Eula Valdes, kina-cancel ng ilang Kakampinks sa pagkakasali niya sa cast ng Martyr or Murderer; Eula, deadma

Umani ng iba't-ibang reaksyon ang paglabas ni Eula Valdes sa isang eksena sa trailer ng Martyr or Murderer. Marami ang nadismaya dito lalo ang fans niya na mga anti-Marcos. Tila deadma naman ang aktres sa panawagan ng ilan na i-cancel o i-boycott siya.

PHOTOS: Eula Valdes and Vincentiments on Facebook

Umani ng iba't-ibang reaksyon ang paglabas ni Eula Valdes sa isang eksena sa trailer ng Martyr or Murderer. Marami ang nadismaya dito lalo ang fans niya na mga anti-Marcos. Tila deadma naman ang aktres sa panawagan ng ilan na i-cancel o i-boycott siya.

Nagulat ang netizens sa pagkakasali ng seasoned actress na si Eula Valdes sa upcoming movie ni Direk Darryl Yap na Martyr or Murderer (MoM).

(Ang MoM ang kasunod sequel ng pelikulang Maid in Malacañang at tatalakay sa pagkaka-assassinate kay dating senador Ninoy Aquino na ibinibintang sa dating presidenteng Marcos Sr.)

Naging pasabog kasi sa dulo ng inilabas na trailer ng pelikula kagabi, February 9, ang aktres kung saan lumabas siya bilang present-day Senator Imee Marcos na siyang lead character ng kuwento.

Isa itong malaking surpresa sa publiko lalo pa't walang initial na announcement ang kampo ni Direk Darryl ukol dito, hindi gaya sa mga additional cast ng pelikula gaya nina Isko Moreno at Jerome Ponce.

Bukod pa doon, controversial pa ang eksena ni Eula dahil pinakita doon ang pagsusumbong ni ngayo’y Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa karakter niyang si Sen. Imee ukol sa umano’y pandaraya ng naupong bise presidente na si Leni Robredo sa vice presidential race noong 2016.

Kaya naman gaya ng inaasahan, napasama bilang top trending topic ang pangalan ng batikang aktres sa Twitter.

May mga nagpahayag ng pagka-dismaya sa kanya, lalo na ang mga Kakampink o mga taga-suporta ni dating VP Leni Robredo.

"EULA VALDEZ is the Biggest disappointment of 2023 and it's only February!!!" pahayag ng isang Leni supporter sa Twitter.

Komento naman ng isa pa, dapat daw ay hindi na lang tinanggap ni Eula ang role na maging Imee Marcos. Naging "enabler" daw kasi siya sa ginawa niya.

"Mayaman naman na dapat si Eula Valdez. She doesn't need the role for money," anito.

"Kung trabaho tingin nya dito sa role na eto, then she's naive. If she accepted this willingly and knowing everything, then she's complicit. Enablers of corrupt people."

Ganito rin ang sentimyento ng isang dismayadong fan ng aktres.

"I love the kontrabida episode of Drag Den. One of the reason is because Eula Valdez. Kaya it's such a big let-down for me to see this. [Sad face emoji] Another actress who I have a great deal of respect na enabler pala," saad nito.

"Did Eula Valdez guest in Dra Den w/o understanding what drag actually is?! Enabler si accla?! Why Amor Powers? Why?!" tanong naman sa kanya ng isa pang anti-Marcos Twitter user.

Kung may mga nadismaya, meron din namang mga kampi kay Eula.

May nagsabi nga na tigilan na ang pamumulitika dahil tapos na ang eleksyon. Maliban pa roon, trabaho daw ng aktres ang umarte sa kung ano mang role ang ibigay sa kanya dahil isa siyang artista.

"Trabaho lang walang personalan. Some people knows when to stop politicking daily lives. Kaya napakaTOXIC ng panahon ngayon. Before kapag tapos na ang election, Back to regular programming na. Ngayon lahat gusto connected pa rin sa election ang lahat ng galaw at ginagawa ng tao," paliwanag ng isang netizen.

Sinang-ayunan din ito ng isang pang Twitter user.

"I dont see any wrong in Eula Valdez being part of that basura movie. Work is work. Filipino needs to know to how to separate proffession to personal. grow up Pinoy. wag nyu ko lecturan ng delicadeza chuchua," saad nito.

Pinuri naman ng isa pa ang tapang ni Eula dahil hindi daw ito natakot na ma-cancel ng mga laban sa Marcoses.

Nadamay pa sa komento niya si former VP Leni, ang nabanggit sa kontrobersiyal na eksena ni Eula, na siya naman daw totoong biktima ng cancel culture.

"Ang tapang ni Ms Eula Valdez,hindi takot macancel ng mga kakampink. Well, ang pinaka successful naman na pag cancel sa ating Philippine history eh yung pagkatalo ni Leni Robredo. She was cancelledt not just in twitter but the whole nation. A taste of their own medicine," saad nito.

Tila deadma naman sa ingay ng Twitter world si Eula na as of this writing ay wala pa ring inilalabas na pahayag tungkol sa isyu.

Maliban kay Eula, matatandaang binanatan din noon ng mga Kakampink ang actress-comedienne and host na si Giselle Sanchez nang gumanap siya bilang Cory Aquino sa blockbuster movie na Maid in Malacañang.

Samantala, mapapanood ang Martyr or Murderer simula March 1 sa mga sinehan sa nationwide.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.