Empress Schuck sa pagiging kasal kay Vino Guingona: “Mas masaya na. Mas buo na. Hindi na nakaka guilty dahil may blessing na ni God.”

PHOTOS: @itsempressita on Instagram

PHOTOS: @itsempressita on Instagram

Nag-celebrate ang aktres na si Empress Schuck at husband n’yang si Vino Guingona ng kanilang first month bilang married couple. 

The two tied the knot last March 6 in an intimate wedding ceremony held in Tagaytay na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. 

At makalipas ang isang buwan, the actress took to Instagram para i-share ang mga changes sa kanilang pagsasama ni Vino ngayong officially ay misis na s’ya nito. 

“Today marks our 1st month of being married,” panimula ni Empress sa kanyang IG post kahapon, April 6. 

“What can i say.. Wala naman akong masabi na bago kong na discover sakanya,” lahad ng 28-year-old actress-model. “Wala naring kapaan or honeymoon stage kasi we’ve been living together for five years. But it doesn’t mean na walang nagbago saamin or spark after the wedding! Marami.”

Tsika pa ni Empress, na-witness daw n’ya kung paano nag-grow si Vino bilang isang ama. At masasabi raw niyang naging “sweeter” pa ang kanilang pagsasama. 

“In a span of 1 month I saw him grow as a Father, as a Man,” she said. “It definitely is sweeter this time. Iba yung naging effect sa relationship namin. Mas masaya na. Mas buo na. Hindi na nakaka guilty dahil may blessing na ni God.”

Hiling pa n’ya, “Sana everybody can feel this secured. Sa mga may alam ng story namin, totoo na we didn’t start easy. But we learned to surrender everything to The Lord. Now look at the grace he gave us.”

Dagdag pa ni Empress: “God will always be there for us kahit na we turn our backs on him many times. He’s just waiting for us to come back to him again, admit that we are sinners, start anew and I guarantee that you will feel his presence even more.”

The actress then turned to her husband to say, “I love you each day. Happy 1st month! @vinoguingona.”

Sa ngayon ay biniyaan sina Empress at Vino ng isang anak, si Athalia, who celebrated her fifth birthday last September 28, 2020, the same day kung kailan na-engage ang couple.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bride-to-be Empress Schuck, naiyak sa tuwa sa surprise bridal shower cum birthday salubong ng mga nagmamahal

Pika's Pick: Empress Schuck walks the aisle today to exchange I dos with Vino Guingona

Pika's Pick: Empress Schuck and Vino Guingona drop pre-nuptial photos; ask friends for wedding hashtag recommendations

Empress, gustong maging Sarah Geronimo ang anak

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.