EXCLUSIVE: Baron Geisler, excited sa first baby with wife Jamie; nagri-reach out na rin sa dalawa pang naunang anak na babae

Baron is set to became a daddy again, this time with his wife Jamie. And he’s excited. “This is the first time na magiging hands-on daddy ako, it’s the first time na tutulong ako sa [pag-aalaga]...”

PHOTOS: Melo Balingit

Baron is set to became a daddy again, this time with his wife Jamie. And he’s excited. “This is the first time na magiging hands-on daddy ako, it’s the first time na tutulong ako sa [pag-aalaga]...”

Hindi na mahalagang lingunin pa kung ilang beses naligaw ng landas si Baron Geisler. Ang mahalaga na ngayon is that he owns up to his mistakes at pilit sinusubukang hanapin ang tama at manatili doon.

At malaking bahagi ng pagiging “matino”—so to speak—ng buhay niya ngayon ay ang pagiging malapit niya sa Diyos at ang asawa niyang si Jamie Marie Evangelista.

Matatandaang ginulat tayo ni Baron nang biglaan nating makita sa social media ang civil wedding nila ni Jamie last September 12 sa Quezon City hall. Si Jamie, na nakilala niya during his recovery program sa isang rehab center sa Cebu, ay 5-months pregnant ngayon sa kanilang panganay, isang baby girl na agad na nilang pinangalanang Talitha Cumi.

“Best project ko ngayon, first [baby] kay Jaime,” nakangiting k’wento ni Baron sa pikapika.ph nang masolo namin siya after ng story conference ng upcoming movie niyang Tililing under Viva Films.

Pero nagulat kami nang nilinaw niyang first baby ang baby niya kay Jamie dahil may nauna na raw siyang dalawang anak na babae sa dalawang magka-ibang ina. At bahagi nga raw nang pag-aayos niya ng kanyang buhay ngayon ang pagre-reach out sa nanay ng mga ito at sinusubukang mga tatay sa mga bata. Inuna na niyang reach out-an ang nanay ng anak niyang taga-Pampanga (kung saan din lumaki si Baron).

“I have two other kids na babae,” k’wento ni Baron. “But dahil sa recovery ko...’yong mom sa Pampanga medyo secretive lang siya but nagkikita kami. Ina-acknowledge ko na ’yong baby. Okey rin lang sa asawa ko.

“Ako nag-reach out doon sa baby. Thank you talaga natuwa naman ’yong mother and with open arms...sabi niya, ‘go ahead.’”

Kaka-three years old na raw ang bata at last month lang ay pinuntahan nilang mag-asawa para dalhan ng mga regalo.

“Birthday niya noong nakaraan buwan, pinuntahan namin ni Jaime. Binilhan namin ng mga Pepa pig, mga damit...”

Wala pa raw sila sa stage na tinatawag na siya nitong daddy. Pero happy siyang magaan ang loob sa kanya ng bata.

“Wala pa [siyang tawag sa akin]. We’re starting palang to build a relationship... basta’t ano siya sa akin humihiga siya... magaan ’yong feeling niya sa akin. Hindi siya takot sa akin.” 

Dagdag pa ni Baron: “Kamukha ko. Kulot. So every now and then basta every week we get to talk with each other [the mom and me], nagse-send siya ng mga pictures...kulot ’yong bata. Hahaha!”

Samantala, nagri-reach out din daw siya sa nanay ng isa pa niyang anak para makilala ang anak niya dito. Pero may pagka-“vague” ang description ni Baron sa naging pag-uusap nila kaya naghihintay pa siya ng tamang timing para muli itong kausapin. 

“Waiting for God’s perfect timing,” ang tanging nasambit ni Baron patungkol sa pagkikita nila ng isa pa niyang anak.

And having learned what he’s learned, he’ll try to do his best daw na maging tama ang lahat para sa first baby naman niya with his wife.

“This is the first time na magiging hands-on daddy ako, it’s the first time na tutulong ako sa [pag-aalaga]...

“And isa ’yon sa mga...no’ng nasa rehab palang ako sabi ko ito ’yong mga aaayusin ko dahil ito ’yong nakasulat sa Bible. Ito ’yong mga dapat kung ano ’yong tama...itama.”  

At napaka-swerte nga raw niyang hindi lang maunawain ang misis niya kundi very supportive sa pag-alalay sa kanya. 

“Jaime is... she’s the bubble gum sa amin. Siya ’yong nagdidikit sa amin lahat. But, of course, ’yong sa akin naman I’m doing my best to be father, the best leader ng family, the best provider as well.”

And part of his attempt to be a good provider ay ang maging project creator na rin daw at hindi basta maghihintay na lang ng offers. In fact, bukod sa 2020 project niyang Tililing, may nililuto daw siyang show ngayon para sa isang cable channel.

“Kaya itong show actually na sinasabi ko, ginapang ko ’to,” excited na pahabol-kwento ni Baron. “It’s our show sa ibang ano ’to... it’s for a cable channel and it’s gonna be... kaabang abang ’to

“And no’ng dating panahon, mag-aantay lang ako, manood lang ako ng TV, sine, Netflix, movies habang walang trabaho... ngayon ako na ’yong naghahanap ng close na director, ‘Direk may idea ako gawin natin ito.’ Tapos kakausapin namin ’yong boss pini-pitch naming... ’yong mga gano’ng bagay na. Kasi hindi na ako p’ewde umasa sa pag-aantay lang na may darating na ano, e, na kailangan kong kumilos para magka-trabaho.”

With all humility ay inaamin naman ni Baron na ang pag-arte lang ang alam niyang gawin kaya he’s been trying to do his best sa field na ito. And it has paid off dahil kahit umaandar ang kanyang tililing kung minsan, fact remains na isa siya sa pinaka-mahusay na aktor of his generation. But dala na nga ng mga karanasan, Baron says mas may respeto na raw siya ngayon sa industriya at sa mga ka-trabaho niya sa loob nito.

“Mahal ko naman eversince ang trabaho ko,” Baron muses. “Ang akin lang mas may respeto ako sa mga co-actors ko, mas may respeto ako sa lahat ng tao, may respeto ako sa trabaho. So, I think ’yon ’yong tamang word kasi eversince naman mahal mo siya kaya nga nagagawa ko siya ng maayos.”

Anak daw siya ng showbiz and he will forever be an actor.

“Ang TV days palang. So, I think hindi na nila matatanggal sa akin yan. And unang-una alam naman natin  lahat, ’yong with total humility, ito lang naman ang alam kong gawin kaya binibigay ko ’yong the best ko talaga.”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Baron Geisler, inirampa ang bagong asawa sa Sine Sandaan event

Baron Geisler is finally a father after announcing wife's pregnancy!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.