EXCLUSIVE: Meet Mark Anthony Fernandez’s youngest son, Leandro and his girlfriend Diana

Mark Anthony Fernandez—here with girlfriend Diana Guerrero and their three-year-old son Leandro—says that Leandro is the “pinaka-pogi sa amin [ng mga Fernandez].”

PHOTOS: Anna Pingol

Mark Anthony Fernandez—here with girlfriend Diana Guerrero and their three-year-old son Leandro—says that Leandro is the “pinaka-pogi sa amin [ng mga Fernandez].”

Na-ispatan ng pikapika.ph ang guwapong aktor na si Mark Anthony Fernandez sa opisina ng Viva Films kaninang hapon at kasama niya ang mag-ina niyang si Diana Guerrero at ang cute na cute at bibong three-year-old nila na si Leandro.

 

When we asked Leandro is he’s going to an artista, he says, “yes.”

 

Napag-alaman naming si Mark ang latest addition sa cast ng Viva MMFF 2019 entry na Miracle in Cell No.7. Isa daw siya sa magiging kaibigan ng role ni Aga Muhlach (Yong-Gu) sa loob ng preso.

The movie will be his comeback film, so to speak. Sa Ma’Rosa (2016) ni Direk Brillante Mendoza pa siya huling nakita sa big screen at kahit matagal din ang inilagi niya sa FPJ’s Ang Probinsyano, iba pa rin din ang pelikula.

 

However, may guest role daw siya sa Cuddle Weather ng Regal Films pero ang Miracle daw ang maituturing na acting comeback niya talaga sa pelikula at happy daw siya na isang MMFF entry ang next project niya. Sa August 14 na raw siya magsisimulang mag-shooting for the movie.

 

Incidentally, may pag-uusapan lang daw sila ng manager niyang si Boss Vic del Rosario ng Viva kaya siya napadalaw sa opisina nito. At ipinakilala niya sa amin ang bunso niyang si Leandro na hindi maitatangging artistahin din. Ipinakilala rin niya sa amin ang magandang mommy ni Leandro na si Diana Guerrero.

 

Mark had been separated from his former wife, Melissa Garcia (the mom of ABS-CBN actor Grae Fernandez), since 2014.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

 

5 parts of the Just A Stranger teaser that make us want to see the movie ASAP

Grae Fernandez, susundan ang yapak ng lolo Daboy

First read: Viva Films releases official statement regarding the casting change in Miracle in Cell No.7

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.