Exclusive: Arjo, pormal nang ipinakilala si Maine sa mga magulang niya

PHOTOS: @cecil_jojo on IG

PHOTOS: @cecil_jojo on IG

Nagulat si Sylvia Sanchez sa tanong namin kung totoong pormal nang ipinakilala na ng panganay niyang si Arjo Atayde ang matagal nang napapabalitang girlfriend nito na si Maine Mendoza sa kanilang mag-asawa kagabi, May 23.  

Ayon sa pikapika source, may apat na oras ding nagtagal si Maine sa bahay ng mga Atayde sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Nagtatangka pang umiwas si Sylvia sa topic. Pero hindi na niya maitanggi kalaunan dahil tama ang detalye ng pikapika source.

“Yeah, oo...” matipid na sagot niya. 

Nagluto ka? Tanong namin. Alam kasi namin mahilig at magaling magluto ang aktres. 

“Oo... lagi naman akong nagluluto basta libre ako....” paliwanag niya.

Pero espesyal syempre ang dinner kagabi, sabi namin, dahil may pagpapakilalang naganap. Tumawa lang ang nanay ni Arjo.

READ: Arjo Atayde on meeting Maine Mendoza’s parents: “Nakakatakot po but I faced it”

Deretsahan na namin tinanong ang aktres kung ano ang impression nila ng asawa niyang si Art Atayde kay Maine. First time ever nila kasi itong na-meet.

“She’s very pleasant... mabait. Saka magalang. Importante ‘yong magalang,” say ni Sylvia.

Noong nasa Hongkong palang daw pala si Sylvia last week para mag-celebrate ng birthday kasama ang mga relatives from Mindanao ay nag-text na sa kanya si Arjo at tinanong kung libre ang schedule nito sa May 23.  

“Sabi ko, oo, why? ‘I’m gonna introduce Maine na to you guys.’ So, ayon. Kagabi nga yon. Masaya kami sa bahay kagabi.”

Hihirit pa sana kami ng ilang tanong pero pinutol na kami ng aktres.

“Ayoko na. Tama na. Babu na!”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Arjo Atayde opens more about Maine Mendoza: "I love her company so much"

Arjo Atayde on meeting Maine Mendoza’s parents: “Nakakatakot po but I faced it”

Maine introduced Arjo to her family; “that was the first time I introduced someone to my family”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.