Eula Valdez, niyayang magpa-tattoo ni Angel Locsin

Eula Valdez tells the press how close she is with the cast members of The General's Daughter.

PHOTOS: Jewelle Pacia

Eula Valdez tells the press how close she is with the cast members of The General's Daughter.

Sa finale press conference ng The General’s Daughter (TGD)  last September 26, hindi napigilang ibahagi ng Kapamilya aktres na si Eula Valdez kung gaano siya naging super close sa buong cast ng hit teleserye.

Isa-isa kasing nagbigay ang mga cast members ng mga sentiments nila tungkol sa pagtatapos ng show nagbahagi ng mga moments na sobrang mami-miss nila kapag natapos na ang nasabing show. 

At ayon kay Eula, who played as the real mom of Angel Locsin in the show, isa umano sa mami-miss niya ay ang usual pangha-hangout nila after every taping. 

Kwento ni Eula: “Kasi itong samahan namin...okay pag matatapos na ‘yong show, mamimiss namin ang isa’t-isa ganyan. Pero proof ‘yong alam niyo ba pag may trabaho kami kinabukasan, pag may nagyaya lumabas, lumalabas talaga kami.”

Ni-reveal din ng aktres na minsan ay niyaya na lang siya bigla ni Angel Locsin na mag 
pa-tattoo.

“Ako very private person ako pero sila gusto ko sila makasama. Katulad si Angel, sa taping ha, sabi lang niya, ‘Miss Eu, pa-tattoo tayo,’ sabi ko, ‘sige kailan?’ Sagot niya, ‘bukas’.” 

Dagdag pa nito, ang napili niyang  tattoo design sa kanyang left arm ay ang mga pangalan ng kanyang mga anak. 

Naghiyawan at ikinatuwa naman ito ng mga fans na present din sa finale press conference. 

“Ibig kong sabihin, ganoon ‘yong desisyon, walang ka-abog-abog na, ‘ayoko, parang ayoko ata.’”

Sa pagtatapos ng kanilang show this week, hinihiling lang aktres na sana ay hindi magbago ang klase ng friendship na nabuo niya with all the cast members.

“May katuturan ‘yong samahan namin lahat, gusto ko after the show, maging for keeps ‘yong friendship namin.”

WATCH FULL INTERVIEW BELOW:

YOU MAY ALSO LIKE:

Angel Locsin, ultimate Darna pa rin sa isipan ng fans! 

Angel Locsin, todo pasalamat sa Dreamscape

Eula recalls "Maria Flordeluna" days with Albert Martinez

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.