Faith sa TV host at ninong niyang si Boy Abunda sa show nito na Fast Talk With Boy Abunda kahapon, September 21.

Nagulat na lang daw siya nang maka-receive siya ng invitation mula sa kampo nito para sa isang dinner.

"After the taping, nakalimutan ko na, ganyan. And then the next day someone messaged me na they were inviting me to an intimate dinner with Eric Nam," pagbabalik-tanaw niya.

Naloka raw ang aktres dahil international star ang nag-iimbita sa kanya. 

"So, parang ako talaga, 'Oh my gosh! Totoo ba ’to talaga?' Kasi he’s a superstar, international superstar. And karamihan sa mga friends ko sinusuportahan talaga s’ya," ani Faith.

For her part, late na raw niya nalaman na nag-e-exist pala si Eric.

"Parang ako, hindi ko na naabutan. Recently ko na lang nalaman. Pero nu’ng narinig ko ’yong mga songs n’ya, mga videos n’ya, nagulat talaga ako," pag-amin ng aktres.

"Kasi bakit naman ako ang ii-invite, ’di ba, for an intimate dinner?" tanong pa niya.

In-accept daw niya ang paanyaya ng international singer at inihanda ang sarili dahil alam niyang mapapalaban siya sa Inglisan.

"Ready ako sa mga questions na itatanong n’ya kasi magaling s’ya mag-English. So, alam ko na makakapag-usap kaming dalawa," kinikilig na kuwento pa niya.

However, na-shock na lang umano siya pagdating niya sa meeting place nila dahil hindi lang pala siya ang inimbitahan. 

"Pagdating ko doon, marami pala kami. Madami kami. Akala ko talaga na parang kami lang. Wala naman kasi silang sinabi na event pala ito. Ganyan. Hahaha!" natatawang sabi niya.

Nag-enjoy naman daw siya sa inakala niya noong una na magiging intimate dinner nila ni Eric. 

"Madami kami. Masaya naman kasi I was able to meet new friends. Pero umasa ako. Hahaha!" pagpapakatotoo ng aktres.

Na-miss daw kasi niya 'yong ganu'ng feeling na may lalaking mag-aaya sa kanya sa isang date o dinner. 

"Kasi naman matagal na din po akong hindi nakikipag-date. Parang I want to experience it again," pagtatapos niya. 

Kasalukuyang napapanood si Faith sa morning show na TiktoClock at sa primetime series na Maging Sino Ka Man sa GMA Telebabad.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Faith da Silva, denies having had romance with Albert Martinez; “Pero masasabi kong nagustuhan ko s’ya.”

Faith Da Silva sa rumors romantically linking her to Albert Martinez: “Nagulat ako but it’s not that I didn’t expect it.”

Faith da Silva, nadala sa naranasang toxic relationship kaya handang maghintay sa someone na “worth it”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.